Sampol na Presentasyon
Para Makapagpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Sabado ng Disyembre
“Dinadalaw namin ang mga pamilya sa lugar ninyo. Gusto ng maraming magulang na ibigin ng kanilang mga anak ang Diyos. Sa palagay mo, dapat ba nila itong ituro sa kanilang mga anak, o dapat bang ang mga anak na lang ang kusang matuto na umibig sa Diyos?” Hayaang sumagot. Ipakita ang huling pahina ng Disyembre 1 ng Bantayan, at talakayin ang materyal sa ilalim ng unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Disyembre 1
“Dumadalaw kami para ipakipag-usap ang tungkol sa Diyos. Alam namin na ang bawat isa ay may sariling opinyon tungkol sa Diyos. Sa palagay mo, para sa marami, ang Diyos ba ay isa lamang puwersa ng kalikasan o isang kaibigan na nagmamalasakit sa kanila? [Hayaang sumagot.] Sinasabi ng tekstong ito kung ano ang gusto ng Diyos na maging kaugnayan natin sa kaniya. [Basahin ang Santiago 4:8a.] Tinatalakay sa magasing ito ang tatlong paraan para lalo tayong mapalapít sa Diyos.”
Gumising! Disyembre
“Dumadalaw kami para ipakipag-usap ang tungkol sa isang pangkaraniwang sakit. Ayon sa World Health Organization, ang sakit sa isip, gaya ng depresyon, ay makaaapekto sa isa sa apat na tao sa isang yugto ng kanilang buhay. Sa palagay mo, nagiging pangkaraniwan na ba ang sakit sa isip? [Hayaang sumagot.] Nagbibigay ng pag-asa ang Bibliya na sa hinaharap, ang mga tao ay mabubuhay sa lupa nang walang sakit at kirot. [Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.] Tinatalakay sa magasing ito ang ilang bagay na dapat malaman ng lahat tungkol sa sakit sa isip.”