Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Agosto 13
13 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang lahat na panoorin ang video na The New World Society in Action bilang paghahanda sa pagtalakay sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Agosto 27.
17 min: “Nais Mo Bang Gumawa Nang Higit Pa?”a Ilakip ang mga mungkahi hinggil sa paggawa nang higit pa upang makapagpatotoo sa mga tao sa inyong teritoryo na nagsasalita ng wikang banyaga. Komentuhan sa maikli ang Hunyo 15, 1997, Bantayan, pahina 26-9.
15 min: “Panatilihin ang Panahon ng Pagrerelaks sa Wastong Dako Nito.” Isang konduktor sa pag-aaral ng aklat ang makikipag-usap sa isang mag-asawa pagkatapos ng pag-aaral. May kabaitan niyang babanggitin na nitong nakaraan ay hindi niya sila nakikita sa paglilingkod sa larangan o sa mga pagpupulong sa dulong sanlinggo. Ipaliliwanag ng mag-asawa na naging abala sila sa pagbabakasyon at sa iba pang mga gawain sa panahon ng tag-araw. Rerepasuhin ng matanda ang mga pangunahing punto sa artikulo, anupat tutulungan ang mag-asawa na makita na dapat na laging unahin ang mga espirituwal na kapakanan. Magpapahayag sila ng pagpapahalaga sa mabubuting paalaala. Sasang-ayon sila na magtakda ng mas mabubuting priyoridad sa hinaharap.—Tingnan ang Oktubre 1, 2000, Bantayan, pahina 19-20.
Awit 68 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 20
8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Ikaw ay Isang ‘Pandulaang Panoorin’!”b Bumanggit ng ilang lokal na pangyayari nang magpahayag ang mga tao ng kasiya-siyang komento tungkol sa gawain o paggawi ng mga Saksi ni Jehova.—Tingnan Ang Bantayan, Marso 15, 1998, pahina 10, at Enero 15, 1999, pahina 32.
22 min: “Mabuting Asal—Isang Katangian ng Makadiyos na mga Tao.” Ang matanda ay magbibigay ng limang-minutong pahayag sa parapo 1-5. Pagkatapos ay tatalakayin niya sa plataporma ang natitirang bahagi ng artikulo kasama ng isa pang matanda at isang ministeryal na lingkod. Pag-uusapan nila kung paano mapagtatagumpayan ang ilang walang-pakundangang kinaugalian na nakagagambala sa ating mga pulong at nakababawas sa mga kapakinabangang tinatanggap natin. Itatampok nila kung paanong ang ating pagsasamahan sa isa’t isa ay talagang nakapagpapatibay kapag ipinakikita natin ang maibiging pagmamalasakit sa mga kapakanan ng iba.—Fil. 2:4.
Awit 72 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 27
10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Agosto. Ibahagi sa maikli ang isa o dalawang mungkahi kung paano maiaalok ang aklat na Creation sa ministeryo sa Setyembre.—Tingnan ang mga halimbawa sa Ating Ministeryo sa Kaharian, Setyembre 1996, pahina 8, at Hunyo 1995, pahina 4.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Isang Pagbabalik-Tanaw sa Kasaysayan ng The New World Society in Action.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig at mga panayam. Pagkatapos talakayin ang mga tanong na inilaan, kapanayamin ang sinumang nakapanood sa orihinal na pelikula o nakadalo sa internasyonal na mga kombensiyon noong dekada ng 1950. Ipalahad sa kanila kung ano ang naaalaala nila tungkol sa mga pangyayaring iyon, ang epekto nito sa kanila sa espirituwal, at ang kanilang pananalig na ito nga ang organisasyon ni Jehova. (Pansinin: Sa mga kongregasyong walang makukuha na ganitong video, ang pahayag na “Ano Kaya ang Magagawa Tungkol sa Panghihina ng Loob?” ay maaaring ibigay, salig sa Nobyembre 15, 1999 Bantayan, pahina 28-31.) Sa Oktubre ay rerepasuhin natin ang video na United by Divine Teaching.
Awit 74 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 3
8 min: Lokal na mga patalastas.
17 min: “Gaano ba Kahalaga ang Kristiyanong Pagsasamahan?”c Ilakip ang mga komento sa ilalim ng subtitulong “Sa Pamamagitan ng Kongregasyon” sa Enero 15, 1996, Bantayan, pahina 22.
20 min: Kung May Magsasabi. Pakikipagtalakayan at mga pagtatanghal. Sa ministeryo, kapag nagkomento ang mga tao o nagbangon ng mga katanungan na hindi natin inaasahan, dapat nating pagsikapang sumagot sa halip na baguhin ang paksa o tapusin ang pag-uusap. Ang aklat na Nangangatuwiran ay kadalasang makatutulong sa bagay na ito. Tukuyin ang ilang karaniwang komento, at itatanghal ng mga mamamahayag kung paano tutugon sa pamamagitan ng mga komento sa aklat na Nangangatuwiran. Halimbawa: ‘Hindi ako naniniwala sa Diyos.’ (p. 131-2; p.150-1 sa Ingles) ‘Bakit hindi kayo makipagtulungan sa mga pagsisikap na mapabuti ang komunidad?’ (p. 385-6; p. 207-8 sa Ingles) ‘Hindi mahalaga kung ano ang kinaaaniban mong relihiyon.’ (p. 369; p. 332 sa Ingles) Pasiglahin ang lahat na gamitin ang pitak na ito ng aklat na Nangangatuwiran kapag bumangon ang di-inaasahang mga kalagayan sa ministeryo.
Awit 121 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.