Pamamahagi ng Imbitasyon sa Memoryal sa Buong Daigdig
1. Anong natatanging kampanya ang isasagawa sa buong daigdig bago ang Memoryal?
1 “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Luc. 22:19) Sa pagsunod sa utos na ito ni Jesus, ang mga mananamba ni Jehova, kasama ang mga interesado, ay magtitipun-tipon sa Marso 30, 2010 upang alalahanin ang kamatayan ni Jesus. Isang espesyal na imbitasyon para sa Memoryal ang ipamamahagi sa buong daigdig simula Marso 13 hanggang Marso 30.
2. Paano natin maaaring gamitin ang imbitasyon?
2 Paano Gagamitin ang Imbitasyon: Maaari mong iabot sa may-bahay ang imbitasyon para makita niya ang larawan, pagkatapos ay sabihin: “Sa gabi ng Marso 30, milyun-milyon sa buong daigdig ang magtitipun-tipon para alalahanin ang kamatayan ni Jesus. Inaanyayahan namin kayo sa okasyong ito. Heto ang imbitasyon para sa inyo at sa inyong pamilya. Puwede rin kayong magsama ng mga kaibigan. Makikita ninyo sa imbitasyon kung saan at anong oras gaganapin ang pagdiriwang.” Kung angkop sa kalagayan, basahin sa kaniya ang utos mula sa Bibliya sa Lucas 22:19. Pero tandaan na maikli lang ang panahon para makubrehan ang teritoryo kaya gawing maikli ang presentasyon.
3. Sinu-sino ang maaari nating imbitahan?
3 Kung malaki ang teritoryo ng kongregasyon, maaaring magbigay ng tagubilin sa inyo ang matatanda na mag-iwan ng imbitasyon sa mga bahay na walang tao. Ialok ang mga magasin kasama ng imbitasyon kung angkop sa kalagayan. Siguraduhing imbitahan ang inyong mga dinadalaw-muli, Bible study, katrabaho, kaeskuwela, kamag-anak, kapitbahay, at iba pang kakilala.
4. Ano ang gagawin natin para maipakita ang ating pagpapahalaga sa paglalaan ni Jehova ng pantubos dahil sa pag-ibig niya sa atin?
4 Maghanda Upang Lubusang Makabahagi: Ang panahon ng Memoryal ay isang napakagandang pagkakataon para makibahagi nang higit sa ministeryo. Maaari mo bang i-adjust ang iyong iskedyul para makapag-auxiliary pioneer? Mayroon ka bang anak o Bible study na sumusulong sa espirituwal? Kung oo, lumapit sa matatanda para malaman kung kuwalipikado na silang makibahagi sa espesyal na kampanyang ito bilang di-bautisadong mamamahayag. Naglaan si Jehova ng pantubos dahil sa pag-ibig niya sa atin. Maipapakita natin ang ating pagpapahalaga sa pag-ibig na ito sa pamamagitan ng pagdalo sa Memoryal at pag-anyaya sa pinakamaraming tao hangga’t maaari.—Juan 3:16.