May Katalinuhang Ginagamit ang Mahahalagang Kasangkapan
1 Habang kayo’y nagpapatotoo sa bahay-bahay, ang inyong tunguhin ay akayin ang bawat maybahay sa isang maka-Kasulatang pag-uusap sa pamamagitan ng paggamit ng Bibliya at ng iba pang mahahalagang kasangkapan. (Ihambing ang 2 Corinto 6:1; 2 Timoteo 2:15.) Ano ba ang ikinababahala ng mga tao sa inyong teritoryo sa mga araw na ito? Sila ba’y nababahala sa kalagayan ng ekonomiya at sa pagbaba ng uri ng buhay pampamilya? Ang maikling panimulang pananalita hinggil sa alinman sa mga paksang ito ay maaaring umakay tungo sa isang mainam na pag-uusap sa Bibliya.
2 Maaari ninyong sabihin:
◼ “Sa panahong ito ng kahirapan, maraming tao ang may suliranin sa kabuhayan. Sa palagay kaya ninyo’y malulutas ng mga pamahalaan ng tao ang ating mga suliranin sa pananalapi? [Pakinggan ang sagot.] Nasumpungan kong nakapagpapasigla ang kaisipang ito . . . ”
3 Pagkatapos ay maaari ninyong basahin ang Awit 72:12-14 at pumili din ng isang karagdagang teksto mula sa mga pahina 309-10 ng aklat na Nangangatuwiran (154-5 sa Ingles). O pagkatapos na basahin ang isang kasulatan, maaari kayong bumaling sa isang parapo sa tract na Buhay sa Isang Mapayapang Bagong Sanlibutan. Maraming mamamahayag—lakip na ang mga kabataan—ang matagumpay na nakapagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa mga tract sa pamamagitan ng pagbasa ng isang parapo at pagkatapos ay nagtatanong sa maybahay hinggil sa kaniyang opinyon sa binasa.
4 Sa ilang mga komunidad maaari ninyong gamitin ang paglapit na ito:
◼ “Nais makita ng maraming tao ang panunumbalik ng tradisyonal na buhay pampamilya. Sa palagay kaya ninyo’y dapat magpasiya ang bawat indibiduwal kung anong mga simulain ang dapat sundin, o dapat magkaroon lamang ng isang pamantayan para sa lahat? [Hayaang sumagot.] Marami ang sumasang-ayon na kung sinusunod lamang ang payo ng Bibliya, magkakaroon ng tiyak na pagsulong ang uri ng buhay pampamilya.”
5 Sa bahaging ito nanaisin ninyong gamitin ang mga punto sa ilalim ng sub-titulong “Alin ang Daan sa Tagumpay?” sa bagong tract na Tamasahin ang Buhay Pampamilya sa pagpapasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya, o maaari kayong bumaling sa kabanata 29 sa aklat na Mabuhay Magpakailanman at ipakita ang mga punto sa pahina 243-6.
6 Kung kayo’y nakapagsimula ng isang pag-aaral sa unang pagdalaw, gumawa ng tiyak na kaayusan upang maipagpatuloy ang pag-uusap sa susunod na pagkakataon. Mailalatag ninyo ang saligan para sa inyong susunod na dalaw sa pamamagitan ng pagsasabi sa maybahay na sa inyong pagbabalik ay nanaisin ninyong ibahagi sa kaniya ang sagot sa pangkaraniwang tanong na: “Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang kabalakyutan?” Ang artikulo sa ibaba ay magpapakita kung papaano bubuuin ang paksa sa pagdalaw muli.