Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/96 p. 4-5
  • Nagagalak sa Pagsulong na Ibinibigay ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagagalak sa Pagsulong na Ibinibigay ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Kontribusyon sa Pambuong Daigdig na Gawain ng Samahan ay Nagtataguyod sa Paglawak
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Lumalawak ang Tunay na Pagsamba sa Silangang Europa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Naglilingkod Sila sa Kristiyanong Kapatiran sa Ibang Bansa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Isang Bagay na Bago sa Internasyonal na Pagtatayo
    Gumising!—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 12/96 p. 4-5

Nagagalak sa Pagsulong na Ibinibigay ng Diyos

1 Ang mga Kristiyano noong unang siglo ay masisigasig na tagapangaral ng Kaharian. Sila’y nagalak nang ang ‘mga kongregasyon ay dumami ang bilang sa araw-araw.’ (Gawa 16:5) Ang kanilang pangangaral nang may katapangan ay umabot sa Asia, Europa, at Aprika, na nagbunga ng saganang ani ng mga mananampalataya.

2 Inihula ni Jesus na sa huling mga araw, ang gawaing pangangaral ay aabot hanggang sa ‘buong tinatahanang lupa at sa lahat ng mga bansa’! (Mat. 24:14) Sa 1996 na taon ng paglilingkod, aming patuloy na natanggap ang mga ulat ng kamangha-manghang mga pagsulong at bagong mga peak ng mga mamamahayag mula sa mga lupain sa palibot ng globo. Maraming bagong kongregasyon ang naitatag. Ang mabilis na paglagong ito ay nagpangyari upang maitayo ang daan-daang bagong Kingdom Hall at Assembly Hall at mapalawak din ang mga pasilidad sa ilang sangay.

3 Ang Agosto 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay nag-ulat sa puspusang gawaing pagtatayo na nagaganap sa Aprika. Gayundin ang nagaganap sa lahat ng panig ng Latin Amerika. Para sa 1996 na taon ng paglilingkod, ang Mexico ay nag-ulat ng namumukod-tanging peak na 470,098 mamamahayag at may aberids na 600,751 pag-aaral sa Bibliya, na naging dahilan sa pagtatatag ng 466 na bagong mga kongregasyon! Ang pagpapalawak ng mga pasilidad ng kanilang sangay ay nakatakdang matapos sa katapusan ng 1998. Ang ganito ring paglago sa marami pang bansa ay nagbunga ng walang tigil na teokratikong pagtatayo ng iba’t ibang uri ng proyekto.

4 Ang gastos sa pagtatayo ay malaki saanmang dako, at ang ating mga kapatid sa maraming lupain ay kakaunti lamang ang naiaabuloy sa materyal. Gayunpaman, dahilan sa kanilang malaking sigasig sa paglilingkuran kay Jehova, hindi mapag-aalinlanganan na sila’y lumalaki sa espirituwal at lumalago sa bilang. Ang Kawikaan 28:27 ay tumitiyak sa atin na “siyang nagbibigay sa dukha ay hindi kukulangin.” Ang ating may pagkukusang pagtulong upang matakpan ang pangangailangan ng mga kapatid na ito at gayundin ang iba pang gastos sa pagtatayo ay nagiging isang “pagpapantay-pantay” ng materyal na mga bagay, na nagpapangyaring maranasan ng lahat ang kaligayahan na nagmumula sa pagbibigay at ang kagalakan na nagmumula sa pagkakita ng pagsulong na ibinibigay ni Jehova!—2 Cor. 8:14, 15; Gawa 20:35.

[Larawan sa pahina 4, 5]

Sangay sa Paraguay

[Larawan sa pahina 4]

Sangay sa Ecuador

[Larawan sa pahina 4, 5]

Ekstensiyon sa Mexico na Kasalukuyang Itinatayo

[Larawan sa pahina 4, 5]

Sangay sa Dominican Republic

[Larawan sa pahina 4]

Sangay sa Brazil at ang Ekstensiyon Nito

[Larawan sa pahina 4, 5]

Sangay sa Uruguay na Kasalukuyang Itinatayo

[Larawan sa pahina 5]

Karaniwang mga Kingdom Hall sa mababang halaga sa Latin Amerika

1. Brazil

2. Nicaragua

3. Chile

4. Colombia

5. Mexico

6. Brazil

7. Peru

8. Venezuela

9. Mexico

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share