Tanong
● Bakit dapat tayong makipag-aral sa dalawang publikasyon sa mga baguhan, kahit na sila’y nabautismuhan na bago pa matapos ang dalawang aklat?
Habang tayo ay nagtuturo ng katotohanan sa mga baguhan, ang ilan ay mas madaling maunawaan at tanggapin ito kaysa iba. Ang ilan ay maaaring maging kuwalipikado sa bautismo sa maikling yugto ng panahon. Gayumpaman, mahalaga na ang lahat ng kumikilala kay Jehova ay “mapuspos ng wastong kaalaman ng kaniyang kalooban sa lahat ng karunungan at espirituwal na kaunawaan, upang lumakad nang karapatdapat kay Jehova sa buong ikalulugod niya.” (Col. 1:9, 10) Sa pamamagitan ng kumpletong pag-aaral sa mga aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba o Tunay na Kapayapaan, matutulungan ang mga baguhan na gawin ito.
Sa pamamagitan ng pag-aaral muna sa isang aklat hinggil sa mga saligang aral, na sinusundan ng isang aklat na sumasaklaw sa mga katangiang Kristiyano, magkakaroon ang estudiyante ng malawak na kaalaman. Matututuhan din niya ang mga simulain na sumasaklaw sa personal na asal at pagsamba na mahalaga sa pagiging isang tunay na Kristiyano ng isang tao. Ang bawa’t isa na pumapasok sa organisasyon ni Jehova ay kailangang maging ganap sa kapangyarihan ng kaunawaan.—1 Cor. 14:20.
Karagdagan pa, ang karanasan ay nagpapakita na ang pagtulong ng isang maygulang na guro ay kailangan. Bagaman ang pagbabasa ng mga publikasyon nang personal at pagdalo sa mga pulong ay mahalaga, hindi nito mailuluwal sa tuwi-tuwi na ang “karunungan at espirituwal na kaunawaan” na kailangan para paglingkuran si Jehova sa kalugod-lugod na paraan. Ang isang personal na pag-aaral sa Bibliya kasama ng isang guro ay mahalaga. (Gawa 8:30, 31) Ang isa na nagdaraos ng pag-aaral ay maaaring mag-ulat ng oras, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya hanggang sa matapos ang ikalawang aklat, kahit nabautismuhan na ang estudiyante.