Sa Panahong Ito ng Memoryal, Tutularan Mo Ba ang Sigasig ni Jehova at ni Jesus?
1. Anong pantanging pagsisikap ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa panahon ng Memoryal?
1 Masigasig si Jehova sa pagsasakatuparan ng kaniyang layunin. Bilang pagtukoy sa ilang pagpapala ng Kaharian ng Diyos, sinasabi ng Isaias 9:7: “Ang mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.” Sa kaniyang ministeryo sa lupa, ang Anak ng Diyos ay nagpakita rin ng matinding sigasig sa tunay na pagsamba. (Juan 2:13-17; 4:34) Taon-taon sa panahon ng Memoryal, milyon-milyong mamamahayag sa buong daigdig ang gumagawa ng pantanging pagsisikap na tularan ang sigasig ni Jehova at ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang ministeryo. Kabilang ka ba sa kanila?
2. Sa anong gawain tayo pasisiglahin ng ating sigasig simula Marso 7?
2 Kampanya Para sa Memoryal: Sa taóng ito, ang kampanya para sa Memoryal ay magsisimula sa Marso 7, araw ng Sabado. Magplano na ngayon para makibahagi nang lubusan sa ministeryo. Mag-uumapaw sa pananabik ang mga kongregasyon habang masigasig silang nakikibahagi sa pagkubre ng kanilang teritoryo. Gamit ang imbitasyon o jw.org, sikaping anyayahan ang inyong mga Bible study, dinadalaw-muli, katrabaho, kamag-anak, at kaeskuwela.
3. Paano natin mapalalawak ang ating ministeryo sa Marso at Abril?
3 Auxiliary Pioneer: Pasisiglahin din tayo ng sigasig na palawakin ang ating ministeryo. Tiyak na maraming mag-o-auxiliary pioneer sa Marso at Abril dahil may opsyon tayong piliin ang 30-oras na kahilingan. Sa inyong pampamilyang pagsamba o personal na pag-aaral, pag-isipan itong mabuti at ipanalangin. (Kaw. 15:22) Ang iyong pananabik sa kampanyang ito ay makapagpapasigla rin sa iba na makibahagi rito. Kung gagawa ka ng personal na mga pagbabago para makagawa pa nang higit, matutularan mo ang sigasig ni Jesus.—Mar. 6:31-34.
4. Ano ang magandang idudulot ng pagtulad natin sa sigasig ni Jehova at ni Jesus?
4 Magdudulot ng maraming gantimpala ang pagtulad natin sa sigasig ni Jehova at ni Jesus sa panahong ito ng Memoryal. Marami pa ang mabibigyan ng patotoo sa ating teritoryo. Makadarama tayo ng kagalakan at kasiyahan sa paglilingkod kay Jehova at sa pagbibigay sa iba. (Gawa 20:35) Higit sa lahat, mapalulugdan natin ang ating masigasig na Diyos at ang kaniyang Anak.