Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/88 p. 1-2
  • Taglay Ba Ninyo ang Espiritu ng Pagpapayunir?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Taglay Ba Ninyo ang Espiritu ng Pagpapayunir?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAPAANO LILINANGIN ANG ESPIRITU NG PAGPAPAYUNIR
  • POSITIBONG EPEKTO
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Pagpapamalas sa “Espiritu ng Pananampalataya”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Makapaglilingkod Ka Ba kay Jehova Bilang Isang Payunir?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Ano ang Isang Payunir?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 8/88 p. 1-2

Taglay Ba Ninyo ang Espiritu ng Pagpapayunir?

1 Ano ang “espiritu ng pagpapayunir”? Ito’y maaaring bigyan ng katuturan na pagtataglay ng isang positibong saloobin hinggil sa utos na mangaral at gumawa ng alagad, na lubusang nakatalaga sa pagpapakita ng pag-ibig at pagkabahala sa mga tao, na nagsasakripisyo-ng-sarili, nakakasumpong ng kagalakan sa maingat na pagsunod sa Panginoon, at pagkakaroon ng kasiyahan sa espirituwal, hindi sa materyal na mga bagay.

2 Ang bayan ni Jehova sa kabuuan ay tunay na nagpapamalas ng espiritung ito sa ngayon. Gayunman, dahilan sa mga panggigipit sa panahong ito ng kawakasan, ang ating sigasig sa espirituwal na mga bagay ay maaaring mabawasan. Ang bawa’t isa ay maaaring magtanong sa sarili, ‘Taglay ko ba ang espiritu ng pagpapayunir? Pinahihintulutan ko bang nakawin ito sa akin ng sistemang ito ng mga bagay? Ako ba ay masigasig sa katotohanan, nasasabik na magsabi sa iba hinggil sa katotohanan? Ako ba’y nagtataguyod ng espiritu ng pagpapayunir sa kongregasyon? Ano ang magagawa ko upang mapagtagumpayan ang isang negatibo o mapagwalang-bahalang saloobin?’

PAPAANO LILINANGIN ANG ESPIRITU NG PAGPAPAYUNIR

3 Ang espiritu ng pagpapayunir ay isang talagang kalagayan ng puso, at dapat na linangin ito. Yamang pinakakain natin ang puso sa pamamagitan ng ating nababasa at naririnig, ang personal na pag-aaral ng Bibliya ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa paglinang sa espiritu ng pagpapayunir. Si Pablo ay nagpayo kay Timoteo: “Magbulaybulay ka sa mga bagay na ito . . . upang ang iyong pagsulong ay mahayag sa lahat.” (1 Tim. 4:15) Mahalaga kung gayon para sa atin na magbulaybulay sa mga espirituwal na bagay upang mapaabot natin ang mga ito sa ating puso, ang luklukan ng pangganyak. Sa pagsasagawa nito pasusulungin natin ang pagnanais na gawin ang kalooban ng Diyos, at maghahanap tayo ng paraan upang palawakin ang ating ministeryo.

4 Ang mga bagay na ating sinasabi ay maaaring makapagpahina o makapagpatibay sa ating mga kapatid. (Efe. 4:29) Sa pamamagitan ng pagsasabi ng ating mga karanasan at mga puntong tinamasa natin sa mga pulong o sa personal na pag-aaral, ibinabahagi natin ang mga bagay na positibo at nakapagpapatibay. Bukod dito, kapag tayo ay nakikipag-usap sa mga tao sa pang-araw-araw na takbo ng ating pamumuhay, sinasamantala ba natin ang pagkakataon na magbigay ng impormal na patotoo? Kung gayon, tayo ay sumusunod sa mga hakbang ng ating Huwaran, si Jesus.—Juan 4:7-10.

5 Ang pagkakaroon ng pag-ibig sa ating kapuwa ay tumutulong sa atin na linangin ang espiritu ng pagpapayunir. (Mat. 22:39) Ipinamalas ni Jesus ang ganitong uri ng pag-ibig. Siya’y nahabag sa mga tao at nagnais na tumulong sa kanila, kahit na iyon ay nangahulugan ng malaking personal na pagsasakripisyo. (Mat. 9:36; Roma 5:6) Kung tayo ay nagpapakita ng tulad-Kristong saloobin, gagawin din natin ang lahat ng ating makakaya upang tulungan ang ating kapuwa sa espirituwal na paraan kahit na ang ilan ay tumanggi sa atin.—Ihambing ang Mateo 23:37.

POSITIBONG EPEKTO

6 Habang sumusulong ang espiritu ng pagpapayunir sa kongregasyon, gayundin ang init at espirituwalidad ng mga kapatid. Tungkol sa naging epekto ng gawaing pagpapayunir sa kaniyang kongregasyon, isang matanda ang nagsabi: “Anong pagkakaiba ang nalikha nito! Ang takbo ng kongregasyon ay nagbago. Ang hilig ngayon ay upang mapasulong ang aming pakikibahagi sa paglilingkod kay Jehova nang higit at higit pa.”

7 Samantalang papalapit ang taon ng paglilingkod ng 1989, gawin ninyong kapasiyahan na linangin ang espiritu ng pagpapayunir sa inyong kongregasyon. Magplano nang patiuna upang makapag-auxiliary payunir hangga’t maaari o kaypala’y abutin ang paglilingkuran bilang regular payunir. Maging mga payunir o mga mamamahayag, ang lahat sa kongregasyon ay maaaring magkaroon ng espiritu ng pagpapayunir.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share