Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Abril
“Hinihimok namin ang mga tao na basahin ang kanilang Bibliya. Pero marami ang nagsasabi na mahirap itong maintindihan. Ganiyan din ba ang palagay mo? [Hayaang sumagot.] Tingnan mo ang sinasabi rito.” Ipakita ang huling pahina ng Abril 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Abril 1
“Lahat ng nakakausap namin ay may mga problema. Kaya iniisip ng iba kung may kabuluhan ba ang buhay. Ano sa palagay mo ang pangunahing dahilan kung bakit hindi masaya ang mga tao? [Hayaang sumagot.] Nangangako ang Bibliya na malapit nang alisin ng Diyos ang ating mga problema. [Basahin ang Apocalipsis 21:4.] Tinatalakay ng magasing ito ang magiging kinabukasan natin at kung paano magiging makabuluhan ang ating buhay ngayon.”
Gumising! Abril
“Problema sa buong mundo ang karahasan sa pamilya. Sinasabi ng iba na dahil ito sa kultura, kinalakhang pamilya, at marahas na libangan. Sa palagay mo, ano ang pangunahing dahilan ng karahasan sa pamilya? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita sa Bibliya kung paano magiging maganda ang pagsasama ng mag-asawa. [Basahin ang Efeso 5:33.] Tinatalakay sa magasing ito kung paano naisalba ang pagsasama ng ilang mag-asawa dahil ikinapit nila ang mga simulain ng Bibliya.”