Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 12/8 p. 5-6
  • Ano ang Kalusugan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Kalusugan?
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kalusugan at Istilo-ng-Pamumuhay
  • Manatili sa Iyong Pananampalataya at Espirituwal na Kalusugan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Mabuting Kalusugan—Ano ang Magagawa Mo Rito?
    Gumising!—1989
  • Gaano ba Tayo Kalusog?
    Gumising!—1989
  • Panatilihin ang Maka-Kasulatang Pananaw sa Pangangalaga sa Kalusugan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 12/8 p. 5-6

Ano ang Kalusugan?

ANG isang tao ba ay tunay na nasa mabuting kalusugan dahil hindi siya nakadarama ng sakit? Bueno, gaano kadalas ka na bang nakarinig ng mga indibiduwal na tila ganap na matipuno subalit biglang namatay dahil sa di-inaasahang sanhi? Ipinakikita ng mga ulat na halos ikalimang bahagi ng mga namamatay sa sakit sa puso bawat taon ay hindi kinakitaan ng bahagya mang indikasyon na may anumang diperensiya sa kanila. Malinaw, ang mabuting pakiramdam o pangangatawan ay hindi katiyakan na ang isa ay nasa mabuting kalusugan.

Kuning halimbawa, ang isang 22-anyos na manlalaro ng basketbol sa kolehiyo. Sa lahat ng pangkaraniwang pamantayan, siya ay maituturing na isang malusog na tao na nasa kaniyang kalakasan. Subalit isang gabi siya’y namatay​—nang bigla. Isiniwalat ng mga pagsisiyasat na ang sanhi ng kamatayan ay isang pagmamalabis sa droga. Bagama’t nasa pinakamahusay na kalagayang-pisikal siya, siya ba’y namumuhay ng isang malusog na buhay? Hindi.

Sa katunayan, kung gayon, ang kalusugan ay higit pa kaysa hindi lamang pagkakasakit. Siyempre pa, ang pagmamana at ang kapaligiran ay gumaganap ng kanilang bahagi, ngunit sa ilalim ng mga normal na kalagayan, ang ating paraan ng pamumuhay ay marahil ang nag-iisang pinakamahalagang salik na namamahala ng ating kalusugan. Ang ating kinakain at iniinom, kung gaano tayo kaaktibo, gaano karami ang pahinga na ating nakukuha, kung paano tayo tumutugon sa kaigtingan, at ilan pang personal na mga kaugalian ay alin sa makabubuti sa ating kalusugan o makapipinsala rito. Samakatuwid, sa isang malaking antas, ang ating kalusugan ay kung ano ang ginagawa natin dito. Ang simulain ng Bibliya, “Anumang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin,” ay kumakapit rin sa ating pisikal na kalusugan.​—Galacia 6:7

Kalusugan at Istilo-ng-Pamumuhay

Halimbawa, alam na alam na sa maraming malalaking kompanyang Hapones, ang mga empleyado ay sumasailalim ng mahigpit na mga rutinang pang-ehersisyo bawat araw. Ang resulta? “Mayroong di mumunting ebidensiyang pang-estadistika na nagpapatunay sa pangmalas na ang mga manggagawang Hapones ang siyang pinakamalulusog sa daigdig,” sabi ng magasing pambalita ng Asiaweek. Sa kabilang dako, itinuturo ng ulat na sa Hapon, “ang kanser ang sanhi ng halos isa sa apat na kamatayan; atake sa puso at atake serebral ay isa sa bawat lima, at mga karamdaman sa palahingahan ay isa sa bawat labindalawa. Isang lalaki sa bawat 52 ay nagpapakamatay (para sa mga babae, ang pagpapatiwakal ay isa sa 70).”

Ang mga pahayag bang ito ay tila pabagu-bago o magkasalungatan pa nga? Hindi naman, kung ating susuriin ang mga katotohanan. Dahil sa 40 porsiyento ng lahat ng mga adultong naninigarilyo ng 300 libong milyong sigarilyo sa isang taon, ang Hapon ay pumapangalawa sa buong daigdig (kasunod lamang ng Gresya) sa nakukunsumong sigarilyo per capita. Isa pa, bawat taon ang mga lalaking Hapones ay umiinom ng 8 libong milyong bote ng beer at 1.5 libong milyong litro ng sake. Ito ay katumbas ng pag-inom ng halos kalahating litro ng purong alkohol bawat lalaki bawat linggo. Tunay na nakapagtataka kung ang mga gayong nakapipinsalang gawain ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa kalusugan ng mga tao.

Bagama’t maaaring ikatuwiran na ang mga Hapones ay may pinakamahabang buhay kaysa alinmang bayan at na ang kanilang konsumo ng tabako at alkohol ay mas mababa kaysa mga iba pa, ang ganitong mga paghahambing sa katapus-tapusan ay walang saysay. Ang totoo ay na ang mga tao ay namamatay nang wala sa panahon at di-kinakailangan. Maaaring sila’y mukhang mas malusog kaysa iba, subalit sila ba’y tunay na malusog?

Maliwanag, kung gayon, na ipinakikita ng ating kalusugan ang kabuuan ng ating istilo ng pamumuhay at ang ating pangaraw-araw na mga kaugalian. Ang mabuting kalusugan ay nagsasangkot ng isang timbang na paraan ng pamumuhay na nagbubunga ng ating mabuting pisikal, mental, emosyonal, at sosyal na kalagayan, pinangyayari tayong makaya ang ating kapaligiraan at magtamasa ng makatuwirang kaligayahan at kasiyahan mula sa ating pangaraw-araw na mga gawain. Ano ang maaari nating gawin upang matamo iyan?

[Blurb sa pahina 6]

Ang pagmamana at ang kapaligiran ay gumaganap ng kanilang mga bahagi, subalit ang ating paraan ng pamumuhay ay marahil ang tanging pinakamahalagang salik na namamahala sa ating kalusugan

[Larawan sa pahina 5]

Ang hitsura ng mabuting kalusugan ay maaaring nakapandaraya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share