Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Aklat na Pinakadakilang Tao
1 Wala nang maihahambing pa sa kagalakang maibahagi ang kaalaman sa iba sa pamamagitan ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.—Kaw. 11:25.
2 Tanda ng mga Huling Araw: Kung ginamit ninyo ang mungkahi sa artikulo sa itaas hinggil sa tract na Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?, papaano kayo ngayon makapagsisimula ng pag-aaral sa aklat na Pinakadakilang Tao? Buksan ang inyong aklat sa kabanata 111, at basahin ang unang tatlong parapo. Maaari ninyong itanong ang unang katanungan sa katapusan ng kabanata: “Ano ang nag-udyok sa mga apostol na magharap ng gayong tanong, ngunit ano pa ang malinaw na sumasaisip nila?” Tulungan ang maybahay na mangatuwiran sa sagot, at gamitin ang ilustrasyon upang magturo. Pagkatapos basahin ang ikaapat hanggang ikaanim na mga parapo, itanong ang ikalawang katanungan: “Anong bahagi ng hula ni Jesus ang natupad noong 70 C.E., ngunit ano ang hindi naganap noon?” Kung lumilitaw na interesado ang maybahay at may panahon, ipagpatuloy ang inyong pag-uusap.
3 Kung abala ang maybahay sa pagkakataong iyon, maaari ninyong itanong: “Nais ba ninyong makaalam pa nang higit kung kailan mangyayari ang katapusan ng sistema ng mga bagay?” Maaari ninyong isaayos na bumalik upang sagutin ang katanungan.
4 Posible ba ang Isang Mapayapang Sanlibutan? Kung ginamit ninyo ang tract na Ang Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan upang umakay tungo sa aklat na Pinakadakilang Tao, papaanong ang kabanata 133 ay makatutulong sa pagsisimula ng isang pag-aaral sa Bibliya?
Pagkatapos basahin ang 2 Pedro 3:13, maaari ninyong basahin o buurin ang ikalawang parapo sa pahina 3 ng tract at pagkatapos ay sabihin:
◼ “Si Jesu-Kristo ay magiging Hari ng Kaharian ni Jehova. Pansinin kung papaanong ang aklat na Pinakadakilang Tao ay naglalarawan kay Jesus at nagsasabi sa atin kung ano ang kaniyang gagawin sa hinaharap.” Pagkatapos ay basahin ang buong kabanata. Tanungin ang maybahay ng unang katanungan sa katapusan ng kabanata: “‘Ano ang magiging maligayang pribilehiyo ng mga nakaligtas sa Armagedon at ng kanilang mga anak?’ [Hayaang sumagot.] Nais ba ninyong maging bahagi ng bagong lupa na paghaharian ni Jesus bilang Hari? Nais kong magkaroon ng pagkakataon bawat linggo na tumulong upang makita ninyo mula sa Bibliya kung papaano ito mangyayari.”
5 Ang ilang mga indibiduwal ay maaaring maging interesado rin sa karagdagan pang pag-uusap hinggil kay Jesu-Kristo sa pagdalaw na ito.
Maaari ninyong sabihin:
◼ “Ang aklat na ito ay naghaharap ng makalupang buhay ni Jesus gaya ng nasa apat na Ebanghelyo. Nais ba ninyong makaalam pa nang higit tungkol dito?” Kung sumang-ayon ang maybahay, maaari ninyong talakayin ang una sa mga himala ni Jesus, sa kabanata 15.
6 Tunay, ang pag-aalok na ibahagi ang mga aral ni Jesu-Kristo sa pamamagitan ng pag-aaral sa Bibliya ay isang pagsisikap na magdudulot ng napakalaking pagpapala.