Pagpapagal sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos
1 Ang makabuluhang pagpapagal na nagdudulot ng mabubuting resulta ay kanaisnais. (Ecles. 3:13) Anong gawain na isinasagawa ngayon ang nagdudulot ng pinakamalaking kaligayahan ngayon at sa hinaharap? Iisa lamang ang kasagutan—ang paggawa ng kalooban ng Diyos. Ang mga dahilan para dito ay lubusang susuriin sa pamamagitan ng mga pahayag, mga pagtatanghal, at mga karanasan sa ating pantanging araw ng asamblea para sa taon ng paglilingkod ng 1992. Ang tema ng programa ay “Pagpapagal sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos.”—Efe. 6:6; 1 Tim. 4:10.
2 Marami sa ngayon ang hindi nasisiyahan dahilan sa pagkakaroon ng gawaing hindi kawili-wili. Sa kabaligtaran, ang paggawa ng kalooban ni Jehova bilang pagtulad kay Kristo ay pumupuno sa ating buhay ng layunin at nagpapangyaring maisagawa natin maging ang ating sekular na gawain taglay ang positibong pangmalas. Ano ang nasasangkot sa pagpapagal sa paggawa ng kalooban ng Diyos? May kaugnayan sa ating gawaing pangangaral at pagtuturo, gaanong kahalaga na sundin ang mga direksiyon at mga mungkahing ibinibigay ng organisasyon ni Jehova? Anong bukod-tanging mga pagkakataon ang taglay ng mga kabataang nakatuon sa paggawa ng kalooban ng Diyos?
3 Ang mga katanungang ito ay sasagutin ng programa, lakip na ang dalawang pangunahing pahayag na “Ang Kalooban ba ng Diyos ang Namamayani sa Inyong Buhay” at “Ang Layunin Natin sa Buhay—Ang Paggawa ng Kalooban ng Diyos.” Magplano na ngayon upang makadalo at tamasahin nang lubusan ang pantanging programang ito.