-
Juan 6:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Nang makita ni Jesus na may malaking grupo na papalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe:+ “Saan tayo bibili ng tinapay para sa kanila?”+ 6 Pero sinabi lang niya ito para malaman ang nasa isip ni Felipe, dahil alam na niya ang gagawin niya. 7 Sumagot si Felipe: “Kahit tinapay na halagang 200 denario ay hindi sapat para makakuha ng tigkakaunti ang bawat isa.”
-
-
Juan 12:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 May ilang Griego rin na pumunta sa kapistahan para sumamba. 21 Nilapitan nila si Felipe+ na mula sa Betsaida ng Galilea at hiniling sa kaniya: “Ginoo, gusto naming makita si Jesus.” 22 Pinuntahan ni Felipe si Andres+ at sinabi ito sa kaniya. Pumunta naman sina Andres at Felipe kay Jesus, at sinabi nila ito sa kaniya.
-
-
Juan 14:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang Ama ko;+ mula sa sandaling ito ay makikilala ninyo siya. Ang totoo, nakita na ninyo siya.”+
8 Sinabi ni Felipe: “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at sapat na iyon sa amin.”
9 Sinabi ni Jesus: “Nakasama na ninyo ako nang mahabang panahon, pero hindi mo pa rin ba ako kilala, Felipe? Ang sinumang nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.+ Kaya bakit mo sinasabi, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’?
-