Eclesiastes
7 Ang pangalan ay mas mabuti kaysa sa mainam na langis,+ at ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng kapanganakan.+ 2 Mas mabuti ang pumaroon sa bahay ng pagdadalamhati kaysa pumaroon sa bahay ng pigingan,+ sapagkat iyon ang wakas ng lahat ng mga tao; at dapat itong isapuso niyaong buháy. 3 Mas mabuti ang kaligaligan kaysa sa pagtawa,+ sapagkat sa pagsimangot ng mukha ay bumubuti ang puso.+ 4 Ang puso ng marurunong ay nasa bahay ng pagdadalamhati,+ ngunit ang puso ng mga hangal ay nasa bahay ng kasayahan.+
5 Mas mabuti ang makinig sa saway ng marunong+ kaysa maging taong nakikinig sa awit ng mga hangal.+ 6 Sapagkat gaya ng lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palayok, gayon ang tawa ng hangal;+ at ito rin ay walang kabuluhan. 7 Sapagkat dahil sa paniniil ay napakikilos na parang baliw+ ang marunong, at ang isang kaloob+ ay nakasisira ng puso.+
8 Mas mabuti ang huling wakas ng isang bagay kaysa sa pasimula nito.+ Mas mabuti ang matiisin kaysa sa isa na may palalong espiritu.+ 9 Huwag kang magmadaling maghinanakit sa iyong espiritu,+ sapagkat hinanakit ang nagpapahinga sa dibdib ng mga hangal.+
10 Huwag mong sabihin: “Bakit nga ba ang mga araw noong una ay mas mabuti kaysa sa mga ito?”+ sapagkat hindi dahil sa karunungan+ kung kaya ka nagtanong tungkol dito.
11 Ang karunungan na may kasamang mana ay mabuti at kapaki-pakinabang para sa kanila na nakakakita ng araw.+ 12 Sapagkat ang karunungan ay pananggalang+ kung paanong ang salapi ay pananggalang;+ ngunit ang pakinabang sa kaalaman ay na iniingatang buháy ng karunungan ang mga nagtataglay nito.+
13 Tingnan mo ang gawa+ ng tunay na Diyos, sapagkat sino ang makapagtutuwid sa ginawa niyang baluktot?+ 14 Sa mabuting araw ay mapasamabuti ka,+ at sa kapaha-pahamak na araw ay tingnan mo na ito man ay gayon mismo ginawa ng tunay na Diyos,+ sa layon na hindi matuklasan ng mga tao ang anuman pagkatapos nila.+
15 Ang lahat ng bagay ay nakita ko sa panahon ng aking walang-kabuluhang mga araw.+ May matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran,+ at may balakyot na nagpapatuloy nang matagal sa kaniyang kasamaan.+
16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid,+ ni labis-labis na magpakarunong.+ Bakit mo dudulutan ng kaabahan ang iyong sarili?+ 17 Huwag kang lubhang magpakabalakyot,+ ni magpakamangmang.+ Bakit ka mamamatay gayong hindi mo pa panahon?+ 18 Mas mabuti ang tumangan ka sa isa, ngunit sa isa pa ay huwag mo ring iurong ang iyong kamay;+ sapagkat siyang natatakot sa Diyos ay hahayong kasama ng lahat ng mga iyon.+
19 Ang karunungan ay mas malakas para sa marunong kaysa sa sampung taong may kapangyarihan na nasa isang lunsod.+ 20 Sapagkat walang taong matuwid sa lupa na patuloy na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.+
21 Gayundin, huwag mong ilagak ang iyong puso sa lahat ng salita na sinasalita ng mga tao,+ upang hindi mo marinig ang iyong lingkod na sumusumpa sa iyo.+ 22 Sapagkat nalalamang lubos ng iyong puso na marami pang ulit na ikaw mismo ay sumumpa sa iba.+
23 Ang lahat ng ito ay sinubok ko taglay ang karunungan. Sinabi ko: “Ako ay magpapakarunong.” Ngunit iyon ay malayo sa akin.+ 24 Yaong umiral na ay malayo at ubod ng lalim. Sino ang makatutuklas nito?+ 25 Ako ay bumalik, ang akin ngang puso,+ upang makaalam at upang magsaliksik at upang maghanap ng karunungan+ at ng dahilan ng mga bagay-bagay,+ at upang alamin ang tungkol sa kabalakyutan ng kahangalan at sa kamangmangan ng kabaliwan;+ 26 at natuklasan ko: Nasumpungan kong higit na mapait kaysa sa kamatayan+ ang babae na siya mismo ay mga pangasong lambat at ang kaniyang puso ay mga pangubkob na lambat at ang kaniyang mga kamay ay mga pangaw.+ Ang isa ay mabuti sa harap ng tunay na Diyos kung tinatakasan niya ito, ngunit ang isa ay nagkakasala kung mabibihag siya nito.+
27 “Narito! Ito ang nasumpungan ko,” ang sabi ng tagapagtipon,+ “sa pagsasaalang-alang ng isang bagay kaugnay ng iba pa, upang matuklasan ang kabuuan,+ 28 na patuloy na hinahanap ng aking kaluluwa, ngunit hindi ko nasumpungan. Isang lalaki sa isang libo ang nasumpungan ko,+ ngunit ang isang babae sa lahat ng mga ito ay hindi ko nasumpungan.+ 29 Narito! Ito lamang ang nasumpungan ko, na ginawang matuwid ng tunay na Diyos ang mga tao,+ ngunit sila sa ganang sarili ay humanap ng maraming plano.”+