Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 6/8 p. 11-12
  • Kapayapaang Pandaigdig—Paano at Kailan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapayapaang Pandaigdig—Paano at Kailan?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pambuong Daigdig na Gawaing Pagtuturo
  • Itinaas ang Bahay ni Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
  • Tayo ay Lalakad sa Pangalan ni Jehova Magpakailanman!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Kapayapaan—Ang Tunay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kung Paano ang Daigdig ay Mapagkakaisa
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 6/8 p. 11-12

Kapayapaang Pandaigdig​—Paano at Kailan?

ANG kapayapaang pandaigdig ay isa sa pinakamimithing pangarap ng sangkatauhan. Subalit ang isipin na matatamo ito ng mga pamahalaan ng tao ay isang ilusyon. Ang mga aral ng kasaysayan ay sumasang-ayon sa kung ano ang makatotohanang sinasabi ng Bibliya: “Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang hakbang.”​—Jeremias 10:23.

Tanging ang makapangyarihan-sa-lahat na Maylikha ng sansinukob, ang Diyos na Jehova, ang makapagdadala ng walang-hanggang kapayapaan. At siya ay nangako na gagawin niya ang gayon. Papaano? Hindi sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng tao kundi sa pamamagitan ng kung ano ang ginawa ni Jesu-Kristo na tema ng lahat ng kaniyang pagtuturo​—ang makalangit na Kaharian ng Diyos. (Mateo 6:9, 10) Ang Pinuno ng Kahariang iyon, si Kristo Jesus, ay binabanggit sa hula bilang ang tunay na “Prinsipe ng Kapayapaan.” (Isaias 9:6) At ang pangako ng Diyos ay na sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, magkakaroon ng “saganang kapayapaan” sa buong lupa.​—Awit 72:7.

Gayunman, maliwanag na ipinakikita ng Bibliya na bago ito mangyari, ang kasalukuyang nagdidigmang sistema ng mga bagay na ito ay dapat alisin. (1 Juan 2:15-17) At ipinakikita ng hula ng Bibliya na ang pagkalipol nito ay napipinto na.​—Mateo 24:3-14, 22, 34; Lucas 21:25-28; 1 Timoteo 3:1-5.

Ito, kung gayon, ang hindi nagbabagong layunin ng Diyos “na hindi makapagsisinungaling.” (Tito 1:2) Kaya, hindi ba nararapat na ang mga lider ng relihiyon, lalo na yaong sa Sangkakristiyanuhan, ay maghandog ng mga panalangin na kasuwato ng layuning ito? Hindi ba dapat ay kumilos din sila na kasuwato ng layuning iyan? Gayunman, wala man lamang sa mga kinatawan ng relihiyong iyon sa Assisi ang bumanggit tungkol sa nalalapit na wakas ng sistemang ito at sa dumarating na pamamahala ng Kaharian ng Diyos, ang pangunahing mensahe ni Jesus at ng Salita ng Diyos.

Hindi ito kataka-taka sapagkat hindi tinuruan ng mga relihiyong iyon ang mga tagasunod nito ng katotohanan tungkol sa mga layunin ng Diyos. Sa halip, sila’y bahagi ng sanlibutang ito na nasa ilalim ni Satanas, at kanilang itinutuon ang kanilang mga pagsisikap sa pagpapanatili nito. Bunga nito, ang kanilang mga tao ay nagkakabaha-bahagi, naglalagak ng higit na pananampalataya sa nasyonalismo kaysa sa Kaharian ng Diyos. Ito ang umakay sa kanila na magpatayan sa isa’t isa sa mga digmaan ng sanlibutang ito. Kaya, ang mga salitang ito ay kapit sa gayong mga relihiyon: “Mga mangangalunya, hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.”​—Santiago 4:4.

Samakatuwid, ang mga pagsamo ukol sa kapayapaan ng mga relihiyong ito ay hindi pinakikinggan. Ipinaaalaala nito ang kalagayan noong panahon ni propeta Jeremias. Noong panahong iyon ipinahayag ng huwad na mga propeta ng relihiyon: “May kapayapaan! May kapayapaan!” Subalit, sa katunayan, ‘walang kapayapaan’ para sa kanila.​—Jeremias 6:14.

Pambuong Daigdig na Gawaing Pagtuturo

Gayunman, ang layunin ng Diyos ay matutupad. (Isaias 55:11) Kaya ngayon isang pambuong daigdig na pagtuturo sa Bibliya ay isinasagawa. Ito ay kasuwato ng hula sa Mateo 24:14, na nagsasabi: “At ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”

Yamang ang lahat niyaong bahagi ng pambuong-daigdig na pagkilos na ito ng tunay na pagsamba ay nagpapasakop sa mga kahilingan ng Diyos, inalis na nila ang bumabahaging impluwensiya ng nasyonalismo sa gitna nila. Sila ay naging isang mapayapang lipunan ng mga tao na nag-iibigan sa isa’t isa at namumuhay para sa Kaharian ng Diyos. Bunga nito, tinutupad nila ang kapana-panabik na hula sa Mikas 4, na nagsasabi:

“At mangyayari sa huling bahagi ng mga araw na ang bundok ng bahay ni Jehova [ang kaniyang tunay na pagsamba] ay matatag na matatayo sa itaas ng taluktok ng mga bundok [lahat ng iba pang uri ng pagsamba], . . . at sa kaniya ay dadagsa ang mga bayan. At maraming bansa ang tiyak na magsisiparoon at magsasabi: ‘Magsiparito kayo, kayong mga tao, at tayo’y umakyat sa bundok ni Jehova at sa bahay ng Diyos ni Jacob; at kaniyang tuturuan tayo tungkol sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.’ . . . At kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Sila’y hindi magtataas ng tabak, ang bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikidigma.”​—Mikas 4:1-3.

Napakaliwanag na ang hulang ito ay hindi natupad sa pagtitipon sa Assisi. Yaong mga nagsisidagsa sa makasagisag na bundok ng tunay na pagsamba ay yaong mga tao na tinuruan sa maibigin-sa-kapayapaang mga daan ni Jehova at lumalakad ayon sa kaniyang layunin at mga kahilingan. Hindi sila mga taong nananatili sa kanilang dating mga relihiyon, nababaha-bahagi ng nagkakasalungatang mga doktrina at mga gawain. Sa halip, sila ay tinipong sama-sama na gaya ng inihula sa Mikas 2:12: “Akin silang ilalagay na magkakasama sa pagkakaisa, na parang isang kawan sa kulungan.”

Ang resulta ng gawaing pagtuturo na ito ay na mahigit tatlong milyong mga tao sa buong lupa ang naging mga tagapaghayag ng “mabuting balita ng kaharian.” Sila ay naging mapayapang mga tao, at sa ilalim ng anumang kalagayan ay hindi sila pumapatay ng kanilang kapuwa tao. Gaya ng inihula ni Mikas, kanila nang pinukpok ang “kanilang mga tabak upang maging mga sudsod . . . ; ni mag-aaral pa man sila ng pakikidigma.” At maraming angaw-angaw na iba pang interesadong mga tao sa buong lupa ang tinuturuan nila.

Ang mga Saksi ni Jehova ay tumitingin sa hinaharap sa mapayapang bagong sanlibutan kung saan ang Mikas 4:4 ay matutupad sa lahat ng sangkatauhan: “At sila’y aktuwal na uupo, bawat isa sa ilalim ng kaniyang punung-ubas at sa ilalim ng kaniyang punung-igos, at walang tatakot sa kanila; sapagkat sinalita ng mismong bibig ni Jehova ng [makalangit na] mga hukbo.” Pagkatapos, sa talatang 5, ipinaghahambing ni Mikas yaong mga sumasamba sa maraming huwad na diyus-diyosan at yaong mga sumasamba sa isang tunay na Diyos, na ang sabi: “Sapagkat lahat ng bayan, sa ganang kanila, ay lalakad bawat isa sa pangalan ng kaniyang diyos; ngunit kami, sa ganang amin, ay lalakad sa pangalan ni Jehova na aming Diyos hanggang sa panahong walang takda, samakatuwid nga’y magpakailanman.” Sa malas, ang pangalan ng Diyos ay hindi man lamang nabanggit sa Assisi. Gayunman, hindi mo ba nanaising malaman ang tungkol sa Diyos na ito ng Bibliya? Ang mga Saksi ni Jehova ay magagalak na tumulong sa iyo tungkol dito.

[Larawan sa pahina 12]

Sino nga ang nagpukpok na ng kanilang mga tabak upang maging mga sudsod?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share