Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Disyembre
“Marami ang naghihintay sa pagbabalik ni Jesus. Kapag bumalik na si Jesus, ano ang gusto mong gawin niya?” Hayaang sumagot. Ipakita ang huling pahina ng Disyembre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Disyembre 1
“Dahil abalang-abala ang mga tao sa ngayon, wala na silang panahon para isipin ang Diyos. Sa tingin mo, mahalaga ba ang Diyos sa ating buhay? [Hayaang sumagot.] Sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus na kailangan natin ang Diyos para maging tunay na maligaya. [Basahin ang Mateo 5:3.] Tinatalakay sa magasing ito ang tatlong dahilan kung bakit kailangan natin ang Diyos.”
Gumising! Disyembre
“Ang opinyon ng karamihan sa atin ay naiimpluwensiyahan ng naririnig o nababasa natin sa news media. Sa palagay mo, tama kaya at totoo ang mga balita? [Hayaang sumagot.] Pinag-iingat tayo ng Bibliya na huwag agad magtitiwala sa ating mga naririnig. [Basahin ang Job 12:11.] May ilang tip sa magasing ito na makatutulong para masubok ang mga salitang naririnig natin at nababasa.”