Mula sa Aming mga Mambabasa
Ligtas na Pagmamaneho
Kayo ay tiyak na dapat papurihan sa mga artikulong “Ligtas na Pagmamaneho.” (Enero 8, 1988) Bilang isang taong lubhang interesado sa ligtas na pagmamaneho sa loob ng maraming taon, inaakala ko na ang mga bahaging pinamagatang “Ang Iyo bang Sasakyan ay Nararapat-sa-Daan?” “Alamin ang Kalagayan ng Daan,” at “Mga Tip Mula sa mga Eksperto” ay partikular na mahusay ang pagkakaharap at kapaki-pakinabang. Ang inyong mga mambabasa ay baka maging interesado sa tip na ito sa pagmamaneho na natutuhan ko sa aking biyenang lalaki, na nakatulong sa akin sa loob ng maraming taon. Sinabi niya sa akin na tuwing magmamaneho ka, alalahanin mo na ikaw ay magmamaneho ng apat na kotse: ang iyong kotse, ang kotse sa unahan, ang kotse sa likuran, at ang kotse na hindi mo nakikita.”
S. J. D., Estados Unidos
Labis akong nasiyahan sa pagbabasa ng inyong mga artikulo tungkol sa “Ligtas na Pagmamaneho.” Gayunman, ang bagay na ang mga artikulo ay patungkol lamang sa mga kabataan ay medyo gumawa ritong pilipit. Dahil sa nanlalabong paningin at pandinig at sa panghihina ng kanilang reaksiyon, ang mga may edad na ay kalimitang isang malaking panganib sa ibang gumagamit ng daan. Batid ko na kombinyente at mabilis na magtungo sa tindahan na ginagamit ang kotse. Subalit mayroon akong nakikilalang mga may edad na tao na ang pagmamaneho ay napakapeligroso. Sa kadahilanang iyan sana’y mayroon din kayong ilang mataktikang paalaala na patungkol sa mga may edad na tungkol sa responsableng pagmamaneho ngayon.
E. D., Pederal na Republika ng Alemanya
Inaakala namin na ang materyal ay nagbigay ng mabuting payo para sa mga tsuper ng lahat ng gulang, subalit malamang na ang payo laban sa sobrang bilis at pagkaagresibo ay gumawa ritong magtinging para sa mga kabataan lalung-lalo na. Isang artikulo sa “New York Times” na may kinalaman sa problema ng may edad nang mga tsuper ay nagsabi: “Di-tulad ng nakababatang mga tsuper, na ang paglabag sa trapiko ay kadalasang tungkol sa bilis o walang taros na pag-uugali, ang mas nakatatandang mga tsuper ay naaaksidente kapag hindi sila nagbigay-daan sa may karapatan sa daan o hindi sila sumunod sa mga tanda o hudyat ng trapiko, karaniwan na dahil sa humihinang paningin o hindi pagbibigay-pansin.” Ang ikaw ay makapagmaneho ay isang malaking kaalwanan, lalo na sa mga may edad na, subalit nais natin na sila’y dumating ng bahay na ligtas.—ED.
Pamimintas sa Ibang Relihiyon
Ako’y masugid na mambabasa ng Gumising! sa loob ng mga ilang taon na, at inaakala ko na kayo ay nasa tamang daan. Gayunman, nabibigla ako sa inyong walang tigil na pamimintas sa ibang relihiyon, sapagkat kung minsan ito’y parang panlilibak at panlalait, paninirang-puri pa nga. Sa maikli, ito ay hindi pagpapakita ng kabaitan at inililihis kayo sa misyon na sinasabi ninyong inyong tinutupad, na sa aking paniniwala ay ang ihayag ang mabuting balita.
B. P., Pransiya
Mayroon kaming mabait at maibiging interes sa mga tao ng lahat ng relihiyon, ngunit kung ang kanilang relihiyosong mga paniwala at mga gawa ay huwad at hindi sinasang-ayunan ng Diyos, isang pagpapakita ng pag-ibig na itawag-pansin ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalantad sa kasinungalingan. Maliwanag na ipinakita ni Jesus ang kamalian ng relihiyosong mga gawain ng mga eskriba at mga Fariseo noong kaniyang kaarawan, sinasabi na ang kanilang relihiyon ay walang kabuluhan. (Mateo 15:1-14; 23:2-32) Ang Salita ng Diyos ang siyang nagbubunyag at humahatol sa maling relihiyosong mga gawain na isinasagawa sa pangalan niya. Sinusunod namin ang mga yapak ni Jesus sa pamamagitan ng pagtawag-pansin sa kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos, na maaaring maging para sa walang-hanggang pakinabang niyaong mga nakikinig.—ED.