Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 1/8 p. 25
  • Hindi Bahagi ng Sanlibutan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Bahagi ng Sanlibutan?
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Lutheranong Aleman Ba ay Nanganganib Malipol?
    Gumising!—1987
  • Ang Kinabukasan ng Protestantismo—At ang sa Iyo!
    Gumising!—1987
  • “Kung ang Trumpeta’y Malabo ang Tunog Kung Nananawagan . . . ”
    Gumising!—1987
  • Kung Paano Nakaligtas ang Relihiyon
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 1/8 p. 25

Hindi Bahagi ng Sanlibutan?

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA ALEMANYA

“SILA ay hindi bahagi ng sanlibutan, kung paanong ako ay hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 17:16) Sa mga pananalitang ito ay inilarawan ni Jesus ang lubusang pagkawalang pinapanigan ng kaniyang mga tagasunod hinggil sa pulitika. Ang nag-aangkin bang mga Kristiyano sa ngayon ay nakaaabot sa pamantayang ito?

Isaalang-alang ang sumusunod na mga komento ng mga peryodista hinggil sa pagkasangkot ng Sangkakristiyanuhan sa dating German Democratic Republic (GDR), na hanggang sa pagkalansag nito noong 1990 ay pinamahalaan ng rehimeng Komunista.

• “Ngayon na ang Iglesya Lutherano sa GDR ay nagpakasasa sa kaluwalhatian sa sandaling panahon bilang ang ina ng mapayapang rebolusyon, ang popularidad nito ay waring mabilis na humihina. Para sa marami waring ito’y higit na naging pundasyon ng rehimen at lugar para sa Stasi (State Security Service).”​—Die Zeit, Nobyembre 1991.

• “Ang iba’t ibang Iglesya Lutherano sa lalawigan . . . ay nagpahayag ng kanilang pagtataka sa pagkasangkot ng mga manggagawa sa simbahan at mga miyembro ng parokya sa Stasi.”​—Evangelische Kommentare, Enero 1991.

• “Ang mga pinuno ng Iglesya [Lutherano] ay nakaririnig ng mga reklamo na ang mga pari ay hindi na nagmamalasakit sa kanilang mga tao na gaya ng dati, yamang sila’y aktibo sa pulitika.”​—Süddeutsche Zeitung, Pebrero 1990.

• “Sinabi ni Weizsäcker [dating pangulo ng Federal Republic of Germany] na ang Iglesya [Lutherano] ay laging may ginagampanang bahagi na nakatutulong sa pulitikal na ugnayan ng dalawang Estado ng Alemanya.”​—Wetterauer Zeitung, Pebrero 1992.

Ang pakikialam sa pulitika ay hindi lamang limitado sa Iglesya Lutherano. “Halos ang bawat [Protestanteng] grupo ng simbahan ay pinasukan ng mga tauhan ng Stasi,” ulat ng The European. Si Manfred Stolpe, na inilarawan ng The European bilang “ang pangunahing tagapamagitan ng simbahang protestante sa komunistang mga awtoridad,” ay may ganitong paliwanag sa kaniyang panig: “Ako’y makikipagkamay sa Diyablo kung ito’y makatutulong sa ating layunin.”

Iniulat ng Guardian ng London ang tungkol sa matalik na ugnayan sa pagitan ng klero at ng Mafia sa Italya. Ganito ang sabi nito: “Ang Simbahan at ang Cosa Nostra ay mapayapang nagsasama sa napakatagal na panahon anupat ang simbahan ay kalimitang pinararatangan na nakikipagsabwatan.”

Inilathala ng Toronto Star ang isang artikulo tungkol sa pakikipagtulungan ng ilang pari ng Rusong Orthodoxo sa dating KGB. Ganito ang sabi ng ulat: “Ang pagsisiwalat tungkol sa pakikipagtulungan ng simbahan sa rehimeng komunista ay nagpapakita ng pinakamatinding pagsabog. . . . Ang mga bagay mula sa mga archive ng KGB . . . ay nagsasabi na ang matatandang opisyal ng simbahan ay hindi lamang nagtatuwa ng kanila mismong mga simulain kundi naging handang ikompromiso ang relihiyosong mga lider sa ibang bansa.”

Habang ang mga iglesya ng Sangkakristiyanuhan ay patuloy na nakikialam sa pulitika, ang tunay na Kristiyanismo ay sumusunod sa utos ni Jesus na huwag maging bahagi ng sanlibutan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share