Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre
Linggo ng Oktubre 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Pagpapahalaga sa Kahulugan ng Kasalukuyang mga Pangyayari.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 6, magharap ng isang demonstrasyon na nagpapakita kung papaanong ang seksiyong “Kung Bakit Inilalathala ang Gumising!” sa pahina 4 ay maaaring gamitin sa paghaharap ng magasin. Ipakita sa maybahay ang isang espisipikong artikulo o punto sa magasin sa panahon ng pagtatanghal.
20 min: “Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes.” Talakayin sa tagapakinig kung papaano isasagawa ang mga mungkahi sa inyong lokal na teritoryo. Magsaayos ng dalawang makatotohanan, inihandang mabuting pagtatanghal, na gumagamit ng Oktubre 8 o Oktubre 22 ng Gumising!
Awit 96 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 12-18
15 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta at mga tugon sa donasyon. Papurihan ang kongregasyon sa saganang pagtangkilik sa lokal na mga pangangailangan at gayundin sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan. Talakayin ang mga tampok na bahagi sa mga pinakabagong magasin at itanghal kung papaano maaaring ialok ang pinakabagong Bantayan sa dulong sanlinggong ito.
15 min: Papaano tayo personal na nakinabang sa Gumising! Kakapanayamin ng kuwalipikadong kapatid ang tatlo o apat na mamamahayag hinggil sa espisipikong paraan na sila’y natulungan ng mga artikulo ng Gumising! Isama ang isa man lamang kabataang nag-aaral na nakinabang mula sa mga artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong.” Ang mga karanasang ito ay maaaring gamitin kapag nag-aalok ng suskripsiyon sa Gumising! sa larangan.
15 min: “Maaari Bang Mapadingas Muli ang Interes?” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo, na sinusundan ng isang pagtatanghal kung papaano gagawin ang pagdalaw sa dating tinuturuan subalit huminto na udyok ng iba’t ibang kadahilanan.
Awit 10 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 19-25
5 min: Lokal na mga patalastas. Ilahad ang isang maikling karanasan sa larangan o banggitin ang mga litaw na punto na maaaring gamitin sa linggong ito sa paglilingkod sa larangan.
15 min: “Bautismo,” aklat na Nangangatuwiran, pahina 56-60 (54-8 sa Ingles). Pambungad na pahayag salig sa “Kahulugan.” Itanghal kung papaanong ang isang matanda ay maaaring makipag-usap sa isa na nag-aatubiling magpabautismo. Itampok ang impormasyon sa pahina 56 (54 sa Ingles.) Idiin ang kahalagahan ng pag-aalay at pagpapabautismo sa tubig. Magtatapos ang tagapagsalita sa pamamagitan ng maikling pagsasaalang-alang sa impormasyon hinggil sa bautismo sa banal na espiritu, bautismo para sa mga patay, at bautismo sa apoy.
15 min: “Kayo ba’y Mag-aauxiliary Payunir sa Nobyembre o Disyembre?” Tanong-sagot. Magpasigla para sa pag-aauxiliary payunir sa dalawang buwang ito. Kapanayamin ang ilan sa mga auxiliary payunir ngayon o yaong nagtamasa nito nang nakaraan, upang mapasigla ang iba na sumama sa kanila.
10 min: Pagrerepaso sa Gawain ng Kongregasyon. Ginagamit ang mga bilang sa harap ng Congregation Analysis Report (S-10) na ipinadala sa Samahan nang nakaraang buwan, pag-uusapan ng punong tagapangasiwa at tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng kongregasyon sa nakaraang taon. Masiglang papurihan ang mga mamamahayag at payunir sa kanilang pagsasakripisyo-sa-sarili sa paglilingkod at sa kanilang katapatan sa pagdalo sa pulong. Banggiting isa-isa ang mahuhusay na mga bagay na nagawa nila. Maaaring ihambing ang nagawa noong nakaraang mga taon kung ang ulat ay nasa salansan. Gayundin, ipakita kung saan maaaring gumawa pa ng pagsulong sa 1993 taon ng paglilingkod.
Awit 43 at pansarang panalangin.
Linggo ng Okt. 26–Nob. 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ipatalastas kung anong mga magasin ang magagamit sa paglilingkod sa larangan, at magbigay ng isa o dalawang litaw na punto na maaaring makatawag ng pansin sa teritoryo. Itanghal kung papaanong ang kasalukuyang mga magasin ay maaaring ialok na ginagamit ang isang maka-Kasulatang presentasyon, gaya ng binalangkas sa artikulo sa itaas ng huling pahina.
15 min: “Pag-aalok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.” Talakayin at itanghal ang ilang mungkahi sa artikulo. Ipakita kung papaanong ang sampung paraan upang makilala ang tunay na relihiyon sa pahina 377 ay maaaring gamiting mabisa kapag nag-aalok ng aklat sa Nobyembre.
20 min: “1992 ‘Mga Tagapagdala ng Liwanag’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi 1. Pagtalakay sa tagapakinig ng mga parapo 1-11. Nanaisin ng mga mamamahayag na talakayin ang mga angkop na punto sa kanilang mga tinuturuan sa Bibliya na inanyayahang dumalo sa kombensiyon.
Awit 48 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas. Maglahad sa maikli ng lokal na karanasan sa larangan o bumanggit ng mga litaw na punto na maaaring gamitin sa linggong ito sa paglilingkod sa larangan.
20 min: “1992 ‘Mga Tagapagdala ng Liwanag’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi 2. Pagtalakay ng tagapakinig sa mga parapo 12 hanggang 19 at maikling repaso sa “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon” habang ipinahihintulot ng panahon. Ilakip ang mga paalaala salig sa impormasyon sa Ang Bantayan ng Hunyo 15, 1989, pahina 10-20. Pasiglahin ang mga grupo ng pamilya na repasuhin ang mga punto sa mga artikulong ito bago dumalo ng kombensiyon.
15 min: Pagtalakay at mga pagtatanghal sa paghaharap ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, na ginagamit ang Isaias 55:6, 7 at Gawa 17:26, 27. Ipakita kung papaanong ang baguhan at mga kabataan ay maaaring gumamit ng isang payak na presentasyon, na ginagamit lamang ang Isaias 55:6, 7. Ang kapatid na gaganap sa bahaging ito ay maaaring kumuha ng mga punto mula sa artikulong “Pag-aalok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos” sa pahina 8.
Awit 109 at pansarang panalangin.