Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 8-14
  • Linggo ng Nobyembre 15-21
  • Linggo ng Nobyembre 22-28
  • Linggo ng Nob. 29–Dis. 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 11/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Linggo ng Nobyembre 8-14

Awit 225

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magbigay ng mga mungkahi kung papaano gagamitin ang mga kasalukuyang labas ng magasin sa lokal na teritoryo. Idiin ang kahalagahan ng pagdalaw muli sa lahat ng mga napaglagyan ng magasin sa layuning makapagpasimula ng mga ruta ng magasin. Kapag talagang interesado ang maybahay, maaaring ialok ang suskrisyon.

15 min: “Pagtulong sa Iba na Makilala ang Isang Dakilang Kayamanan.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Himukin ang lahat na masiglang ialok ang aklat na Mabuhay Magpakailanman sa Nobyembre at pagsikapang makapagsimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Pag-usapan ang iba’t ibang paglapit na iminungkahi sa artikulo. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, magkaroon ng pagtatanghal na iniaalok ng mamamahayag ang aklat na Mabuhay Magpakailanman sa isang magulang na ginagamit ang mungkahing presentasyon.

20 min: “Iginagalang ba Ninyo ang Dako ng Inyong Pagsamba?” Pahayag ng matanda salig sa artikulo ng Hunyo 15, 1993, Bantayan. Ikapit ang impormasyon sa lokal na mga kalagayan. Kung may partikular na problema na kailangang harapin, mataktikang magbigay ng angkop na payo.

Awit 42 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 15-21

Awit 4

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Basahin ang mga tugon sa kontribusyon, at papurihan ang kongregasyon sa bukas-palad na pagtangkilik sa pambuong daigdig na gawain at sa pagsuporta sa materyal na pangangailangan ng lokal na kongregasyon. Repasuhin sa maikli ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa sanlinggo, at ipahayag ang pagpapahalaga sa masigasig na pagtangkilik ng mga mamamahayag.

15 min: “Maging Isang Auxiliary Payunir sa Disyembre.” Madamdamin at masiglang saklawin ang materyal sa pamamagitan ng tanong-sagot. Ipahayag ang lokal na mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at mga pantanging kaayusan na isasagawa para sa panggrupong pagpapatotoo sa Disyembre. Kapanayamin ang ilang nag-auxiliary payunir nang nakaraan at nagpaplanong muling gawin iyon sa Disyembre. Hilinging itaas ang kamay ng mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa susunod na buwan. Ito’y maaaring magpasigla sa iba na gumawa rin ng gayon.

20 min: “Ang Banal na Pagtuturo ay Nagtataglay ng Makapangyarihang Impluwensiya.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Basahin ang mga parapo at ang mga binanggit na teksto habang ipinahihintulot ng panahon. Hayaang may magbigay ng maiikling komento na nagpapahayag ng personal na pagpapahalaga sa mga kapakinabangang tinanggap sa pagdalo sa mga kombensiyon, mga pansirkitong asamblea, at mga pantanging araw ng asamblea, na marahil ay kinakapanayam ang ilan sa kongregasyon na ang buhay ay lubusang naimpluwensiyahan ng banal na pagtuturo.

Awit 44 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 22-28

Awit 65

5 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ipagunita sa mga nagbabalak mag-auxiliary payunir sa Disyembre na dapat nilang ibigay ang kanilang aplikasyon sa linggong ito bago matapos ang Nobyembre.

15 min: “Maging Buong-Kaluluwa sa Inyong Paglilingkod.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 2, gumawa ng angkop na mga komento sa reperensiyang mula sa Disyembre 1, 1992 Bantayan, na nagbibigay ng karagdagang paliwanag hinggil sa kahulugan ng ikapu para sa atin ngayon. Basahin at ikapit ang Malakias 3:10 sa pagtatapos.

15 min: “May Kagalakang Bumalik Upang Tulungan ang mga Interesado.” Pagtalakay sa tagapakinig at mga pagtatanghal. Idiin ang pangangailangang mag-ingat ng mabuting rekord ng mga nasumpungang interes. Sa mga parapo 3-5, isaayos ang dalawang pagtatanghal. Dapat na iayon ito sa lokal na mga kalagayan at iangkop doon kung kinakailangan.

10 min: Lokal na pangangailangan o masiglang pahayag sa “Ang Sinaunang mga Kristiyano at ang Sanlibutan,” salig sa unang artikulo ng Hulyo 1, 1993, isyu ng Ang Bantayan. Itampok ang pangangailangan para sa atin ngayon na tularan ang halimbawa ng sinaunang mga Kristiyano.

Awit 60 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nob. 29–Dis. 5

Awit 75

10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang mga kaayusan ng paglilingkod sa larangan para sa sanlinggo, at itawag-pansin ang mga punto sa kasalukuyang labas ng magasin na maaaring gamitin ng mga mamamahayag sa paglilingkod sa larangan sa dumarating na mga araw. Kung ipinahihintulot ng panahon, itanghal sa maikli ang isa o dalawang presentasyon na magiging angkop sa lokal na teritoryo. Magbigay ng kinakailangang paalaala upang balikan ang lahat ng nagpamalas ng interes.

15 min: Pagtatampok ng New World Translation at Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa Disyembre. Pahayag at pagtatanghal. Repasuhin ang mga tampok na bahagi ng materyal sa “New World Translation” sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 254-7 (276-9 sa Ingles). Pagkatapos ay itanghal kung papaanong ang ikalawang mungkahi sa pahina 10 ng aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng “Bibliya/Diyos” ay maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa maybahay sa Disyembre.

20 min: “Pagdaraos ng Isang Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Iharap ang ininsayong mabuti na pagtatanghal ng isang mamamahayag na tumutulong sa estudyante na maunawaan kung papaanong ang binanggit na kasulatan ay umaalalay sa impormasyong isinasaalang-alang sa parapo. Sa pagtatanghal ding ito gumagamit ang mamamahayag ng karagdagang mga tanong upang tulungan ang estudyante na sumakaniya ang katotohanan. Gamitin ang piniling bahagi sa aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba o Mabuhay Magpakailanman.

Awit 78 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share