Pag-iimbita sa Memoryal—Magsisimula sa Marso 22
Sa taóng ito, ang kampanya ng pag-iimbita sa Memoryal ay magsisimula sa Marso 22 (Sabado). Pinasisigla ang lahat na lubusang makibahagi. May sampol na presentasyon sa pahina 4. Sa dulo ng sanlinggo, kung angkop, mag-aalok pa rin tayo ng mga magasin. Sa unang Sabado ng Abril, magpopokus tayo sa pamamahagi ng imbitasyon kaysa sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Pero kung may makakausap tayong talagang interesado, puwede tayong magpasimula ng pag-aaral. Aalamin ng tagapangasiwa sa paglilingkod kung ang pamamahagi ng mga imbitasyon sa pampublikong pagpapatotoo ay makatutulong sa kongregasyon para maabot ang mas maraming tao sa teritoryo. Para makadalo ang ating mga kakilala gaya ng kamag-anak, katrabaho, kaeskuwela, at dinadalaw-muli, ilista na ngayon ang mga gusto nating anyayahan at bigyan sila ng imbitasyon kapag nagsimula na ang kampanya. Umaasa tayo na marami ang makakasama natin sa pag-alaala sa dalawang pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig.—Juan 3:16; 15:13.