Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 9-15
  • Linggo ng Nobyembre 16-22
  • Linggo ng Nobyembre 23-29
  • Linggo ng Nob. 30–Dis. 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 11/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Linggo ng Nobyembre 9-15

Awit 92

10 min: Lokal na mga patalastas, piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, at mga tampok na bahagi mula sa Teokratikong mga Balita. Repasuhin ang mga namumukod-tanging artikulo mula sa bagong mga magasin; magkaroon ng isa o dalawang maikling demonstrasyon upang ipakita kung papaano iaalok ang mga ito pagkatapos ng maka-Kasulatang pagtalakay. Himukin ang lahat na palakihin ang kanilang bahagi sa paglilingkod sa larangan sa Nobyembre, na kung maaari ay makisama sa mga mag-aauxiliary payunir sa buwang ito.

20 min: “Ang Pangangailangan na Hanapin ng Tao ang Diyos.” Tanong-sagot. Magpasigla para sa ating gawain sa larangan sa buwang ito. Ipakita kung papaanong ang publikasyon ay makatutulong sa mga tao na may iba’t ibang relihiyon sa ating teritoryo. Repasuhin ang mga mungkahing presentasyon sa Oktubre ng Ating Ministeryo sa Kaharian at isaayos ang maikling demonstrasyon sa isa sa mga ito sa pamamagitan ng may karanasang mamamahayag o payunir.

15 min: Pahayag ng kuwalipikadong matanda sa artikulong “Kinuwenta Mo na ba ang Halaga?” sa Agosto 15, 1992 isyu ng Bantayan, pahina 26-9. Gamitin ang mga halimbawa sa artikulo upang ipakita kung gaano kahalaga na maingat na isaalang-alang kung papaano maaapektuhan ang espirituwalidad bago tanggapin ang isang sekular na trabaho o maglakbay sa ibang bansa. Dapat na ipagunita ng matanda sa mga kapatid ang sulat ng Samahan sa lahat ng kongregasyon na may petsang Agosto 1, 1992 hinggil sa panganib na tanggapin ang trabaho sa ibang bansa nang hindi maingat na isinasaalang-alang ang mga maaaring mangyari.

Awit 63 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 16-22

Awit 77

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang buwanang ulat sa kuwenta; magbigay ng komendasyon salig sa 2 Corinto 9:6, 7. Anyayahan ang mga naghandang mamamahayag upang ilahad ang mga namumukod-tanging karanasan sa pag-aalok ng aklat na Paghahanap sa Diyos sa buwang ito.

20 min: “Pagbabalik Taglay ang Tunguhing Magpasimula ng Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot at mga pagtatanghal. Itanghal ang iminungkahing pagtalakay sa Bibliya sa parapo 3. Gamitin ang parapo 17-20 sa pahina 372-5 ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos bilang saligan sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Ipaliwanag na ang isang pag-aaral ay maaaring pasimulan sa alinmang kabanata, hindi lagi sa umpisa ng aklat, depende sa interes ng maybahay.

15 min: “Matuto ng Pagsunod sa Pamamagitan ng Pagtanggap ng Disiplina.” Pahayag ng isang magulang sa artikulong nasa Oktubre 1, 1992 isyu ng Ang Bantayan. Ipakita ang kahalagahan ng disiplina sa paghubog sa personalidad ng bata upang mailatag ang isang mabuting pundasyon para sa buhay bilang isang maygulang. Ipakita kung ano ang maaaring mangyari kung kulang ang disiplina sa isang sambahayan.

Awit 88 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 23-29

Awit 164

5 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na isaalang-alang ang pagiging auxiliary payunir sa Disyembre, na nagpapasok ng kanilang aplikasyon karakaraka. Sa pamamagitan ng maingat sa pagpaplano, marami ang maaaring makaabot sa kahilingan sa kanila na 60-oras bago magpasimula ang mga pandistritong kombensiyon.

20 min: “Tulungan ang mga Anak na Maglingkod kay Jehova Mula sa Puso.” Tanong-sagot. Idiin ang pangangailangang tuparin ng mga magulang ang kanilang pananagutang maglaan ng halimbawa at sanayin ang kanilang mga anak nang personal sa ministeryo. Anyayahan ang isa o dalawang magulang na maglahad kung ano ang kanilang ginawa na nagdulot ng mabubuting resulta. Itanghal ng magulang kung papaano niya tinulungan ang anak na maghanda ng isang paksa sa Bibliya para gamitin sa ministeryo sa bahay-bahay. Tapusin ito sa pamamagitan ng pagtatanghal kung papaano ginagamit ng isang kabataan ang isa sa iminungkahing pagtalakay.

10 min: “Tanong.” Talakayin sa tagapakinig. Idiin kung bakit mahalaga para sa mga anak na magkaroon ng mabuting reputasyon dahilan sa mabuting paggawi at taimtim na pagnanais na makibahagi sa ministeryo sa larangan upang maging kuwalipikado sa pagiging di bautisadong mamamahayag.

10 min: Mga Kapahayagan Mula sa mga Kabataang Mamamahayag. Anyayahan ang ilang naghandang mga kabataan na magpaliwanag kung papaano sila naging kuwalipikado sa pagiging di bautisadong mamamahayag at kung bakit nasisiyahan sila sa paglilingkod sa larangan at nagnanais na magkaroon ng mas malaking bahagi dito. Ang mga kakapanayamin ay dapat na magbigay ng kanilang sariling positibong mga kapahayagan at hindi lamang basta pag-uulit sa mga salitang sinabi sa kanila.

Awit 221 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nob. 30–Dis. 6

Awit 46

10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na magkaroon ng mabuting pasimula sa paglilingkod sa larangan sa Disyembre, lalo na yaong mga auxiliary payunir. Ipagunita rin sa lahat na kung sila’y mawawala sa kongregasyon sa katapusan ng buwan dahilan sa mga pandistritong kombensiyon, dapat nilang ipasok ang kanilang ulat bago sila umalis upang maisama ito sa ulat ng kongregasyon sa buwang iyon.

20 min: “Dalubhasang Paggamit sa Salita ng Katotohanan.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Itampok ang pangangailangang gamitin ang Bibliya sa mga pintuan. Pagkatapos na talakayin ang parapo 5, itanghal ang mungkahing presentasyon. Gayundin, itanghal sa maikli kung papaano iaalok ang Bibliya pagkatapos na gamitin ang teksto sa Kawikaan 2:6, 7. Ipakita na kung minsan ay nanaisin ng mamamahayag na mag-alok lamang ng aklat na Salita ng Diyos sa mga indibiduwal na ayaw ng iba pang Bibliya.

15 min: “Ang New World Translation—Pantas at Tapat.” Pagtalakay sa artikulo na lumitaw sa Marso 1, 1991 isyu ng Ang Bantayan. Itampok ang mga punto na maaaring magamit sa paghaharap ng Bibliya sa paglilingkod sa Disyembre. Para sa karagdagang mga punto, repasuhin ang mga tampok na bahagi sa materyal na “New World Translation” sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 254-7 (276-9 sa Ingles).

Awit 111 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share