Tanong
◼ Kung ang isang maybahay ay magbibigay ng malaki-laking donasyon, kailangan ba nating bigyan siya ng karagdagang literatura?
Hindi laging kailangan ito. Maaari kayong gumamit ng sariling mabuting pagpapasiya sa bagay na ito, depende sa interes na ipinakita sa literatura. Sa susunod na mga pagdalaw, maaari kayong mag-iwan ng literatura na angkop sa pangangailangan ng maybahay. Kung talagang gusto ng maybahay na magbigay ng karagdagang donasyon, ito ay maaaring buong-lugod na tanggapin at ihulog sa abuluyan ng kongregasyon. Tandaan na ang mga donasyon ay sumusuporta sa iba’t ibang pitak ng ating pambuong-daigdig na gawain, tulad ng programa sa pagtatayo ng mga gusali, pagmimisyonero, at gawain ng espesyal payunir, bukod sa ating paglilimbag ng literatura.