Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “May Tibay-Loob na Ipaabot ang Paanyayang ‘Halika!’” Tanong-sagot na pagtalakay at mga pagtatanghal. Saklawin ang materyal sa artikulo, itampok ang aplikasyon ng taunang teksto, Apocalipsis 22:17. Magharap ng dalawang maikling pagtatanghal upang magbigay ng mungkahi sa kasalukuyang pag-aalok ng brochure sa lokal na teritoryo.
15 min: “Maaari ba Kayong Maging Regular Payunir Pasimula sa Setyembre?” Masiglang pahayag ng isang matanda sa artikulo. Kapanayamin ang isa o dalawang nag-auxiliary payunir sa taóng ito at nagpaplanong magpasimulang mag-regular payunir o palawakin ang kanilang ministeryo sa susunod na taon. Yaong mga nagnanais na magsimula bilang regular payunir sa Setyembre ay dapat magpasok ng kanilang aplikasyon sa Agosto 1.
Awit 100 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Basahin ang pagpapahalaga ng Samahan sa pagtangkilik sa pinansiyal.
20 min: “Pagpapakita ng Personal na Interes sa Iba.” Tanong-sagot. Talakayin kasama ng kongregasyon kung ano ang maaaring gawin sa paraang lokal upang ikapit ang impormasyon.
15 min: Pagtalakay sa “Tanong” ng tagapangasiwa sa paaralan.
Awit 177 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas. Itampok ang isa o dalawang punto sa bagong labas ng magasin.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Magasin sa Teritoryong Madalas Gawin.” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 3, ipatanghal sa isang naghandang kabataan kung papaano gagamitin at ihaharap ang mga bagong magasin sa pakikipag-usap sa mga maybahay. Maaaring sabihin: “Magandang umaga po. Ang pangalan ko ay ______. Ako’y naririto upang dalhan kayo ng ilang mahalagang impormasyon hinggil sa [sabihin ang paksa o pamagat]. Nagustuhan ko ang puntong ito. [Ipakita ang espesipikong punto o ipaliwanag ang ilustrasyon.] Ito’y nakatulong sa akin [ilahad kung papaano kayo nakinabang], at sa palagay ko’y masisiyahan din kayo. Iiwan ko sa inyo ang mga magasing ito sa maliit na kontribusyon.”
15 min: “Unahin ang Diyos sa Inyong Buhay Bilang Isang Pamilya!” Pahayag salig sa Ang Bantayan, Mayo 15, 1991, pahina 4-7.
Awit 216 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUL. 29–AGOS. 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
20 min: “Kung Papaano Makikinabang ang Pamilya sa Index.” Tanong-sagot na pagkubre sa materyal. Sa pagsasaalang-alang sa parapo 2, ipatanghal sa mag-asawa ang paggamit ng Index, na binabanggit ang iba’t ibang kapanapanabik na sub-titulo sa ilalim ng uluhang “Marriage.”
15 min: Lokal na mga pangangailangan o Kahalagahan ng Impormal na Pagpapatotoo. Kapanayamin ang dalawa o tatlong mga mamamahayag na tumanggap ng katotohanan sa pamamagitan ng impormal na pagpapatotoo. Pasiglahin ang kongregasyon na maging alisto sa mga pagkakataong magpatotoo nang impormal.
Awit 14 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan.
20 min: Maghandang Mabuti para sa Ministeryo sa Larangan. Pahayag ng matandang bihasa sa ministeryo sa larangan. Talakayin ang Efeso 6:18, 19, na ipinakikitang hiniling ni Pablo sa mga kapatid na idalanging mapasa kaniya ang kakayahang magsalita. Kailangan din nating ipanalangin ang gayon para sa ating sarili at para sa iba. Talakayin ang pangangailangang mag-eskedyul ng panahon para sa paghahanda, bilang mga indibiduwal at bilang mga pamilya. (1 Cor. 14:40) Ang ilan ay nagdaraos ng mga sesyon ng pagsasanay sa mga baguhan. Pagkatapos, samantalang gumagawang kasama nila sa larangan, kanilang tinatalakay ang iba’t ibang kalagayang kanilang naranasan. (sg p. 39, par. 3) Gamitin ang aklat na Nangangatuwiran sa pagtalakay sa mga pambungad na angkop sa lokal na teritoryo at mga paraan ng pagharap sa mga pagtutol. Kung nahihirapan kayo sa ibang larangan ng ministeryo, isaayos na gumawang kasama ng mga makaranasang mamamahayag at payunir upang kayo’y matulungan.
15 min: Pahayag sa “Maliligayahan Ka ba sa Maraming Gawain?” mula sa Mayo 15, 1991 Bantayan, pahina 28-30.
Awit 72 at pansarang panalangin.