Dati Ka Bang Regular Pioneer?
1. Sa anong pribilehiyo nasisiyahan ang marami, pero ano ang kinailangang gawin ng ilan?
1 Sa paglipas ng mga taon, libu-libo ang nasisiyahan sa pribilehiyong ‘magturo at magpahayag ng mabuting balita’ bilang buong-panahong mga ministro. (Gawa 5:42) Pero ang ilan ay kinailangang huminto dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Kung dati kang regular pioneer, nasuri mo na ba ang kalagayan mo ngayon kung maaari kang magpayunir muli?
2. Bakit dapat suriin ng mga dating payunir ang kanilang kalagayan sa ngayon?
2 Nagbabago ang mga Kalagayan: Baka ang dahilan ng paghinto mo sa pagpapayunir ay naayos na. Halimbawa, kung huminto ka dahil hindi mo maabot ang kahilingang 90 oras kada buwan, makapagpapayunir ka na ba ngayong 70 oras na lang ang kahilingan? Baka hindi mo na kailangang magtrabaho masyado, o bawas na ang responsibilidad mo sa pamilya ngayon kaysa noong huminto ka sa pagpapayunir? Isang sister na huminto dahil sa sakit ang muling nakapagpayunir sa edad na 89. Mahigit isang taon na siyang hindi naoospital at nadarama niyang kaya na niyang magpayunir muli!
3. Paano makapagtutulungan ang pamilya para makapagpayunir ang isa sa kanila?
3 Marahil hindi ka dating payunir, pero may kapamilya kang huminto para mag-alaga sa isang kapamilya, gaya ng may-edad nang magulang. (1 Tim. 5:4, 8) Maaari kayang ikaw, o ang ibang miyembro ng pamilya, ay makatulong sa kaniya? Bakit hindi ninyo ito pag-usapan? (Kaw. 15:22) Napakahalaga ng pagtutulungan ng pamilya para makapagpayunir ang isa sa kanila.
4. Paano kung hindi ka pa makapagpapayunir muli?
4 Huwag malungkot kung hindi ka makapagpayunir muli dahil sa iyong kalagayan ngayon. Ang iyong pagnanais na magawa ito ay nakalulugod kay Jehova. (2 Cor. 8:12) Ang mga kasanayang nakuha mo noong payunir ka pa ay magagamit mo ngayon sa iyong ministeryo. Manalangin kay Jehova, at samantalahin ang mga pagkakataong puwede mong baguhin ang iyong kalagayan para makapagpayunir muli. (1 Juan 5:14) Darating ang panahon, baka buksan ni Jehova ang “isang malaking pinto na umaakay sa gawain” para muli mong madama ang kasiyahan ng pagiging regular pioneer!—1 Cor. 16:9.