Pag-aralan ang mga Aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba
1 Mga tract, brochure, magasin, at mga aklat—lahat ay maaaring gamitin upang pasimulan ang mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa mga taong interesado. Dahilan sa malaganap na pamamahagi nito at pagiging nakatatawag-pansin, ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman ay ginamit upang mapasimulan ang mga pag-aaral.
2 Gayunpaman, may dalawang partikular na aklat na dapat pag-aralan kasama ng mga baguhan upang matulungan silang makaunawa ng mga saligang doktrina ng Bibliya at ng mga Kristiyanong pamantayan sa pamumuhay. Ang mga ito ay: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos. Iminumungkahi na karakaraka hanggat maaari, ang nagdaraos ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa ibang mga publikasyon ay lumipat sa isa sa mga aklat na ito. Ang pag-aaral sa Bibliya ay dapat ipagpatuloy hanggang matapos ang mga aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba, kahit nabautismuhan na ang isang tao bago pa matapos ang ikalawang aklat. Ang kaayusang ito ay magbibigay ng karagdagang unawa at espirituwal na katatagan sa estudyante sa Bibliya.