Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang mga mamamahayag na lumabas sa paglilingkod sa dulo ng sanlinggong ito. Repasuhin ang mga litaw na punto mula sa pinakabagong isyu ng mga magasin na maaaring gamitin sa araw ng magasin sa Hunyo 12.
20 min: “Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Kapag tinatalakay ang parapo 3 at 4, isaayos ang isang maikling pagtatanghal na ipinakikita kung paano pasisimulan ang pakikipag-uusap sa maybahay at saka ialok ang aklat. Idiin ang kahalagahan ng pagiging pamilyar sa publikasyon.
15 min: “Malaki ang Magagawa ng Pambungad na Pananalita.” Talakayin ang artikulo sa tagapakinig. Nasubukan na ba nila ang ilang pambungad na iminungkahi kamakailan sa mga isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian, na karamihan dito ay kinuha sa aklat na Nangangatuwiran? Anong pambungad ang nakita nilang mabisa sa lokal na teritoryo? Kailan naghahanda at nagsasanay ang mga mamamahayag ng kanilang pambungad para sa larangan ng paglilingkod? Magkaroon ng dalawa o tatlong maiikling pagtatanghal ng mga pambungad na mabisa sa lokal na kalagayan.
Awit 32 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang ulat ng kuwenta at mga tugon sa donasyon. Bigyan ng komendasyon ang kongregasyon sa pinansiyal na suporta sa lokal na kongregasyon at sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan.
20 min: “Gumawa ng Mabibisang Pagdalaw Muli.” Talakayin sa tagapakinig ang mga susing punto sa artikulo, at maaaring ilakip ang maikling karanasan kamakailan na kung papaanong ang isang pagdalaw muli ay nagpaningas ng higit na interes. Gamitin ang huling anim hanggang walong minuto upang itanghal kung papaanong ang konduktor ng Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon ay tumutulong sa dalawa o tatlong mamamahayag na maging handa sa pagdalaw muli sa nasumpungang interesado sa kanilang teritoryo. Hanggat maaari, gamitin ang aktuwal na pagdalaw muli na isasagawa ng mamamahayag.
15 min: Ipagsanggalang ang Inyong Sarili sa Apostasya. Pagtalakay sa pagitan ng matanda at ng isang mamamahayag na nakaupo sa harap ng mesa. Ipinaliwanag ng mamamahayag na nakasumpong siya sa larangan ng isang nagbabasa ng literatura ng apostata. Sinabi ng mamamahayag sa matanda na sa palagay niya’y taimtim ang maybahay sa mga katanungang ibinangon. Tinanggihan ng mamamahayag ang inialok ng maybahay na apostatang babasahin ngunit gusto niyang sagutin ang mga katanungan ng maybahay. Binigyan ng matanda ang mamamahayag ng komendasyon sa kaniyang mabuting saloobin at kilos. Sa halip na talakayin ang isinulat o sinabi ng apostata, isang katalinuhan na ituon ang pansin sa maka-Kasulatang pangmalas sa mga bagay gaya ng nasa aklat na Nangangatuwiran. Inanyayahan ng matanda na buksan ng mamamahayag ang kaniyang aklat na Nangangatuwiran, at magkasama nilang nirepaso ang mga pahina 34-7. Ang pagtalakay ay dapat na may init at nakapagpapatibay habang isinasaalang-alang ang kahulugan ng apostasya, bawat subtitulo, at piling susing teksto samantalang ipinahihintulot ng panahon. Tapusin ang pagtalakay taglay ang positibong komento sa lahat ng nakapagpapatibay at nakapagpapasiglang mga materyal na maaari nating pag-aralan. Ibahagi ang nakapagpapatibay na mensahe sa maybahay. Kung siya ay taimtim, kaniyang makikita ang pagkakaiba ng positibong paghaharap ng katotohanan at ang negatibo, mapamunang paghaharap ng mga apostata. Sa pagtanggi natin sa apostatang kaisipan at babasahin, ipinakikita natin ang ating katapatan kay Jehova at sa kaniyang nakikitang organisasyon.
Awit 65 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 22-28
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Magpasigla sa Pagtataguyod ng mga Espirituwal na Tunguhin.” Pagtalakay sa tagapakinig sa pangangasiwa ng isang matanda. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 6, kapanayamin ang isang huwarang mamamahayag na noong nasa kabataan pa ay tumugon sa pagpapatibay na abutin ang mga espirituwal na tunguhin. Papaano ba siya napatibay? Kapag tinatalakay ang parapo 7, ipakita ang praktikal na pakinabang na tatamuhin ng kapuwa magulang at kabataan mula sa pagrerepaso sa mga kabanatang 22, 38, at 39 ng aklat na Tanong ng mga Kabataan.
20 min: “Pagpapaunlad ng mga Personalidad na Kristiyano sa Ating mga Anak.” Pagtalakay ng dalawang kapatid na lalaki sa artikulo ng Hulyo 1, 1991 ng Ang Bantayan, mga pahina 24-7. Itampok ang pangangailangan ukol sa ganap na pagsisikap ng mga magulang. Ikapit ang materyal sa lokal na pangangailangan ng kongregasyon.
Awit 213 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hun. 29-Hul. 5
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Mga karanasan mula sa kampanya ng aklat na Pinakadakilang Tao (ito ay dapat na ihanay nang patiuna sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mamamahayag at mga payunir).
15 min: Itampok ang aklat na Creation sa Hulyo. Pahayag na may kalakip na pagtatanghal. Talakayin ang mga puntong maaaring ipakipag-usap mula sa aklat na maaaring itampok kapag nag-aalok ng aklat na Creation sa Hulyo. Maaaring ang materyal sa kabanatang 16 at 17 na “Why Would God Permit Suffering?” at “Can You Trust the Bible?” ay makaakit sa mga maybahay. Isang kuwalipikadong mamamahayag ang magtatanghal ng pag-aalok, na ginagamit ang mga teksto na gaya ng Hebreo 3:4 at Apocalipsis 4:11 para pabulaanan ang teoriya ng ebolusyon at patibayin ang pananampalataya sa Diyos bilang ang Maylikha ng tao. Ang materyal sa aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng uluhang “Paglalang” ay magagamit habang ipinahihintulot ng panahon.
20 min: “Espirituwal na Pagkain Araw-araw—Mahalaga Para sa Kristiyanong Pamilya.” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal.
Awit 108 at pansarang panalangin.