Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Kongregasyon
1 Si Jehova, sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, ay nagbigay ng pananagutan sa isang “tapat at maingat na alipin,” o tagapamahala ng sambahayan. (Luc. 12:42, 43) Sa pamamagitan ng kaayusang ito ay naging posible na tumanggap tayo ng nasusulat na patnubay kung papaano ‘tayo mag-uugali sa sambahayan ng Diyos.’ (1 Tim. 3:15) Papaano makatutulong sa inyo ang Watch Tower Publications Index upang makita kung ano ang nakasulat?
2 Kayo ba’y isang matanda? May dalawang uluhan na tumatalakay sa inyong mga pananagutan: “Elders” at “Overseers.” Ang seksiyong “Elders” ay may mga reperensiya hinggil sa pagtulong sa mga nasa kongregasyon, kung papaano magbibigay ng payo, kung ano ang kaugnayan ng mga bumubuo sa lupon ng mga matatanda, mga pananagutan ng mga matatanda, abp. Ang mga reperensiya hinggil sa kuwalipikasyon ay masusumpungan sa ilalim ng “Overseers,” yamang ito ang termino na ginagamit ng Bibliya sa pagtalakay nito. Gayundin sa ilalim ng “Overseers” ay masusumpungan ang mga opisyal na atas, gaya ng “presiding overseer,” “service overseer,” at “secretary.”
3 Kayong mga ministeryal na lingkod ay makakasumpong ng impormasyon hinggil sa inyong mga kuwalipikasyon at mga pananagutan sa ilalim ng “Ministerial Servants.” Masusumpungan din ninyo ang mga reperensiya sa materyal may kaugnayan sa mga pribilehiyong bukas para sa inyo at kung papaano ninyo maaabot ang karagdagang pananagutan.
4 Ang uluhang “Meetings” ay nagbibigay ng reperensiya sa iba’t ibang pitak ng paksa, lakip na ang kapanapanabik na mga halimbawa sa ilalim ng “efforts to attend.” Sabihin pa, may pangunahing uluhan din para sa bawa’t isa sa mga pulong.
5 Ang Awit 68:11 ay nagsasabi: “Ang mga babaeng naghahayag ng mabuting balita ay malaking hukbo.” Katulad ng mga lalakeng miyembro ng kongregasyon, ang mga kapatid na babae ay kailangan ding manghawakan sa wastong paggawi na hinihiling sa kanila sa sambahayan ng Diyos. Kung minsan ay lumilitaw ang mga tanong hinggil sa paglalagay ng lambong o kung ano ang dapat gawin kapag walang kuwalipikadong kapatid na lalake na makapangangasiwa sa pulong o kakatawan sa kongregasyon sa panalangin. Ang uluhang “Women” ay aakay sa inyo sa impormasyon sa paksang ito. Makatutulong din ang mga uluhang “Sisters,” “Head Covering,” at “Prayer.”
6 Mag-ugali nawa tayo nang wasto sa sambahayan ng Diyos, na ginaganap ang ating ministeryo sa Kaharian sa loob ng kongregasyon.