Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Disyembre
“Sa panahong ito, iniisip ng marami si Jesus. Sa palagay mo, ano ang pinakamahalagang nagawa niya? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang pamagat ng artikulo sa pahina 16.” Iabot sa may-bahay ang Disyembre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang iba pang tanong.
Disyembre 1
“Gusto ng marami ngayon na maipadama ang diwa ng Pasko. Sa palagay mo, ano talaga ang pinakadiwa ng Pasko? [Ipakita ang listahan sa pahina 3 at hayaang sumagot. Saka ipakita ang katugmang artikulo at basahin ang temang teksto.] Tinatalakay ng magasing ito ang praktikal na mga paraan para maalala natin si Jesus sa buong taon, at hindi lang kung Pasko.”
Disyembre
“Dumadalaw kami dahil marami ngayon ang nai-stress. Napapansin mo ba na mas madaling mawalan ng pasensiya ang mga tao ngayon? [Hayaang sumagot.] Marami ang naniniwala na nabubuhay na tayo sa panahong nakahula sa 2 Timoteo 3:1. [Basahin.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit puwedeng maging problema ang kawalan ng pasensiya. May mga mungkahi rin dito kung paano magiging mas mapagpasensiya.”