Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Abril
“Ang bautismo ay karaniwan nang ginagawa ng maraming Kristiyano. Sa palagay mo, mahalaga ba ang bautismo? [Hayaang sumagot.] May magagandang puntong binabanggit sa artikulong ito.” Iabot sa may-bahay ang Abril 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang subtitulo sa pahina 16 at kahit isang teksto. Ialok ang mga magasin at isaayos na bumalik para talakayin ang kasunod na tanong.
Ang Bantayan Abril 1
“Maraming opinyon tungkol kay Jesus. Iniisip ng ilan na siya ang ipinangakong Mesiyas. Para naman sa iba, siya ay isa lang mabuting tao. May naniniwala naman na hindi siya umiral kailanman. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Ayon sa Bibliya, mahalagang malaman natin ang katotohanan tungkol sa kaniya. [Basahin ang Juan 17:3.] Ipinakikita ng magasing ito ang sagot ng Bibliya sa ilang karaniwang tanong tungkol kay Jesus.”
Gumising! Abril
“Dumadalaw kami sa mga pamilya sa lugar ninyo. Sumasang-ayon ka ba na maraming problema ang mga pamilya sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung saan nakasumpong ng praktikal na payo ang maraming pamilya. [Basahin ang Awit 119:105.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano napagtagumpayan ng mga stepfamily ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simulain ng Bibliya.”