Tulungan Silang Makaunawa
1 Marami ang nakadarama na ang aklat ng Apocalipsis ay “mahirap unawain.” (2 Ped. 3:16) Gayunpaman, ang kahulugan nito ay niliwanag sa aklat na Apocalipsis. Papaano nating matutulungan ang mga interesado na gamitin itong mabuti?
2 Kung tinalakay ninyo ang Apocalipsis 1:3 sa inyong unang pagdalaw, ang ganitong punto ay maaaring umantig ng panibagong interes:
◼ “Kamakailan ating tinalakay kung papaanong ang pagkaunawa sa aklat ng Apocalipsis ay magdudulot ng kaligayahan. Gayunpaman, upang tamuhin ang gayong kaligayahan kailangan nating pag-aralan ang Bibliya, at kailangan nating isagawa ang ating natutuhan.” Basahin at komentuhan ang Santiago 1:25. Bumaling sa parapo 9 sa pahina 8, at ipakita kung papaanong ang kaunawaan sa aklat ng Apocalipsis ay makatutulong sa atin na tamuhin ang kaligayahan.
3 Kung inyong tinalakay ang Juan 17:3 sa inyong unang pagdalaw, maaari ninyong idiin ang pangangailangang kumuha ng higit na kaalaman sa Bibliya sa pagsasabing:
◼ “Noong huli kong pagparito, nabasa natin sa Juan 17:3 na ang pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos ay maaaring umakay sa buhay na walang-hanggan. Subalit nais ba ninyong mabuhay magpakailanman sa daigdig na ating kinabubuhayan sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Ayaw ng karamihan. Sa kadahilanang ito, maaari tayong magalak kapag ating narinig ang pangako ng Diyos.” Bumaling sa parapo 6 sa pahina 303, basahin at komentuhan ang Apocalipsis 21:4, at pagkatapos ay sabihing kayo’y magbabalik ukol sa higit pang pagtalakay.
4 Kung inyong ginamit ang ilustrasyon sa pahina 302 sa unang pagdalaw, maaari ninyong buksang muli ang aklat sa pahinang iyon at sabihin:
◼ “Ating tinalakay ang mga pagpapalang inilarawan dito na tatamasahin ng mga tao sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos. Ano sa palagay ninyo ang kailangan nating gawin kung nais nating mabuhay sa ilalim ng gayong Kaharian? [Hayaang sumagot.] Ang ilang tao sa kapanahunan ng Bibliya ay nagbigay ng mabuting halimbawa upang ating tularan.” Basahin ang Gawa 17:11, na idiniriin ang pangangailangang ‘suriin ang mga Kasulatan sa araw-araw.’ Ialok ang isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
5 Kung nag-iwan kayo ng tract na “Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?” sa isang abalang maybahay, maaari ninyong sabihin:
◼ “Noong dumalaw ako kamakailan, kayo ay lubhang abala, subalit ako ay nag-iwan sa inyo ng isang tract at ating binasa ang Apocalipsis 21:4, na sinipi dito sa aklat na ito, Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! [Basahin ito mula sa parapo 6 sa pahina 303.] Ang ilustrasyong ito [sa pahina 302] ay nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag ‘pinahid ng Diyos ang lahat ng luha sa ating mga mata.’” Ialok ang aklat.
6 Kung kayo’y nakasumpong ng interes, nanaisin ninyong sa dakong huli ay akayin ang pansin tungo sa aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan at gamitin ito upang pasimulan ang isang pag-aaral. Tiyak na makasusumpong kayo ng malaking kagalakan sa pagtulong sa mga “walang karanasan na makaunawa.”—Awit 119:130.