Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/88 p. 1-4
  • Tulungan ang Matatanda at ang Masasaktin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang Matatanda at ang Masasaktin
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGLILINGKOD SA LARANGAN
  • PAGDALO SA MGA PULONG
  • ISAMA SILA SA ATING ESKEDYUL
  • Pagbibigay ng Atensiyon sa mga Matatanda at Masasakitin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Alalahanin ang Tapat na mga May-edad Na
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Pagtugon sa Pangangailangan ng Ating Matatanda Na—Isang Hamon sa mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Pagtingin sa mga Kapakanan ng Matatanda Na
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 5/88 p. 1-4

Tulungan ang Matatanda at ang Masasaktin

1 Maraming kongregasyon ang may mga mamamahayag na matatanda na o mahihina ang katawan. Sila ay maaaring nangangailangan ng tulong sa pagdalo sa mga pulong o sa paglabas sa paglilingkod sa larangan.

2 Ang ilan ay matapat na naglingkuran sa maraming taon, at sila’y nagnanais na magpatuloy sa pakikibahagi sa mga gawain ng kongregasyon sa kabila ng kanilang mga limitasyon. Ang isang kapatid na babae na malapit na sa 90 anyos ang nagsabi: “Pinakamamahal ko si Jehova anupa’t kailangan akong makibahagi sa paglilingkod at dumalo sa mga pulong upang patunayan ko ito sa kaniya.” (1 Cor. 15:58) Di ba kayo sumasang-ayon na ang mga kagaya nito ay karapatdapat na tulungan?

PAGLILINGKOD SA LARANGAN

3 Ang isang 93 anyos na payunir ay nagsabi: “Nadarama ko sa kasalukuyan na ang aking paglilingkod ay hindi gaanong malaki, subali’t isang malaking kagalakan na paglingkuran ang aking Maylikha.” Ano ang ating magagawa upang mabatid ng mga kagaya nito kung gaano natin sila pinahahalagahan? Ang isang paanyaya na sumama sa atin sa paglilingkod sa larangan ay kadalasang pinahahalagahan. Kung ang ilan ay nahihirapang maglakad, maaari bang dalhin sila sa pamamagitan ng silyang-de-gulong kapag naglilingkod sa lansangan? (Kaw. 17:17) Sila ba’y maaaring sumama sa atin sa mga pagdalaw-muli o mga pag-aaral sa Bibliya? O may pinagdarausan ba tayo ng pag-aaral na magnanais magtungo sa bahay ng isang matanda upang doon mag-aral?

4 Mayroon ba tayong magagawa upang tulungan ang mga di makaalis sa kanilang tahanan na makabahagi sa paglilingkod sa larangan? Marahil ay mabibigyan natin sila ng mga pangalan at direksiyon ng mga tao sa mga hindi mapasok na lugar, mga wala sa tahanan, o mga taong interesado na maaaring sulatan. Ang isang masasakting payunir ay sumulat: “Ako’y lubusang nilumpo ng arthritis at hindi na makalakad. Subali’t . . . ako’y nakapagsasalita pa, nakasusulat, nakatatawag sa telepono, at nakapagpapadala ng mga magasin.” Pinasalamatan niya ang kaniyang maibiging mga kapatid sa pagtulong sa kaniya upang magkaroon ng lubusang bahagi sa ministeryo.—Heb. 6:10-12.

PAGDALO SA MGA PULONG

5 Ang Efeso 4:25 ay nagsasabi: “Tayo ay mga sangkap na nauukol sa isa’t isa.” Nanaisin kung gayon natin na tulungan ang mga matatandang kapatid na makadalo sa mga pulong. (Fil. 2:4) Paano ito maisasagawa? Marahil ay maisasaayos nating samahan sila sa pagtungo sa mga pulong sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon, o kung mayroon tayong sariling sasakyan ay isakay sila.

6 Para sa ibang matatanda, ang mga pulong ay inire-rekord at pinatutugtog sa kanila sa ibang pagkakataon. Ang isang kapatid na babae ay hinilingang dumalaw sa isang may kapansanang kapatid na babae linggu-linggo upang repasuhin ang mga pangunahing punto sa mga pulong. “Gumugugol ako ng ilang minuto upang mabatid niya ang tungkol sa mga patalastas at sa mga pangyayari sa kongregasyon. Nagdadala rin ako ng mga nasusulat na repaso sa kaniya. Ikinasisiya naming lubusan ang ganitong panahon na magkasama. Pinangyayari nitong maging kaalinsabay siya ng kongregasyon kahit na siya’y hindi nakadalo.”

ISAMA SILA SA ATING ESKEDYUL

7 Makapagbibigay ba kayo ng tulong sa mga matatanda? Hanapin ang paraan upang makatulong. Maaari ba kayong mamili para sa kanila o dalhin sila sa kanilang pinakipagtipanan? Ang pagtulong sa mga ito ay maaaring maging kapakipakinabang dahilan sa mahaba nilang karanasan sa buhay. (Kaw. 16:31) Tamasahin ang kasiyahan ng pagtulong sa mga matatanda at sa mga masasaktin.—Gawa 20:35; Roma 1:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share