Ano ang Maaari Kong Sabihin Upang Makaantig ng Higit Pang Interes?
1 Ang malaking bahagi ng ating layunin sa pangangaral ng mabuting balita ay upang gumawa ng mga alagad, hindi lamang mag-iwan ng literatura. Kaya, matapos nating masumpungan ang interes, kailangan nating linangin ang mga binhi na naitanim upang matulungan ni Jehova ang indibiduwal na lumaki sa espirituwal. (1 Cor. 3:6) Ano ang maaari ninyong sabihin upang ipagpatuloy ang mga unang presentasyong binalangkas sa itaas? Narito ang ilang mga mungkahi.
2 Paglinang sa Nasumpungang Interes: “Sa maikili nating pag-uusap noon, kayo ay abalang abala, subalit ipinahayag ninyo ang pagkabahala hinggil sa kinabukasan. Gaya ng maaalaala ninyo, ating binasa sa Bibliya ang Apocalipsis 1:3 na ‘ang itinakdang panahon ay malapit na.’ Ito’y may tuwirang kinalaman sa kinabukasan nating lahat. Pansinin kung papaanong sinagot ni Jesus ang tanong ng kaniyang mga alagad kung kailan darating ang katapusan, dito sa Lucas 21:10, 11, 31. Kayo ba’y magiging interesadong malaman pa ang mga hula ng Bibliya na natutupad na? Ang magasing Bantayan ay nag-uulat sa katuparan ng mga hula ng Bibliya at tinutulungan tayong sumubaybay sa mga pangyayari sa daigdig.”
3 Paggamit ng Ibang Publikasyon Upang Mapasimulan ang Pag-aaral sa Bibliya: “Ako’y nagagalak na masumpungan kayo sa tahanan ngayon. Noong huli tayong mag-usap, magkasama nating binasa ang pangako ng Bibliya sa Apocalipsis 1:3. [Basahing muli.] Pansinin na ang kaligayahan na pinag-uusapan ay hindi dumarating nang awtomatiko. Dalawang bagay ang kailangan: Kailangan nating basahin kung ano ang sinasabi ng Bibliya at pagkatapos ay isagawa kung ano ang nasusulat. Ang brochure na ito na ‘Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay’ ay tutulong sa inyong maging kasiyasiya ang pagbabasa ng literaturang iniwan ko sa inyo dahilan sa ipinaliliwanag nito sa payak na paraan kung ano ang mga kahilingan ng Diyos. Sa pahina 30 ay may listahan ng 12 mga katanungang itinatanong ng maraming tao. Alin dito ang nais ninyong masagot?” Pagkatapos tumugon ang maybahay, maaari kayong bumaling sa brochure kung saan sinasagot ang katanungan at pasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.
4 Gamitin ang mga Ilustrasyon Upang Pasiglahin ang Interes: Ang magasing Bantayan ay naglalaman ng maraming matitingkad na ilustrasyon. Ang mga ito’y maaaring itampok upang magpasigla ng interes. Bago gumawa ng pagdalaw-muli, makabubuting repasuhin ang pinakahuling magasin at tingnan kung anong ilustrasyon ang maaaring umantig ng interes, na nagbabangon ng mga katanungan na sasagutin sa susunod na pagkakataon. Ang mga ilustrasyon sa magkabilang panig ng aklat ay maaaring itampok, at gayundin ang mga eksena na naglalarawan sa Paraisong lupa.
5 Sa mga pagdalaw-muli, dapat nating ipagpatuloy ang usapang pinasimulan sa unang pagdalaw. Ang pagbibigay ng maingat na pansin sa bahaging ito ng ating ministeryo ay magdudulot ng mayamang pagpapala mula kay Jehova kapuwa sa atin at doon sa makikinig sa atin.—1 Tim. 4:16.