Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Disyembre
“Tiyak na sasang-ayon ka na tayong lahat ay nangangailangan ng mga kaibigan. Anong katangian ang lubhang pinahahalagahan mo sa isang kaibigan? [Hayaang sumagot.] Tingnan kung ano ang sinasabi nito kung bakit dapat na maging maingat tayo sa pagpili ng mga kaibigan.” Iabot sa may-bahay ang isang kopya ng isyu ng Disyembre 1 ng Ang Bantayan, at basahin at talakaying magkasama ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16. Basahin ang kahit isa sa mga teksto. Ialok ang mga magasin at isaayos na bumalik upang pag-usapan ang sagot sa susunod na tanong.
Ang Bantayan Disyembre 1
“Naitanong mo na ba kung bakit napakaraming nangyayaring likas na sakuna kamakailan? [Hayaang sumagot.] Kapansin-pansin, inihula ng Bibliya ang isang panahon na kakikitaan ng mga kasakunaan. [Basahin ang Mateo 24:7, 8.] Sinasagot ng magasing ito ang mga tanong na: Bakit napakarami nating nakikitang likas na sakuna sa ngayon? Parusa ba ito mula sa Diyos? Anu-ano ang dahilan para maniwalang malapit nang wakasan ng Diyos ang lahat ng likas na sakuna?”
Gumising! Disyembre
Basahin ang 2 Timoteo 3:16. Pagkatapos ay sabihin: “Sumasang-ayon ang ilan na ginabayan ng espiritu ng Diyos ang pagsulat ng Bibliya, ang iba naman ay hindi sumasang-ayon. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Bagaman iba-iba ang opinyon sa tanong na iyan, sumasang-ayon ang karamihan na ito lamang ang aklat na dumaan sa napakaraming pagsisikap upang mapawi ito. Inilalarawan ng magasing ito ang ilang pagsisikap na sirain ang Bibliya at patigilin ang pagbabasa nito sa nakalipas na mga dantaon. Ipinaliliwanag din nito kung bakit may Bibliya pa rin hanggang sa ngayon.”