Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/97 p. 8
  • Subaybayan ang Interes sa Kingdom News

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Subaybayan ang Interes sa Kingdom News
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Paglinang sa Interes na Pinukaw ng Kingdom News Blg. 36
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Magpakita ng Tunay na Pagkabahala sa Lahat ng Nasumpungang Interes
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • “Maraming Ginagawa sa Gawain ng Panginoon”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 11/97 p. 8

Subaybayan ang Interes sa Kingdom News

1 Sa Nakaraang Ilang Linggo, Tinamasa Natin Ang Pribilehiyo Na Mamahagi Ng Kingdom News Blg. 35, Na Pinamagatang “Mag-iibigan Pa Kaya Sa Isa’t Isa Ang Lahat Ng Tao?” Ang Mga Mamamahayag Saanmang Dako Ay Nagsisikap Na Maabot Ang Mas Maraming Taong Karapat-dapat Hangga’t Maaari Taglay Ang Labas Na Ito Ng Kingdom News. (Mat. 10:11) Bagaman Ang Kampanya Ay Nakatakdang Magtapos Sa Linggo, Nobyembre 16, Kung Mayroon Pang Teritoryo Na Hindi Nakukubrehan, Maaaring Hilingin Sa Inyo Ng Matatanda Na Ipagpatuloy Ang Pamamahagi Ng Kingdom News Blg. 35 Hangga’t Mayroon Pang Suplay Ang Kongregasyon.

2 Ang Labas Na Ito Ng Kingdom News Ay Nakapukaw Sa Interes Ng Maraming Tao. Kanilang Nakikita na Ang Mga Tao Sa Pangkalahatan Ay Nawalan Nang Kanilang Likas Na Pagmamahal Anupat Sila’y Nag-iisip Kung Ano Ang Taglay Ng Kinabukasan. (2 Tim. 3:3) Nais Nating Subaybayan Ang Nalikhang Interes.

3 Nagkakabunga ang Kingdom News: Sa kampanya noong 1995 taglay ang Kingdom News, isang matandang kapatid na babae ang nagpadala sa koreo ng ilang kopya nito. Ang isang babae na nakatanggap nito ay dumalo sa pulong sa Kingdom Hall dahilan sa gusto niyang matutuhan nang higit pa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova. Sa pulong na iyon siya’y pumayag na magkaroon ng isang pag-aaral sa Bibliya at mula noon ay bihirang pumalya sa pulong. Di natagalan, siya’y sumulat sa dati niyang iglesya, na siya’y tumitiwalag bilang miyembro nito!

4 Sa ngayon, daan-daang tao sa teritoryo ang nakabasa na sa mensahe ng Kingdom News Blg. 35. Subalit ano ang kanilang reaksiyon dito? Kahit na sila’y sumasang-ayon sa kanilang nabasa, ang karamihan ay hindi kikilos hangga’t hindi dumadalaw-muli sa kanila ang isang Saksi ni Jehova. Gumagawa ba kayo ng mga planong bumalik? Ang maibiging pagkabahala sa ating kapuwa-tao ay dapat magpakilos sa atin na gawin iyon. Ang lahat ng nagpakita ng interes sa Kingdom News ay dapat dalawing muli.

5 Ano ang Sasabihin Ninyo sa Inyong Pagbabalik? Maaari kayong magbigay ng ilang komento hinggil sa mensaheng nasa Kingdom News at pagkatapos ay magbangon ng isang tanong na pumupukaw ng kaisipan. Makinig na mabuti habang nagsasalita ang maybahay upang malaman ninyo kung ano ang nasa kaniyang isipan. Pagkatapos ay akayin ang pansin sa isang angkop na punto sa brosyur na Hinihiling, na itinampok sa Kingdom News. Kapag may mabuting pagtugon, sikaping pasimulan karaka-raka ang isang pag-aaral sa Bibliya.

6 Narito ang ilang mungkahing presentasyon na maaari ninyong subukan kapag bumabalik doon sa mga nagpakita ng interes sa “Kingdom News” Blg. 35:

◼ “Maaaring natatandaan ninyo ang nakalimbag na impormasyong iniwan ko sa inyo kamakailan. Ang mensahe nito’y tumatalakay sa isang mahalagang isyu na bumabahagi sa sangkatauhan ngayon—ang kawalan ng pag-ibig sa iba.” Akayin ang pansin sa katibayang iniharap sa pahina 2 ng Kingdom News sa ilalim ng uluhang “Lumalamig Na ang Pag-ibig sa Kapuwa.” Pagkatapos ay magtanong, “Sa palagay ba ninyo’y layunin ng Diyos na mabuhay ang sangkatauhan sa ganitong paraan?” Hayaang sumagot. Bumaling sa aralin 5 sa brosyur na Hinihiling, at sikaping pasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.

◼ “Nang una tayong magkita, iniwan ko sa inyo ang ilang impormasyon sa paksang ‘Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?’ Sa palagay ba ninyo’y posible ang gayong sanlibutan?” Hayaang sumagot. Bumaling sa aralin 6 sa brosyur na Hinihiling, at basahin ang parapo 6. Pagkatapos ay basahin ang pangako ng Diyos sa Mikas 4:3, 4. Kung waring interesado ang maybahay, ialok ang brosyur at ang isang pag-aaral.

◼ “Noong huli ko kayong dalawin, iniwan ko sa inyo ang isang materyal na pinamagatang ‘Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?’ Ito’y may alok na isang libreng pag-aaral sa Bibliya. Ako’y bumalik upang ipakita sa inyo ang pantulong na aming ginagamit sa pag-aaral. [Ipakita ang aklat na Kaalaman.] Malinaw na ipinaliliwanag ng aklat na ito ang tungkol sa panahon kapag ang lahat ng mga tao ay mag-iibigan na sa isa’t isa, at ito’y sumasagot sa iba pang mga katanungan na marahil ay nasa isip ninyo: Bakit tayo tumatanda at namamatay? Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Ano ang nangyayari sa ating mga namatay na minamahal sa buhay? Maaari ko bang itanghal sa inyo ang kurso ng pag-aaral?” Kapag tinanggihan ng maybahay ang inyong alok, itanong sa kaniya kung nais niyang siya na lamang ang magbasa ng aklat. Kung oo, ialok ang isang kopya sa kaniya. Magplanong bumalik muli.

7 Minsang nakubrehan na nang lubusan ang teritoryo sa pamamagitan ng Kingdom News Blg. 35, maaari nating ialok ang aklat na Kaalaman sa nalalabing bahagi ng buwan. Ang maraming mungkahing presentasyon na mapagpipilian para sa aklat na ito ay masusumpungan sa huling pahina ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa mga labas ng Marso, Hunyo, at Nobyembre 1996; at Hunyo 1997.

8 Ang pantanging pamamahaging ito ng Kingdom News ay dapat magpasigla sa ating lahat na pag-ibayuhin ang ating mga pagsisikap sa gawaing pangangaral. Sa tulong ni Jehova ay makapagtitiwala tayo na ang kampanyang ito ay tiyak na magtatagumpay, upang matulungan ang mga tao na makita ang layunin ng Diyos para sa buong sangkatauhan na mag-ibigan sa isa’t isa. Nawa’y patuloy na pagpalain ni Jehova ang ating lubusang pagsisikap habang ating sinusubaybayan ang interes sa Kingdom News.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share