Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre
Linggo ng Setyembre 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas at angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Palawakin ang Inyong Kayamanan ng Paglilingkod sa Kaharian.” Tanong-sagot ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang gawain ng kongregasyon sa nakaraang taon, na nagbibigay ng komendasyon at mga munkahi sa ikasusulong.
15 min: “Linangin ang Interes sa Aklat na Mabuhay Magpakailanman.” Tatlo o apat na mamamahayag, kasama ang isang kabataan, ay tatalakay sa artikulo at pagkatapos ay magkakaroon ng sesyon sa pagsasanay. Pagkatapos ay itatanghal nila ang dalawa o tatlong presentasyon.
Awit 32 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang “‘Maka-Diyos na Takot’ na mga Pandistritong Kombensiyon.”
20 min: Kristiyanong Paggawi sa Paaralan. Pagtalakay ng matanda kasama ang tatlo o apat na tin-edyer. Sa paaralan, ang ating mga kabataan ay sumasailalim ng iba’t ibang panggigipit upang ikompromiso ang kanilang paggalang sa mga simulain ng Bibliya. Ang karamihan dito ay nagmumula sa mga gawain na walang tuwirang kaugnayan sa silid-aralan. Ang palakasan, pakikipag-date, at sosyal na mga pagtitipon ay naghaharap ng mga panganib. Tinalakay ng matanda ang “Extracurricular Activities” sa mga tin-edyer, na ginagamit ang School Brochure, pahina 22-5. Ang mga kabataan ay nagpahalaga sa ibinigay na payo.
15 min: “Hindi Sila Huminto sa Pagpapatotoo.” Tanong-sagot. Patingkarin na kahit na tayong lahat ay hindi makagugol ng magkakaparehong oras sa ministeryo, tayo’y dapat makasumpong ng kagalakan at maging buong kaluluwa.
Awit 60 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at anumang tugon sa donasyon.
15 min: “Paggawa sa Teritoryong Madalas na Kubrehan.” Tanong-sagot. Itanghal ang isa o dalawa sa mga mungkahing presentasyon.
20 min: “Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pamamagitan ng Aklat na Mabuhay Magpakailanman.” Talakayin sa tagapakinig. Isaayos ang dalawang pagtatanghal sa mga mungkahing presentasyon.
Awit 67 at pansarang panalangin.
Linggo ng Set. 26–Okt. 2
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Lokal na mga pangangailangan. O magbigay ng pahayag sa artikulong “Ang mga Pagbabawal ba ay Nagpapahina ng Loob Mo?” mula sa Setyembre 1, 1994, Bantayan, pahina 27-8.
20 min: Pag-aalok ng Suskrisyon sa Gumising! sa Oktubre. Idiin ang kahalagahan ng pag-aalok ng suskrisyon sa bahay-bahay sa Oktubre. Banggitin ang mga kapakinabangan ng lingguhang Araw ng Magasin. Talakayin kung papaanong ang gawain sa lansangan at pagpapatotoo sa mga tindahan ay nagbubukas ng maraming pagkakataon para makakuha ng mga suskrisyon. Ipagunita sa mga kapatid na mag-ingat ng rekord ng mga nailagay na babasahin, taglay ang tunguhing magpasimula ng ruta ng magasin, na maaaring humantong sa suskrisyon. Hayaang magtanghal ang tatlong mamamahayag, isa sa kanila ay isang kabataan, ng maiikling presentasyon sa magasin.
Awit 76 at pansarang panalangin.