Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/00 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hulyo 10
  • Linggo ng Hulyo 17
  • Linggo ng Hulyo 24
  • Linggo ng Hulyo 31
  • Linggo ng Agosto 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 7/00 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hulyo 10

Awit 7

12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Komentuhan ang ulat sa paglilingkod ng Abril para sa bansa at sa lokal na kongregasyon. Akayin ang pansin sa kahong “Tingnan ang Likurang Pahina,” at itanghal ang isa sa mga mungkahing presentasyon na magiging mabisa sa lokal na teritoryo.

15 min: “Hindi Namin Magagawang Tumigil sa Pagsasalita.” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng isang tanong-sagot na pagtalakay. Idiin ang mga dahilan kung bakit tayo seryoso sa ating atas na mangaral. Ilakip ang mga puntong kaugnay nito sa Enero 15, 1997, Bantayan, pahina 23-4.

18 min: “Ang Lahat ng Bagay ay Maganap Ukol sa Pagpapatibay.” Dalawang matanda ang tatalakay sa artikulo. Basahin ang bawat parapo at binanggit na mga kasulatan. Itampok ang mga simulaing nasasangkot. Idiin ang pangangailangang gumamit ng unawa kapag nagnenegosyo o namumuhunan. Repasuhin ang payo sa Marso 15, 1997, Bantayan, pahina 18-19, 22.

Awit 15 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 17

Awit 23

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipaliwanag sa maikli kung paano gagamitin ang brosyur na Banal na Pangalan upang tulungan ang isang taong interesado na mapahalagahan ang pangangailangang malaman at gamitin ang personal na pangalan ng Diyos.—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 195-6.

15 min: “Ipangaral ang Salita . . . Nang Apurahan.” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng isang tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang mga komento sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 170. Magbigay ng ilang praktikal na mga mungkahi kung paano mapasusulong ang gawaing pangangaral sa dumarating na mga buwan.

20 min: Sino ang Dapat na Maging Huwaran Ninyo? Isang ama ang nangangasiwa sa kaniyang pampamilyang pag-aaral kasama ng isa o dalawang anak na tin-edyer. Napansin niya kamakailan na ang kanilang usapan ay laging tungkol sa mga bayani sa daigdig ng isports, mga bituin sa pelikula, mga kilalang personalidad sa TV, at mga manunugtog. Siya’y nagpahayag ng pagkabahala sapagkat ang uring ito ng pagkahumaling ay nagpapakita ng espiritu ng sanlibutan. Kanilang tinalakay ang Mayo 22, 1998, ng Gumising!, pahina 12-14. Napagtanto ng mga kabataan na may panganib sa pag-idolo sa makasanlibutang mga personalidad at sumang-ayon na ang pagiging prominente sa sanlibutan ay walang maidudulot sa mga Kristiyano. Kanilang isinaalang-alang ang mga kapakinabangan ng pagtingin sa mga magulang, sa matatanda, at sa iba pang mga halimbawa sa kongregasyon—at lalo na kay Jesu-Kristo—bilang kanilang mga huwaran.

Awit 34 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 24

Awit 45

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Pagrerekomenda ng Ating mga Sarili Bilang mga Ministro ng Diyos. Tatalakayin ng dalawang ministeryal na lingkod ang maka-Kasulatang payo na ibinigay sa Disyembre 15, 1998, Bantayan, pahina 19-20. Pinahahalagahan nila ang pangangailangang makatugon sa mainam na paraan bilang mga ministeryal na lingkod at nirepaso kung ano ang personal nilang magagawa upang ipakita na sila’y tumutupad sa kanilang mga atas. Kanilang nakita ang kahalagahan ng pagiging mabubuting halimbawa sa ministeryo sa larangan at tinalakay ang mga paraan na sila’y makatulong sa matatanda sa pagbibigay ng personal na tulong sa iba. Sila’y sumang-ayong gusto nilang gawin ang lahat ng magagawa nila upang makatulong sa kongregasyon na mapahalagahan ang pagkaapurahan ng mga panahon upang sumulong at sumagana sa espirituwal.

10 min: Pagliham sa mga Tao na Hindi Natin Matagpuan. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Habang lalong humihirap na masumpungan ang mga tao sa tahanan, ang ilang mamamahayag ay nagkakaroon ng mabubuting bunga sa pagliham. Isaalang-alang ang mga tuntuning ito. Ang mga liham ay dapat na maikli, salig sa Kasulatan, at magalang. Huwag magpapadala ng mga liham na walang lagda. Sumulat o magmakinilya nang masinop at maliwanag. Ibigay ang direksiyon ng Kingdom Hall at ang mga oras ng pulong ng kongregasyon kasama ang isang paanyaya upang dumalo. Huwag gagamitin ang pamuhatang direksiyon ng Samahan. Repasuhin ang mga mungkahing ibinigay sa Giya sa Paaralan, pahina 87-8, at sa Tanong ng Nobyembre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: Gamitin ang Mabibisang Pambungad. Pumili ng dalawa o tatlong pambungad mula sa pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran, at talakayin kung paanong ang mga ito ay magagamit nang mabisa sa lokal na teritoryo. Tanungin ang tagapakinig, “Anong mga pambungad ang inyong ginagamit kapag lumalapit sa isang nasa lansangan, nang di-pormal, o sa ibang paraan?” Itanghal ang isa o dalawang pambungad habang ipinahihintulot ng panahon.

Awit 54 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 31

Awit 66

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hulyo. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng personal na mga karanasan na kanilang tinamasa sa buwang ito sa pamamahagi ng mga brosyur.

12 min: Lokal na mga pangangailangan.

18 min: “Pinahahalagahan Mo ba ang Pagtitiis ni Jehova?” Tanong-sagot. Ilakip ang angkop na mga komento hinggil sa mahabang-pagtitiis ni Jehova.—Tingnan ang Insight, Tomo 2, pahina 263-4.

Awit 75 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 7

Awit 88

10 min: Lokal na mga patalastas.

17 min: “Ikaw ba ay Isang Taong Mahiyain?” Tanong-sagot. Maglahad ng isang nakapagpapatibay na karanasan mula sa 1997 Yearbook, pahina 43-4.

18 min: Maging Matalino sa Inyong Kinabukasan. Pahayag ng isang matanda. Nais ng mga kabataan na tamasahin ang isang maligayang kinabukasan kasama ng kanilang minamahal. Bagaman ito’y likas, kailangan nilang ikapit ang makadiyos na payo kung nais nilang maging matagumpay. (Kaw. 19:20) Ang pagkaakit sa hindi kasekso ay malakas sa kabataan. Kung hindi mapipigilan ang damdamin, ang resulta ay maaaring maging kapaha-pahamak. Maraming katanungan ang bumabangon hinggil sa katalinuhan ng pagkakasangkot sa emosyonal na paraan ng mga tin-edyer sa hindi kasekso, pagkakaroon ng romantikong kaugnayan na humahantong sa pagdi-date. Repasuhin ang payong ibinigay sa aklat na Ang mga Kabataan ay Nagtatanong, pahina 231-5. Itampok ang pangunahing mga punto sa Nobyembre 15, 1999, Bantayan, pahina 18-23, na nagpapakita sa kahalagahan ng pagtupad ng mga kabataan sa kanilang buong katungkulan sa Diyos. Patibayin ang mga tin-edyer na pag-isipan ang payong ito at ipakipag-usap ito sa kanilang mga magulang kung mayroon silang mga katanungan.

Awit 101 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share