Bagong Programa sa Pantanging Araw ng Asamblea
1 Ang ating pag-aaral ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman ay nagpalaki ng ating pagpapahalaga kay Jesu-Kristo. Angkop kung gayon, ang pantanging araw ng asamblea na magpapasimula sa Marso ay magpapaliwanag sa temang “Maingat na Pagsunod sa Ating Dakilang Halimbawa,” na tutulong sa atin na maunawaan nang higit kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa kaniya.
2 Anuman ang edad o tagal sa katotohanan, ang lahat na dadalo sa asamblea ay mapatitibay na higit na tumulad kay Kristo. Ang bahagi sa programa ay magtatampok sa payo lalo na sa mga kabataan. Ito ay magsasangkap sa kanila na harapin ang mga hamon hinggil sa edukasyon, paglilibang at materyalismo. Magkakaroon ng mga pahayag, mga karanasan, at mga pagtatanghal na nagtatampok kung papaano lalabanan ang impluwensiya ng sanlibutan at tumulad kay Kristo.—1 Ped. 2:21.
3 Ang bagong nag-alay na mga tao ay magkakaroon ng pagkakataon para ipahayag sa madla sa pamamagitan ng pagpapabautismo na sila’y mga tagasunod ni Kristo. Ang isang nakapagpapasiglang pagtalakay sa Kasulatan hinggil sa paksa ay gagawin bago ang seremonya sa bautismo. Dapat ipabatid ng mga magpapabautismo sa pantanging araw ng asamblea ang kanilang pagnanais sa punong tagapangasiwa sa sapat na lawig ng panahon upang maisaayos sa mga matatanda na isaalang-alang ang itinalagang mga tanong para sa mga kandidato sa bautismo.
4 Ang panauhing tagapagsalita, kung mayroon, ang magbibigay ng pangunahing pahayag, na pinamagatang “Sa Pagsunod sa Ating Dakilang Halimbawa—Saan Tayo Inaakay?” Tiyaking anyayahan ang lahat ng mga interesadong tao sa nakapagpapasigla at nakapagpapatibay pananampalatayang programa. Wala nang hihigit pa o mas kapakipakinabang na landasin kaysa pagsunod sa ating Dakilang Halimbawa, si Jesu-Kristo.—Mat. 19:27-29.