Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Oktubre 4-10
  • Linggo ng Oktubre 11-17
  • Linggo ng Oktubre 18-24
  • Linggo ng Oktubre 25-31
  • Linggo ng Nobyembre 1-7
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 10/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Oktubre

Linggo ng Oktubre 4-10

Awit 164

10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Ano ang Ating Isasakatuparan sa Taóng Ito ng Paglilingkod?” Pahayag kasama ang pagtalakay sa mga tagapakinig. Gagampanan ng punong tagapangasiwa. Repasuhin ang nakaraang taon ng paglilingkod ng kongregasyon at pasiglahin ang lahat na gumawa ng mga plano para sa pinasulong na gawain sa 1994 taon ng paglilingkod.

20 min: “Gamiting Mabuti ang mga Magasin.” Tanong-sagot na pagtalakay. Maging positibo sa pagpapasigla sa mga kapatid na ialok ang suskrisyon para sa Gumising! Kung hindi makakuha ng suskrisyon subalit ang tao ay may ipinakikitang interes, pasiglahin ang mga kapatid na pasimulan ang ruta ng magasin: mag-ingat ng isang mabuting house-to-house record; antigin ang interes sa sumusunod na mga isyu sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga artikulo sa hinaharap; magbangon ng mga katanungan na sinasagot ng mga artikulo; at pagkatapos ay tiyaking magbalik taglay ang susunod na mga isyu.

Awit 108 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 11-17

Awit 112

10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kuwenta at tugon sa mga donasyon. Papurihan ang kongregasyon sa pinansiyal na tulong sa lokal na kongregasyon at sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan.

15 min: Patibayin ang Inyong mga Anak sa Paaralan. Pahayag na may pakikipanayam at pagtatanghal. Ang mga Kristiyanong kabataan sa ngayon ay napapaharap sa mga isyu na hindi man lamang naiisip ng marami sa kongregasyon. Ang mga magulang ang dapat makaalam nang lubos sa mga hamong ito upang mapatibay ang kanilang mga anak na mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa katapatan. Kapanayamin ang tatlong kabataan na may iba’t ibang edad. Ano ang ilan sa espesipikong panggigipit sa paaralan na kailangan nilang pakitunguhan sa araw-araw? Ano ang tumutulong sa kanila na mapanatili ang kanilang mabuting kaugnayan kay Jehova? Isaayos ang pagtatanghal ng isang pamilya na magkakasamang nagsasaalang-alang ng mga parapo 2 at 3 sa pahina 11 ng School brochure. Sinabi ng mga anak na sila’y tinutuya at nakadaramang sila’y nilalayuan dahilan sa pagtataguyod ng matataas na mga simulain ng Bibliya sa moralidad. Pinatibay ng ulo ng pamilya ang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing kaniyang ikinagagalak ang kanilang halimbawa at ipinagunita sa kanila na si Jehova ay lubusang nalulugod sa kanilang paggawi. (Kaw. 27:11) Ang kapatid na gumaganap ng bahagi ay magtatapos sa pamamagitan ng pagpuri sa mga kabataan sa kongregasyon dahilan sa kanilang mabubuting gawa at pagpapayo sa kanilang makipag-usap sa kanilang mga magulang upang sila’y mapatibay sa espirituwal sa buong taon ng pag-aaral.

15 min: “Pag-aralan ang mga Aklat na Mabuhay Magpakailanman at Nagkakaisa sa Pagsamba.” Pagkatapos na repasuhin ang artikulo sa tagapakinig, hayaang itanghal ng naghandang mabuting mamamahayag kung papaano ililipat ang pag-aaral mula sa aklat na Pinakadakilang Tao tungo sa aklat na Mabuhay Magpakailanman.

Awit 17 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 18-24

Awit 100

10 min: Lokal na mga patalastas. Itampok ang mga artikulo sa kasalukuyang mga magasin na maaaring gamitin sa linggong ito ng paglilingkod sa larangan.

20 min: “Pakikinabang Nang Lubusan Mula sa 1993 ‘Banal na Pagtuturo’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi 1. Pagtalakay sa tagapakinig ng mga parapo 1-15. Dapat na talakayin ng mga mamamahayag ang angkop na mga punto sa kanilang mga tinuturuan sa Bibliya na inanyayahang dumalo sa kombensiyon.

15 min: “Pagpapasimula ng mga Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot. Pagkatapos ng parapo 4, iharap ang isang masiglang pagtatanghal hinggil sa isang pagdalaw muli na ang ginagamit ay Bibliya lamang, subalit salig sa mga bahagi ng aklat na Mabuhay Magpakailanman o Nangangatuwiran, gaya ng iminungkahi.

Awit 84 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 25-31

Awit 109

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

20 min: “Pakikinabang Nang Lubusan Mula sa 1993 ‘Banal na Pagtuturo’ na Pandistritong Kombensiyon”—Bahagi 2. Pagtalakay sa tagapakinig ng mga parapo 16-18 at maingat na pagrerepaso sa “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon” habang ipinahihintulot ng panahon. Ilakip ang mga angkop na paalaala salig sa impormasyon sa Bantayan ng Hunyo 15, 1989, mga pahina 10-20, o pasiglahin ang mga grupo ng pamilya na repasuhin ang mga punto sa mga artikulong ito bago dumalo ng kombensiyon.

15 min: “Tulungan ang Tulad-Tupang mga Tao na Magtayo sa Isang Matatag na Pundasyon.” Talakayin sa tagapakinig. Itampok ang pangangailangan na maghanda para sa bawat pagdalaw muli. Isaayos na maitanghal ng kuwalipikadong mamamahayag ang paggawa ng isang pagdalaw muli sa tao na dati nang mayroong aklat na Mabuhay Magpakailanman, na ginagamit ang impormasyon mula sa alinman sa parapo 3 o 5.

Awit 21 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 1-7

Awit 6

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Hayaang Makinabang ang Iba sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Magasin.” Pahayag na may pagtatanghal. Itampok ang kahalagahan ng lubusang paggamit ng kapuwa bago at matatandang isyu ng magasin. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal, ang isa ay nagtatampok ng bagong magasin at ang isa ay nagpapakita kung papaano gagamitin ang matandang isyu upang matugunan ang espesipikong pangangailangan ng maybahay.

20 min: Nasaan ang Ating Namatay na mga Minamahal? Pagtalakay ng pamilya. Ginagamit ang materyal mula sa mga pahina 98-100 ng aklat na Nangangatuwiran, tinalakay ng ulo ng pamilya ang pagkamatay ng isang malapit sa pamilya. Binigyan niya ng matamang pansin ang pagtulong sa kaniyang mga anak na maunawaan ang pangmalas ng Bibliya. Siya’y nagtanong upang makatiyak na nauunawaan nila kung ano ang kamatayan at sila’y maliwanag na nagpahayag ng kanilang mga sarili ayon sa kanilang edad. Gayundin, ipakita sa kanila kung papaano nila magagamit ang aklat na Nangangatuwiran upang aliwin ang iba.

Awit 15 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share