Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 6/1 p. 27
  • Pagbubukas ng Daan Patungo sa Paraiso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbubukas ng Daan Patungo sa Paraiso
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Saloobing Misyonero​—Ang Lihim ng Tagumpay
  • Isang Bagong Tahanan Para sa Paaralang Misyonero ng Gilead
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Pumapasok sa Buhay na Kapaki-Pakinabang ang mga Nagtapos sa Gilead
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Paaralang Gilead—50 Taóng Gulang at Patuloy Pang Umuunlad!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Pagtanggap sa Regalong Pagmimisyonero ng mga Nagtapos sa Gilead
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 6/1 p. 27

Pagbubukas ng Daan Patungo sa Paraiso

ISANG maaliwalas at kaaya-ayang araw ng Marso sa New Jersey, mga 4,300 ang nagkatipon sa Jersey City Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses. Sila’y nanggaling sa lahat ng panig ng Estados Unidos at sa marami pang mga bansa. Ang natatanging pagtitipong ito ay bahagi lamang ng pangyayaring naganap 43 taon na ang lumipas nang isang pantanging paaralang para sa pagsasanay sa mga misyonero ang itinatag sa pamamatnugot ng noo’y pangulo ng Watch Tower Bible and Tract Society, si Nathan H. Knorr.

Ang pagtitipong ito sa Marso ay graduasyon ng ika-80 klase ng Watchtower Bible School of Gilead. Subalit ano ang humila sa karamihang iyon na dumalo sa graduasyon? Iyon ay ang inaasahan nilang uri ng programa.

Mga Saloobing Misyonero​—Ang Lihim ng Tagumpay

Ang chairman sa palatuntunan ay si Karl Klein, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova. Kaniyang ipinakilala ang unang tagapagsalita, isang dating misyonero sa Hapón, si Lloyd Barry, at ngayon ay isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, na nagpahayag sa temang “Ang Inyong Pananampalataya ay Samahan ng mga Gawa.” Kaniyang ipinayo: ‘Pagkaraan ng limang buwang puspusang pagsasanay sa Gilead, nasa tugatog na ang inyong pag-ibig at pananampalataya. Ngayon, sa pagtungo ninyo sa inyong destino, samahan ninyo iyan ng mga gawa.’ (Santiago 2:22, 23) Sinabi niya na gaya ni Jehova sila ay dapat na ‘gumising nang maaga’ at ang buong maghapon ay gamitin nila sa paglilingkod sa kaniya.​—Jeremias 7:25.

Si Daniel Sydlik, isa pang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ay nagbigay ng nakapagpapatibay na payo sa paksang “Maaari Ninyong Pagyamanin ang Isang Tumpak na Saloobin.” Sa anumang kalagayan, aniya, maaari kayong magkaroon ng isang positibo o isang negatibong saloobin. Kaniyang ibinatay ang kaniyang pahayag sa Malakias 3:15, 16, at kaniyang ipinakita kung gaano kadali na maging mareklamo pagka nasa isang bagong bansa. “Maging mabagal sa pagrireklamo,” sinabi pa niya. “Magkaroon kayo ng isang masayang saloobin na pagpapalain ng Diyos.”

Ang mga ibang tagapagsalita, kasali na si Ulysses Glass, ang registrar ng paaralan, ay nagdiin sa pangangailangan ng pagtitiis, kasiyahan sa nagawa, at lakas ng loob. Si Jack Redford, dating misyonero at isa sa mga instruktor sa paaralan, ay nagbigay ng praktikal na payo sa pananatiling may bukás na pag-iisip. Tandaan, aniya, na “ang mga pantas ay nagbabago ng kanilang pag-iisip, ang mga mangmang ay hindi!” Kaya’t ipinayo niya sa mga bagong misyonero na makibagay tulad ni apostol Pablo, na sumipi pa man din ng lokal na mga makata. (Gawa 17:28) “Mamukadkad kayo kung saan kayo itinanim. . . . Manatiling may bukás na pag-iisip at puso,” ang pagwawakas niya.

Ang pangunahing pahayag sa graduasyon ay binigkas ng pangulo ng Watch Tower Society, si Frederick W. Franz, ngayo’y 92 anyos na. Sa temang “Pagbubukas Ngayon ng Daan Patungo sa Pagbabalik sa Paraiso sa Lupa,” ang nagunita pa niya nang itatag ang Paaralang Gilead, “isang sanggol ng digmaan at isang anak ng pananampalataya” na nagsimula sa kalagitnaan ng Digmaang Pandaigdig II. Kaniyang ginamit ang Isaias 62:10 bilang teksto ng kaniyang tema, at ipinakita niya kung paanong ang mga bagong misyonerong ito ay makikibahagi sa dakilang gawaing pagtatayo ng isang maluwang at matibay na daan na kung saan ang mga baguhan sa tunay na pagsamba ay makalalakad patungo sa Paraisong isinauli. Bilang katapusan ng programa sa umaga, ang 24 na mga nagtapos ay inabutan ng kanilang diploma.

Sa sesyon sa hapon, ang mga nagtapos ay nirepaso sa mga bagay na kanilang natutuhan sa paaralan, at binigyan din sila ng pangitain ng mga hamon na mapapaharap sa kanila sa hinaharap. Ang programa ay nagtapos sa isang drama sa Bibliya kontodo kasuotan noong sinaunang panahon at itinanghal kung paanong si Rahab, at nang malaunan ang mga Gibeonita, ay nagpakita ng pananampalataya na nagbunga ng kaligtasan nila.​—Josue, kabanata 2 hanggang 6 at 9.

Kasali na ang 24 na mga nagtapos ng ika-80 klase ng Paaralang Gilead, lahat-lahat ay mayroong 6,234 na mga misyonero ang napadestino sa buong daigdig upang manguna sa gawaing pangangaral bilang katuparan ng Mateo 24:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share