Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/96 p. 2
  • Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 2-8
  • Linggo ng Disyembre 9-15
  • Linggo ng Disyembre 16-22
  • Linggo ng Disyembre 23-29
  • Linggo ng Dis. 30–Ene. 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 12/96 p. 2

Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre

PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng Pulong sa Paglilingkod sa bawat linggo ng Disyembre at Enero. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng pagbabago para makadalo sa “Mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan” na Pandistritong Kombensiyon at para sa 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi ng programa sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ang repaso para sa bawat araw ng programa ng kombensiyon ay dapat na iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki upang mapalitaw ang mga pangunahing punto. Ang repasong ito ay makatutulong sa kongregasyon na matandaan ang mga susing punto para sa personal na aplikasyon at para magamit sa larangan. Ang mga komento mula sa tagapakinig at mga karanasan ay dapat ilahad nang maikli at tuwiran sa punto.

Linggo ng Disyembre 2-8

Awit 134

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magbigay ng pantanging pagdiriin sa ikatlong patalastas sa pahina 7 hinggil sa pagtiyak na maibigay ang mga ulat sa Disyembre bago lumisan patungo sa isang pandistritong kombensiyon.

15 min: “Sino ang Makikinig sa Ating Mensahe?” Tanong-sagot.

20 min: “Ang Salita ng Diyos ay Naglalaan ng Patnubay.” (Parapo 1-6) Ipakilala ang bahagi sa pamamagitan ng mga parapo 1 at 2. Itanghal ng may kakayahang mga mamamahayag ang mungkahing mga presentasyon sa mga parapo 3-6. Anyayahan ang tagapakinig na magkomento sa (1) kung paano nakatulong ang ibinangong mga katanungan upang umantig ng interes, (2) kung paanong ang ginamit na mga kasulatan ay umangkop sa paksang tinatalakay, (3) kung paanong ang pagdalaw-muli ay wastong nasubaybayan mula sa unang pag-uusap, at (4) kung paano isinagawa ang alok na pag-aaral.

Awit 75 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 9-15

Awit 100

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Pagtulong sa mga May Edad na Makibahagi sa Paglilingkod. Maraming tapat na may edad ng mamamahayag ang masidhing nagnanais na makibahagi sa pangangaral kasama ng kongregasyon, subalit sila’y may pisikal na limitasyon dahilan sa kanilang edad at mahinang kalusugan. May mga paraan upang maipakita natin ang konsiderasyon sa kanila para maisama sila sa grupo sa paglilingkod: Alukin sila ng masasakyan; isaayos na sila’y dumalaw sa mga tahanan na kakaunti lamang ang baitang na aakyatin; hayaan silang makapagpahinga kapag napapagod; kung mayroon kayong sasakyan, alukin sila na dalhin sa kanilang mga pagdalaw-muli; ipabatid sa kanila na iuuwi ninyo sila sa bahay kapag hindi na sila makapagpapatuloy pa. Ang mga may edad ay nagpapasalamat sa tulong na iniaalok sa kanila. Banggitin ang iba pang paraan na maipakikita ninyo ang gayong konsiderasyon sa lokal na paraan. Repasuhin ang pangunahing mga punto sa artikulong “Ating Pinahahalagahan ang mga May Edad!” na masusumpungan sa Pebrero 1, 1986, Bantayan, mga pahina 28-9.

20 min: “Ang Salita ng Diyos ay Naglalaan ng Patnubay.” (Parapo 7-9) Komentuhan “Ang Pangangailangan ng Patnubay” sa Mayo 1, 1993, Bantayan, pahina 3. Ipaliwanag kung bakit ang ating mga presentasyon ay dapat magdiin sa kahalagahan ng paghingi ng tulong mula sa nakatataas na Bukal—Ang Diyos. Ipatanghal sa isang mamamahayag ang mga presentasyon sa parapo 7-8. Idiin na sa dakong huli ang ating tunguhin ay makapagsimula ng isang pag-aaral sa Bibliya sa aklat na Kaalaman.

Awit 197 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 16-22

Awit 209

10 min: Lokal na mga patalastas. Mag-alok ng ilang mungkahi kung paano tutugon nang mataktika sa mga pagbating pangkapistahan. Balangkasin ang mga kaayusan para sa pantanging kaayusan sa paglilingkod sa Disyembre 25.

10 min: “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Tanong-sagot. Repasuhin ang mga kapakinabangan mula sa nakaraang mga pansirkitong asamblea at magpasigla para sa serye ng 1997.

25 min: “Nagagalak sa Pagsulong na Ibinibigay ng Diyos.” Masiglang pahayag ng matanda. Bumanggit ng mga karanasan o katunayan ng pagsulong sa mga bansang nabanggit, gaya ng ipinakikita sa di pa natatagalang mga Yearbook.

Awit 41 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 23-29

Awit 93

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipakita ang ilang puntong mapag-uusapan sa kasalukuyang magasin na magagamit sa paglilingkod sa linggong ito. Balangkasin ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa Enero 1.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. O magbibigay ang isang matanda ng pahayag sa “Pagreretiro—Isa Bang Bukas na Pintuan sa Teokratikong Gawain?” mula sa Hulyo 15, 1996, Bantayan, mga pahina 24-5.—Tingnan ang Insight, Tomo 2, pahina 794, mga parapo 2-3.

20 min: “Pagpapatala sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Ibigay ang lokal na bilang ng nagpatala, at pasiglahin ang lahat na maaaring magpatala. Repasuhin ang mga tagubilin para sa mga atas ng estudyante na inilaan sa “Iskedyul sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 1997.”

Awit 166 at pansarang panalangin.

Linggo ng Dis. 30–Ene. 5

Awit 223

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Isa Ka Bang Timbang na Payunir?” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo ng Mayo 15, 1996 ng Bantayan, pahina 29-31.

15 min: Repasuhin ang alok na Literatura sa Enero. Ialok ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. Ito’y isang napakainam na aklat na maiaalok sa mga tao. Ipakita ang ilang puntong mapag-uusapan at mga ilustrasyon na maaaring gamitin. Ginagamit ang aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 9-14, repasuhin sa maikli ang angkop na mga pambungad. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon.

Awit 137 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share