Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ang mga aralin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mga linggo ng Enero 7 hanggang Abril 22, 2002. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming tanong na masasagot mo sa panahong itinakda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang mga numero ng pahina at ng parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Sa Eclesiastes 2:2, ang punto ni Solomon ay na ang pagtawa at kasayahan ay dapat na iwasan. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w87 9/15 p. 24 par. 5.]
2. Sa halip na maging isang aklat ng pesimismo, ang Eclesiastes ay punô ng maniningning na hiyas ng karunungan ng Diyos at nagpapakita na ang kapaha-pahamak na mga gawain ay yaong mga nagwawalang-bahala sa Diyos. [si p. 114 par. 15]
3. Sa Isaias 1:7, tinutukoy ng propeta ang pagkatiwangwang ng Juda noong paghahari ni Ahaz. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 17 par. 16.]
4. Ang pagiging “nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero,” gaya ng binanggit sa Apocalipsis 7:9, ay nagpapahiwatig ng isang makalangit na dako. [rs p. 226 par. 2]
5. Ang bukas-palad na ‘pagpaparangal kay Jehova’ sa pamamagitan ng ating tinataglay—ating panahon, mga kakayahan, lakas, at materyal na pag-aari—ay nagbubunga ng saganang espirituwal na mga pagpapala mula kay Jehova. (Kaw. 3:9, 10) [w00 1/15 p. 25 par. 1]
6. Ang makabagong-panahong ‘kakaibang gawa at gawain na pambihira’ na inihula sa Isaias 28:21 ay tumutukoy sa pagkapuksa ng mga bansa sa Armagedon. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 295 par. 16; p. 301 par. 28.]
7. Gaya ng ipinakikita ng Mateo 24:38, 39, ang pagpapasasa sa pagkain at pag-inom, kasama ng iba pang mga gawain ng tao, ang naging sanhi upang tangayin ng Delubyo ang mga tao noong kapanahunan ni Noe. [w00 2/15 p. 6 par. 6]
8. Laging ipinagkakaloob ni Jehova ang mga kahilingan ng kaniyang mapagpakumbabang mga lingkod na naglilingkod sa kaniya nang walang pag-iimbot. [w00 3/1 p. 4 par. 3]
9. Ang “mga bansa” na tinutukoy sa Isaias 60:3 ay mga indibiduwal na bansang pulitikal na naakit sa bigay-Diyos na liwanag. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w00 1/1 p. 12 par. 4.]
10. “Pinabanal” ni Jehova si Jeremias bago pa siya ipanganak sa paraang Kaniyang itinakda ang walang-hanggang kahihinatnan ni Jeremias. (Jer. 1:5) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 4/1 p. 10 par. 2.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Sa Eclesiastes 11:1, ano ang kahulugan ng ‘paghahagis ng tinapay’? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w87 9/15 p. 25 par. 11.]
12. Sa Isaias 6:8, sino ang inilakip ni Jehova nang sabihin niyang “amin”? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 93-4 par. 13.]
13. Bilang katuparan ng Isaias 9:2, paanong ang “isang malaking liwanag” ay sumikat sa Galilea? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 126 par. 17.]
14. Ano ang maaaring maging katumbas sa makabagong-panahon ng pagbagsak ng Babilonya noong 539 B.C.E. at ng kaniyang ganap na pagkatiwangwang nang dakong huli? (Isa. 13:19, 20; 14:22, 23) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 188 par. 30-1.]
15. Paano kumilos “ang tapat at maingat na alipin” bilang “tanod” na inilarawan sa Isaias 21:6? (Mat. 24:45) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 221-2 par. 11.]
16. Anong matalinong payo para sa isang kabataang lalaki na naghahanap ng mapapangasawa ang masusumpungan sa Kawikaan 31:10? [w00 2/1 p. 31 par. 1]
17. Sa Isaias 43:9, anong hamon ang iniharap sa mga diyos ng mga bansa? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 2/1 p. 16 par. 3.]
18. Sa anong paraan na ang mga paa ng mga nagpapahayag ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay “pagkaganda-ganda”? (Isa. 52:7) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w97 4/15 p. 27 par. 6.]
19. Ano ang kailangan nating gawin upang hindi tayo malinlang ng ating puso? (Jer. 17:9) [w00 3/1 p. 30 par. 4]
20. Ano ang kailangang gawin niyaong mga ‘lumalakad sa daan ni Jehova’? (Jer. 7:23) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w99 8/15 p. 29 par. 6.]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. “Ang puso ng marunong ay nasa kaniyang kanang kamay” sa diwang ang “kanang kamay” ay kadalasang nagpapakita ng ․․․․․․․․; anupat ito ay nagpapahiwatig na ang kaniyang ․․․․․․․․ ay gumaganyak sa kaniya upang itaguyod ang isang mabuti at kaayaayang landasin. (Ecles. 10:2; Mat. 25:33) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w87 9/15 p. 25 par. 8.]
22. Kabilang sa kapaki-pakinabang na mga leksiyon na itinuturo ng Awit ni Solomon ay ang ․․․․․․․․, ․․․․․․․․, at ․․․․․․․․ sa makadiyos na mga simulain. [si p. 117 par. 16]
23. Ang mananamsam ng mga lunsod ng Juda, na inilarawan sa Isaias 33:1, ay ang ․․․․․․․․, na natalo naman sa dakong huli noong 632 B.C.E., anupat nag-iwan ng maraming samsam para sa mga naninirahan sa ․․․․․․․․, na ‘magtitipon nito gaya ng mga ipis.’ (Isa. 33:4) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 343 par. 4; p. 345 par. 6.]
24. Ang paghahambing ng Isaias 54:1 sa Galacia 4:26, 27 ay nagsisiwalat na ang “babaing baog” ay lumalarawan sa ․․․․․․․․; at ang “babaing may asawang nagmamay-ari,” ay ang ․․․․․․․․. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 8/1 p. 11 par. 8.]
25. Kapag tayo ay nakararanas ng pagtuya at pagtanggi sa ating pangmadlang ministeryo, kailangan nating tandaan na ang gayong pagsalansang ay talagang nakatuon, hindi laban sa ․․․․․․․․, kundi laban kay ․․․․․․․․, ang Pinagmumulan ng ating mensahe. (2 Cor. 4:1, 7) [w00 1/15 p. 21 par. 2]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Nang isinusulat ang hinggil sa kaniyang pangitain sa makalangit na kaluwalhatian ni Jesus, tinukoy ni Pablo ang kaniyang sarili bilang isa na “ipinanganak nang kulang sa buwan,” na nangangahulugang (bago pa lamang siyang inianak sa espiritu; tumanggap siya ng maagang atas bilang apostol sa mga bansa; iyon ay para bang siya’y pinagkalooban ng karangalan bilang ipinanganak, o binuhay-muli, tungo sa espiritung buhay na maaga sa panahon). (1 Cor. 9:1; 15:8) [w00 1/15 p. 29 par. 6]
27. Ang titulong “Walang-hanggang Ama” ay tumutukoy sa kapangyarihan at awtoridad ng Mesiyanikong Hari upang magbigay sa mga tao ng (espirituwal na kalakasan; imortal na buhay sa langit; pag-asa na walang-hanggang buhay sa lupa). (Isa. 9:6; Juan 11:25, 26) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 131 par. 26.]
28. Sa makabagong katuparan ng Isaias 66:7, ang “batang lalaki” na isinilang ay kumakatawan (kay Jesu-Kristo; sa Mesiyanikong Kaharian; sa isang bagong espirituwal na bansa noong 1919). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 1/1 p. 11 par. 3.]
29. Ang maingat na pagbabasa ng Mateo 10:28 ay tumutulong sa atin na makita na ang maapoy na Gehenna ay (isang dako ng may-kamalayang pagpapahirap; kumakatawan sa walang-hanggang pagkapuksa; nangangahulugan ng paghiwalay sa Diyos). [rs p. 188 par. 2]
30. Sa makabagong-panahong katuparan, “ang bansa na ang mga tao roon ay hindi sumunod sa tinig ni Jehova,” na binabanggit sa Jeremias 7:28, ay tumutukoy sa (Babilonyang Dakila; Sangkakristiyanuhan; ikapitong kapangyarihang pandaigdig). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w88 4/1 p. 18 par. 10.]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Kaw. 24:16; Ecles. 3:11; Isa. 40:8; Roma 10:15; 1 Ped. 4:6
31. Sa takdang panahon nito, mahahayag ang wastong dako ng bawat gawa ng Diyos ayon sa kaniyang layunin. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w87 9/15 p. 24 par. 8.]
32. Ang pangangaral ng mabuting balita sa mga patay sa espirituwal ay nagbibigay ng pagkakataon upang sila ay magsisi. [rs p. 222 par. 1]
33. Bagaman ang mga kabiguan sa buhay ay di-maiiwasan, ang makadiyos na indibiduwal ay hindi tumitigil sa pagsisikap na gumawa ng kung ano ang mabuti. [w00 2/1 p. 5 par. 1]
34. Ang salita ng Diyos, o ipinahayag na layunin, ay hindi maaaring mapawalang-bisa o mahadlangan ang katuparan nito. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang ip-1 p. 401-2 par. 10.]
35. Ginamit nang lubusan ng mga apostol ni Jesus ang hula ni Isaias at ikinapit ito sa ministeryo. [si p. 123 par. 37]