Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 7-13
  • Linggo ng Disyembre 14-20
  • Linggo ng Disyembre 21-27
  • Linggo ng Dis. 28–Ene. 3
  • Linggo ng Enero 4-10
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 12/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre

PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-eeskedyul ng isang Pulong Ukol sa Paglilingkod bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga kinakailangang pagbabago dahil sa pagdalo sa pandistritong kombensiyon at para sa 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi ng programa sa susunod na linggo.

Linggo ng Disyembre 7-13

Awit 49

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos.” Tanong-sagot. Pasiglahin ang lahat na basahin ang tract na Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya, na binibigyang pansin ang hanay ng pangangatuwiran at simpleng pagpapaliwanag para magamit sa paglilingkod sa larangan.

20 min: “Ilatag ang Pundasyon sa Inyong Unang Pagdalaw.” Ang kapatid na gaganap ng bahaging ito ay maghaharap ng tatlong demonstrasyon na ginagamit ang isa sa dalawang pambungad na binabanggit sa mga parapo 2 at 3 at itatanghal ang bawat punto sa parapo 4 at 5.

Awit 52 ang pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 14-20

Awit 141

10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.

20 min: “Kayo ba’y Makikibahagi sa Impormal na Pagpapatotoo sa Disyembre?” Talakayin at itanghal ang mga punto sa artikulo.

15 min: “Tanong.” Ihaharap sa pamamagitan ng tanong-sagot.

Awit 27 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 21-27

Awit 179

10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang ulat ng kuwenta at mga tugon sa donasyon.

20 min: “Kung Papaano Lilinangin ang Interes.” Pahayag at mga pagtatanghal, na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Itanghal ang mga parapo 5 at 6.

15 min: “Sumusunod Ka ba sa mga Tagubilin?” Pahayag ng punong tagapangasiwa salig sa artikulo sa Oktubre 1, 1990, Bantayan, pahina 30-1. Lokal na aplikasyon ang dapat gawin sa espisipikong pangangailangan: pag-uulat ng paglilingkod sa larangan, paglilinis ng Kingdom Hall, pagiging nasa oras para sa mga pagtitipon bago maglingkod, pagsawata sa mga bata sa Kingdom Hall, at iba pa. Ipakita kung papaanong ang gawain ng mga inatasang lingkod ay napagagaan kapag ang lahat ay sumusunod sa mga tagubilin.

Awit 198 at pansarang panalangin.

Linggo ng Dis. 28–Ene. 3

Awit 54

10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang isang litaw ng punto mula sa mga bagong magasin na magagamit sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Positibong Pagkilos Tungo sa Higit na Pagsulong.” Ibigay ang unang parapo ng insert bilang isang pahayag. Saklawin ang nalalabi ng artikulo sa pamamagitan ng tanong-sagot. Ikapit sa lokal. Magtapos sa pamamagitan ng maikling sumaryo.

15 min: “Pagtanggap, Pagkakapit, at Pakikinabang Mula sa Salita ng Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itawag-pansin ang mahahalagang puntong natutuhan sa nakaraang pansirkitong asamblea. Pasiglahin ang lahat na dumalo sa susunod na pansirkitong asamblea.

Awit 24 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 4-10

Awit 104

5 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: Paggamit sa Aklat na Pinakadakilang Tao Upang Hayaang Lumiwanag ang Ating Ilaw sa Enero. Pahayag na may kasamang pagtatanghal. Magbigay ng mungkahi para sa mga litaw na punto sa aklat.

30 min: Repasuhin ang Programa ng “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon. Tatlong kuwalipikadong kapatid na lalake ang gagamit ng tig-sampung minuto upang saklawin ang mga tampok na bahagi sa bawat araw ng kombensiyon.

Awit 4 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share