Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 7/15 p. 24-25
  • Pagreretiro—Isa Bang Bukás na Pintuan sa Teokratikong Gawain?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagreretiro—Isa Bang Bukás na Pintuan sa Teokratikong Gawain?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Pagreretiro—Isang Pinto na Umaakay sa Ibayong Gawain?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Maaari Ka Bang Pumasok sa “Isang Malaking Pinto na Umaakay sa Gawain”?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • “Bagay Kang Payunir!”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 7/15 p. 24-25

Pagreretiro​—Isa Bang Bukás na Pintuan sa Teokratikong Gawain?

PAGRERETIRO​—para sa marami ay tinatapos nito ang isang mahabang yugto ng kaigtingan at pagkayamot. Pagkatapos na matali sa isang nakababagot o nakababaliw na rutin, marami ang nasasabik na sa pagreretiro ay mabuksan ang pintuan tungo sa mga taon ng ginhawa at personal na kalayaan. Subalit madalas, ang pintuang iyan ay umaakay sa pagkabagot at panlulupaypay. Talagang hindi nailalaan ng paglilibang at dibersiyon ang pagkadama ng kahalagahan na ibinibigay ng pagtatrabaho.

Para sa mga Saksi ni Jehova, ang pagreretiro ay maaaring magbukas ng “isang malaking pintuan na umaakay sa gawain.” (1 Corinto 16:9) Bagaman ang pagtanda ay may kaakibat na mga suliranin at kahinaan, nasumpungan ng ilang matatanda na sa tulong ni Jehova ay mapalalawak nila ang paglilingkuran sa kaniya. Isaalang-alang ang karanasan ng ilang nakatatandang Kristiyano sa Netherlands. Noong 1995 taon ng paglilingkod, 269 sa mahigit na 1,223 payunir (buong-panahong tagapaghayag ng Kaharian) ay 50 anyos o higit pa. Sa mga ito, 81 ang nasa edad na 65 o lampas pa.

Ang ilan ay nakapagpapayunir sa pamamagitan lamang ng pagpapatuloy sa magawaing pamumuhay na nakasanayan na nila samantalang nagtatrabaho. (Ihambing ang Filipos 3:16.) Ganito ang nagunita ng isang retiradong Kristiyano na nagngangalang Karel: “Nang ako’y naghahanapbuhay, nagsisimula akong magtrabaho sa ganap na alas 7:30 n.u. Nang mag-umpisa akong tumanggap ng aking pensiyon, naipasiya kong panatilihin ang gayunding rutin. Sinisimulan ko ang araw sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa lansangan taglay ang mga magasin sa harap ng himpilan ng tren tuwing alas siyete ng umaga.”

Ang maingat ng pagpaplano ay isa ring susi sa tagumpay. (Kawikaan 21:5) Halimbawa, ang ilan ay nakapag-ipon ng sapat na halaga upang matustusan ang kanilang sarili sa ministeryo. Nagpasiya naman ang iba na bawasan ang personal na mga gastusin at kumuha ng pansamantalang trabaho. Kuning halimbawa sina Theodore at Ann. Nagsimula sila sa buhay may-asawa bilang mga payunir hanggang sa kinailangan silang huminto sa pagpapayunir dahil sa mga pampamilyang obligasyon. Ngunit nanatiling buháy ang kanilang espiritu ng pagpapayunir! Habang lumalaki ang kanilang mga anak na babae, sila ay patuloy na pinasisigla na magpayunir. Higit na mahalaga, sina Theodore at Ann ay nagpakita ng mabuting halimbawa, anupat malimit na naglilingkod bilang mga auxiliary pioneer. Nang magkaedad na ang mga bata, binawasan nina Theodore at Ann ang pagtatrabaho upang magkaroon ng higit pang panahon para sa paglilingkod sa larangan.

Pagkatapos na ang kanilang mga anak na babae ay pumasok sa buong-panahong ministeryo at lumisan na sa tahanan, si Ann ay nagpayunir. Isang araw ay pinasigla niya si Theodore na iwan na ang kaniyang trabaho. “Pareho tayong makapagpapayunir,” ang mungkahi niya. Ipinabatid ni Theodore sa kaniyang pinaglilingkuran ang tungkol sa kaniyang intensiyon. Nagulat siya nang alukin siya ng tulong ng kaniyang amo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng pansamantalang trabaho, anupat sinabi: “Sa palagay ko’y ibig mong magtrabaho nang buong-panahon para sa iyong amo sa itaas [sa langit].” Sina Theodore at Ann ngayon ay nasisiyahan sa pagpapayunir na magkasama.

Ang ilan ay nagsimulang magpayunir bilang tugon sa mga pangyayari na sumapit sa kanilang buhay. Ang kalunus-lunos na pagkamatay ng kanilang anak na babae at apong babae ang siyang nag-udyok sa isang may edad na mag-asawa upang pag-isipang mabuti ang paraan ng paggamit nila sa natitirang mga taon ng kanilang buhay. (Eclesiastes 7:2) Sa halip na malugmok sa pagdadalamhati, pumasok sila sa buong-panahong paglilingkuran, na nagdudulot sa kanila ng kasiyahan sa loob ng mahigit nang walong taon ngayon!

Sabihin pa, kailangan ang totoong determinasyon upang makapanatili sa buong-panahong ministeryo. Halimbawa, nagsimula kaagad na magpayunir si Ernst at ang kaniyang kabiyak, si Riek, nang lisanin na ng kanilang mga anak ang tahanan. Di-nagtagal pagkatapos ay isang dating kasosyo sa negosyo ang nag-alok kay Ernst ng isang trabahong pagkakakitaan nang malaki. Sumagot si Ernst: “Pinakamagaling kailanman ang aming pinaglilingkuran, at ayaw naming huminto ng paglilingkod sa kaniya!” Sapagkat si Ernst at ang kaniyang kabiyak ay nanatiling mga “empleado” ni Jehova, nabuksan sa kanila ang iba pang pribilehiyo sa paglilingkuran. Naglingkod sila sa gawaing pansirkito sa loob ng mahigit na 20 taon at nagpapatuloy bilang mga payunir hanggang sa ngayon. Pinagsisisihan ba nila ang kanilang landasin ng pagsasakripisyo-sa-sarili? Kamakailan ay sumulat ang mag-asawa: “Kung iyon ay kalooban ni Jehova, sa loob lamang ng tatlong buwan ay ipagdiriwang na namin ang aming 50 taon ng pagsasama, na malimit na tawaging ang ginintuang anibersaryo. Ngunit buong-pagtitiwalang masasabi namin na ang tunay na ginintuang mga taon namin ay nagsimula nang kami ay magpayunir.”

Nasumpungan ng marami na ang pintuang umaakay tungo sa pinalawak na gawain ay umaakay rin sa mas malaking kagalakan! Ganito ang sabi ng isang kapatid na nagsimulang magpayunir pagkaraan ng dalawang linggo mula nang tumuntong siya sa edad na 65: “Tiyak na masasabi ko na hindi ko pa naranasan ang gayong yugto sa aking buhay na punúng-punô ng mga pagpapala na gaya ng nakaraang sampung taon ng pagpapayunir.” Ganito naman ang sabi ng isang mag-asawa na nagpayunir sa loob ng mahigit na pitong taon: “Ano pa nga ba ang dapat na gawin ng mag-asawa na may edad at kalagayan na katulad ng sa amin? Malimit naming makita ang mga kauri namin sa teritoryo​—nasa bahay na lamang, tumataba, tumatanda, at bumabagal. Pinananatili kami ng paglilingkuran na malusog sa mental at sa pisikal na paraan. Palagi kaming magkasama. Lagi kaming nakatawa at nasisiyahan sa buhay.”

Mangyari pa, hindi lahat ng matatanda na ay nasa kalagayang makapagpapayunir. Makatitiyak ang mga Kristiyanong ito na pinahahalagahan ni Jehova ang anumang magagawa nila sa paglilingkuran sa kaniya. (Ihambing ang Marcos 12:41-44.) Halimbawa, isang kapatid na babae na may kapansanan ang naratay sa isang nursing home. Gayunman, bukás pa rin para sa kaniya ang isang pintuan ng gawain! Tinanong siya ng doktor kung paano niya pinalilipas ang kaniyang oras. Inilahad niya: “Sinabi ko sa kaniya na laging kulang ang oras ko. Hindi niya ito maintindihan. Sinabi ko sa kaniya na ito ay dahil sa ang aking mga araw ay punô ng kasiya-siyang mga gawain. Hindi ako malungkot, ngunit hinahanap ko ang iba na siyang malungkot at sinisikap kong sabihin sa kanila kung ano ang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan.” Binuod niya ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Sa isa na halos 80 anyos na, hindi gaanong malaki ang maaasahan ng isa. Ipanalangin ninyo ako upang maakay ko pa ang marami tungo kay Jehova.”

Kayo ba ay nasa edad na ng pagreretiro? Ang pintuan tungo sa ginhawa ay maaaring kaakit-akit, ngunit hindi iyon ang pintuan sa espirituwal na pagpapala. Pag-isipan nang may pananalangin ang inyong kalagayan. Baka naman maaari kayong pumasok sa pintuan na umaakay sa mas maraming gawain sa paglilingkuran kay Jehova.

[Mga larawan sa pahina 25]

Ang pagreretiro ay maaaring umakay sa pinalawak na gawain sa ministeryo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share