Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Sa pasimula ay umiral ang Salita,+ at ang Salita ay kasama ng Diyos,+ at ang Salita ay isang diyos.*+

  • Juan 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Nang pasimula+ ay ang Salita,+ at ang Salita ay kasama ng Diyos,+ at ang Salita ay isang diyos.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:1

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 160

      Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya, artikulo 12

      Kaunawaan, p. 132, 1055-1056, 1198-1199, 1200-1201

      Itinuturo ng Bibliya, p. 202-203

      Ang Bantayan,

      4/1/2009, p. 18-19

      11/1/2008, p. 24-25

      8/1/1999, p. 10

      10/15/1993, p. 28

      4/1/1993, p. 11

      11/1/1991, p. 23

      3/1/1991, p. 28

      5/1/1990, p. 30

      6/1/1988, p. 16-19

      2/1/1987, p. 31

      7/1/1986, p. 31

      Gumising!,

      4/22/2005, p. 8-9

      Mabuhay Magpakailanman, p. 40

      Nangangatuwiran, p. 201-202, 423-424

      Trinidad, p. 26-28

  • 1. Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Sa simula pa lang, ang Salita ay kasama na ng Diyos at isa siyang diyos (gnj 1 00:00–00:43)

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:1

      pasimula: Sa Kasulatan, ang kahulugan ng terminong “pasimula” ay nakadepende sa konteksto. Ang salitang Griego dito na ar·kheʹ ay imposibleng tumukoy sa “pasimula” ng Diyos na Maylalang, dahil wala siyang pasimula. (Aw 90:2) Kaya tiyak na tumutukoy ito sa panahon nang magsimulang lumalang ang Diyos. Ang unang nilalang ng Diyos ay tinawag na Salita, ang titulo ni Jesus mula noong nasa langit pa siya. (Ju 1:14-17) Kaya si Jesus lang ang karapat-dapat tawaging “panganay sa lahat ng nilalang.” (Col 1:15) Siya ang “pasimula ng paglalang ng Diyos” (Apo 3:14), kaya umiiral na siya bago pa lalangin ang ibang espiritung nilalang at ang pisikal na uniberso. Sa katunayan, sa pamamagitan ni Jesus, “nilalang ang lahat ng iba pang bagay sa langit at sa lupa.”​—Col 1:16; para sa iba pang paggamit ng terminong “pasimula,” tingnan ang study note sa Ju 6:64.

      ang Salita: O “ang Logos.” Sa Griego, ho loʹgos. Ginamit ito bilang titulo sa tekstong ito, sa Ju 1:14, at sa Apo 19:13. Sinabi ni Juan kung kanino tumutukoy ang titulong ito, kay Jesus. Titulo ito ni Jesus noong espiritung nilalang pa siya bago bumaba sa lupa, noong ministeryo niya sa lupa bilang perpektong tao, at pagkatapos niyang bumalik sa langit. Si Jesus ang Salita, o Tagapagsalita, ng Diyos na naghahatid ng impormasyon at tagubilin sa iba pang espiritung anak ng Maylalang at sa mga tao. Kaya makatuwiran lang isipin na bago bumaba si Jesus sa lupa, maraming beses na nakipag-usap si Jehova sa mga tao sa pamamagitan ng Salita, ang anghel na tagapagsalita Niya.​—Gen 16:7-11; 22:11; 31:11; Exo 3:2-5; Huk 2:1-4; 6:11, 12; 13:3.

      kasama ng Diyos: Lit., “nakaharap sa Diyos.” Sa kontekstong ito, ang Griegong pang-ukol na pros ay nagpapakita ng pagiging malapit sa isa’t isa at ng pagkakaibigan. Ipinapahiwatig din nito na magkaibang indibidwal ang tinutukoy sa tekstong ito, ang Salita at ang tanging tunay na Diyos.

      ang Salita ay isang diyos: O “ang Salita ay maladiyos [o, “tulad-diyos”].” Inilalarawan dito ni Juan ang isang katangian ni Jesu-Kristo, ang “Salita” (sa Griego, ho loʹgos; tingnan ang study note sa ang Salita sa talatang ito). Dahil sa mataas na posisyon ng Salita bilang panganay na Anak ng Diyos na ginamit ng Diyos sa paglalang ng lahat ng iba pang bagay, angkop lang na ilarawan siya bilang “diyos; maladiyos; tulad-diyos.” Isinalin ito ng maraming tagapagsalin na “ang Salita ay Diyos,” na para bang siya rin ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Pero may makatuwirang mga dahilan para isiping hindi sinasabi ni Juan na “ang Salita” at ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat ay iisa. Una, malinaw na sinasabi sa nauna at kasunod na sugnay na “ang Salita” ay “kasama ng Diyos.” Isa pa, ang salitang Griego na the·osʹ ay lumitaw nang tatlong beses sa talata 1 at 2. Sa una at ikatlong paglitaw, ang the·osʹ ay may kasamang tiyak na Griegong pantukoy; pero walang pantukoy sa ikalawang paglitaw nito. Naniniwala ang maraming iskolar na mahalagang pag-isipan ang kawalan ng tiyak na pantukoy bago ang ikalawang paglitaw ng the·osʹ. Sa kontekstong ito, kapag may pantukoy, ang the·osʹ ay tumutukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Kapag wala namang pantukoy, batay sa gramatika, ang the·osʹ ay tumutukoy sa katangian ng “Salita.” Kaya gaya sa Bagong Sanlibutang Salin, makikita sa maraming salin ng Bibliya sa English, French, at German na ang “Salita” ay “isang diyos; maladiyos; tulad-diyos.” Gayundin, sa mga sinaunang salin ng Ebanghelyo ni Juan sa diyalektong Sahidic at Bohairic ng wikang Coptic, na posibleng ginawa noong ikatlo at ikaapat na siglo C.E., magkaiba ang pagkakasalin sa una at ikalawang paglitaw ng the·osʹ sa Ju 1:1. Sa mga saling ito, itinatampok ang katangian ng “Salita,” na gaya siya ng Diyos, pero hindi nito ipinapakita na kapantay siya ng kaniyang Ama, ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Kaayon ng talatang ito, sinasabi ng Col 2:9 na “nasa kaniya [kay Kristo] ang lahat ng katangian ng Diyos.” At ayon sa 2Pe 1:4, ang mga kasamang tagapagmana ni Kristo ay ‘magkakaroon din ng mga katangiang gaya ng sa Diyos.’ Isa pa, sa salin ng Septuagint, ang salitang Griego na the·osʹ ang karaniwang ipinanunumbas sa mga salitang Hebreo na isinasaling “Diyos”​—ang ʼel at ʼelo·himʹ—na sinasabing pangunahin nang nangangahulugang “Makapangyarihan; Malakas.” Ang mga salitang Hebreong ito ay ginagamit para tumukoy sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, sa ibang diyos, at sa mga tao. (Tingnan ang study note sa Ju 10:34.) Ang pagtawag sa Salita na “diyos,” o “makapangyarihan,” ay kaayon ng hula sa Isa 9:6, na nagsasabing ang Mesiyas ay tatawaging “Makapangyarihang Diyos” (hindi “Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat”) at siya ang magiging “Walang-Hanggang Ama” ng lahat ng magiging sakop niya. Mangyayari ito dahil sa sigasig ng Ama niya, si “Jehova ng mga hukbo.”​—Isa 9:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share