Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 8/15 p. 3-4
  • Pag-aabuso sa Kapangyarihan—Matatapos Pa Kaya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-aabuso sa Kapangyarihan—Matatapos Pa Kaya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kailan ba Ito Nagsimula?
  • Kung Bakit Tiyak na Matatapos ang Pag-aabuso sa Kapangyarihan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Maligaya ang mga Gumagamit Nang Matuwid sa Kapangyarihan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Pag-iingat sa Tahanan
    Gumising!—1993
  • Mag-ingat Laban sa Maling Paggamit sa Kapangyarihan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 8/15 p. 3-4

Pag-aabuso sa Kapangyarihan​—Matatapos Pa Kaya?

ISA sa mga paraan na napagkakakilanlan na mapag-imbot ang di-sakdal na mga tao ay ang kanilang paghahangad ng kapangyarihan. Ang kilalang-kilalang manunulat ng Britanya na si Malcolm Muggeridge ay nagsabi na hinahangad ng mga tao ang kapangyarihan “sapagkat hindi [nila] natatalos na ang saligan ng buhay ng tao ay pag-ibig . . . Ngunit sa pinakaugat ang hangarin na magkaroon ng kapangyarihan ay napakamapanganib. Isa ito sa tinanggihan ni Jesu-Kristo.”

Dahilan sa malaganap na paghahangad na ito ng kapangyarihan, lakip na ang pinsalang nagagawa nito, ang mga Tagapagtatag ng Estados Unidos ay bumuo ng isang konstitusyon na doo’y pinagbaha-bahagi sa tatlo ang kapangyarihan sa gobyerno: ehekutiba, lehislatura, at hukuman. Ang tatlong ito ay panghadlang sa isa’t-isa upang huwag abusuhin ang kapangyarihan.

Sa kabila ng mga dakilang intensiyon ng nga Tagapagtatag na ito, malaganap din ang mga pag-aabuso sa kapangyarihan sa lupaing iyan. Marahil ay nalalaman mo na mayroong pag-aabuso ng kapangyarihan para sa lahat ng panig ng daigdig. Ang kasaysayan ay puno ng mga ulat ng mga taong nag-abuso ng kapangyarihan sa kanilang sariling kapakinabangan at sa kapinsalaan naman ng kanilang mga kapuwa tao. Nariyan sina Alejandrong Dakila, Carlo Magno, Napoleon, at Hitler.

Kailan ba Ito Nagsimula?

Datapuwat, ikaw ay may dahilan na magtanong kung kailan baga nagsimula ang pag-aabuso ng kapangyarihan? Ang isang mapanghahawakang sagot ay makikita sa aklat ng pinakamaagang kasaysayan ng tao, ang Bibliya. Dito’y mababasa mo ang mga nangyari sa halamanan ng Eden. Si Satanas na Diyablo, na ipinakikita ng Bibliya na isang tunay na nilikha, ay naging sakim sa kapangyarihan. Kaniyang tinukso ang lahi ng tao upang lumakad sa daan ng kasalanan. Isang pagkakakilanlan sa kasalanan ay ang malaganap na pagkagahaman ng tao sa kapangyarihan at sa pag-aabuso nito. (Genesis 3:1-19; Roma 5:12) Si Satanas noong una pa ang nagpangyari sa mga bansa na sumailalim ng kaniyang kapangyarihan, kung kaya’t nagawa niya na ang pamamahala sa mga ito’y ialok kay Jesu-Kristo. (Mateo 4:8-10) Lahat ng tao halos ay nadaya ng Diyablo, kaya’t masasabi na “ang buong sanlibutan ay nakalugmok sa kapangyarihan ng balakyot.”​—1 Juan 5:19; Apocalipsis 12:9.

Narito ang isang kaisipan na maaaring makagitla sa iyo: Ang pangunahin sa nagsisilbi sa layunin ng Diyablo ay ang maraming mga pinuno ng relihiyon. Paano nga nagkaganiyan? Bueno, kanilang inabuso ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga doktrinang walang katotohanan, anupat inaalipin ang mga tao. Ang mga pinuno ng lahat ng relihiyon ay nag-abuso rin sa kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-uusig sa tunay na mga lingkod ng Diyos. Si Esteban, ang unang martir na Kristiyano, ay tumawag-pansin sa malungkot na kasaysayan ng mga pinunong relihiyoso ng Israel: “Kayong mga taong matitigas ang ulo at di tuli ang mga puso at tainga . . . Alin sa mga propeta ang hindi pinag-usig ng inyong mga ninuno? Oo, kanilang pinatay yaong mga patiunang nagbabalita ng darating na matuwid na Isa, na sa kaniya kayo ngayon ay naging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao.”​—Gawa 7:51, 52.

Si Esteban ay isa sa mga una sa mahabang hanay ng mga tapat na Kristiyano na pinag-usig. Ang mga salita ni apostol Pablo ay tunay na natupad: “Lahat ng nagnanasang mamuhay na taglay ang maka-Diyos na debosyon katulad din ni Kristo Jesus ay pag-uusigin.” (2 Timoteo 3:12) Ang rekord ng mga Saksi ni Jehova sa modernong panahon ang nagpapatunay rito. Kahit na ngayon, sa humigit-kumulang 40 mga bansa nadadama ng mga Kristiyanong ito ang pag-aabuso ng kapangyarihan sa bagay na ang kanilang ministeryo ay hinahadlangan ng mga maykapangyarihan.

At anong dami ng iba pang mga nag-aabuso ng kapangyarihan! Saan man tayo magmasid, nakikita natin ang mga tao na dumadaing dahilan dito. Ang pag-aabuso ng mga nagpapatrabaho ang sanhi ng kilusan ng mga manggagawa. Subalit ngayon ay nakikita na may mga lider sa organisadong trabaho na nag-aabuso rin ng kapangyarihan. Minoridad na mga grupong etniko ang nahihirapan dahil sa pag-aabuso ng mayoridad. Ang isa pang anyo ng pag-aabuso ay yaong ginagawa ng mga lalaking nasa puwesto ng pangangasiwa na nagsasamantala sa mga babaing empleyada, na napipilitang pumayag sa hangarin ng kanilang mga boss dahilan sa takot na maalis sa kanilang trabaho. Halimbawa, isang baylarina ang inalok ng isang pangunahing bahagi sa isang pagtatanghal ng ballet kung siya’y papayag na sipingan siya ng prodyuser.

Oo, ang daigdig ay puno ng mga tao na nag-aabuso sa kanilang kapangyarihan. Lahat ng mga mapag-imbot na gumagawa ng ganoon ay nagpapatunay na sila’y hindi natatakot sa Diyos. Bakit nga? Sapagkat, sinasabi ng Salita ng Diyos, “Ang pagkatakot kay Jehova ay ang pagkapoot sa masama.” (Kawikaan 8:13; Awit 97:10) Ang pag-aabuso o maling paggamit sa kapangyarihan ay tunay na masama, at ang gayong abuso ay hindi mananatili.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share