Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/96 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 4-10
  • Linggo ng Marso 11-17
  • Linggo ng Marso 18-24
  • Linggo ng Marso 25-31
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 3/96 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Linggo ng Marso 4-10

Awit 1

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Pagpalain si Jehova ‘Buong Araw.’” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo 2-5. Magpasigla para sa gawaing regular at auxiliary pioneer.

20 min: “Pag-aalok ng Aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.” Repasuhin ang mga mungkahing presentasyon. Magkaroon ng isa o dalawang demonstrasyon.

Awit 78 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 11-17

Awit 164

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

20 min: “Makinabang Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1996—Bahagi 3.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Ipaliwanag ang alituntunin sa pagbigkas ng mga pangalan sa Bibliya, gaya ng masusumpungan sa aklat na “Lahat ng Kasulatan,” mga pahina 325-6, mga parapo 27-8.

15 min: Gawin ang mga Bagay na Magkakasama Bilang Isang Pamilya. Ang ama ay nakikipag-usap sa kaniyang pamilya hinggil sa pangangailangan na maging magkakasama, salig sa Setyembre 1, 1993, Bantayan, mga pahina 16-19. Idiin ang pampamilyang pag-aaral at ang gawaing pag-eebanghelyo. Ipakita kung papaanong ang makabagong mga pamilya ay gumuguho dahilan sa kakaunting panahon ang ginugugol na magkakasama at sa kawalan ng nagkakaisang interes. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos at pakikibahagi na magkakasama sa ministeryo ay isang pagpapala sa Kristiyanong pamilya. Ang pamilya ay magkakaisa at mapatitibay upang makayanan ang lumalagong panggigipit tungo sa pagiging makasanlibutan.

Awit 211 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 18-24

Awit 6

10 min: Lokal na mga patalastas. Dapat pasiglahin ng mga nagdaraos ng pag-aaral ang sumusulong na mga baguhan na maging di bautisadong mga mamamahayag. Repasuhin ang kaayusan sa Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, mga pahina 97-100.

15 min: Repasuhin ang Tampok na mga Bahagi ng 1996 Yearbook of Jehovah’s Witnesses. Tatalakayin ng grupo ng pamilya ang ilang kapana-panabik na bahagi hinggil sa ating pambuong daigdig na gawain na sinasaklaw sa mga pahina 3-5 at 33. Sila’y sumang-ayon na sisikapin nila na sa bawat araw ay samasama nilang babasahin ang ilang pahina ng Yearbook pagkatapos na isaalang-alang nila ang teksto sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw.

20 min: “Tulungan ang Iba na Magtamo ng Kaalaman na Umaakay sa Buhay.” Repasuhin ang mungkahing mga presentasyon at magkaroon ng isa o dalawang demonstrasyon.

Awit 130 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 25-31

Awit 5

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Mga Paalaala sa Memoryal.” Ipaliwanag kung bakit mahalaga na dumalo. (Tingnan ang Agosto 15, 1985, Bantayan, mga pahina 18-20 [Pebrero 15, 1985 sa Ingles].) Repasuhin ang mga plano sa pagtulong sa mga may edad, mga masakitin, at mga baguhan upang maging presente. Talakayin ang mga kaayusan para sa pinalawak na gawain sa paglilingkod sa larangan sa susunod na linggo. Gayundin, repasuhin ang artikulong, “Kung Saan Ipinakikita ang Pagkamapagpatuloy sa mga Estranghero,” sa pahina 32 ng Setyembre 22, 1995, isyu ng Gumising!

15 min: “Tanong.” Pahayag ng isang matanda. Talakayin ang mga dahilan upang maging bukas-palad gaya ng binalangkas sa Enero 15, 1992, Bantayan, mga pahina 16-17.

15 min: “Paghahanda—Susi sa Tagumpay.” Tanong-sagot. Banggitin na ating iaalok Ang Bantayan at Gumising! sa Abril at Mayo. Maghanda na ngayon sa pamamagitan ng pagpidido ng ekstrang mga kopya, pagkuha ng mga subscription slip, at paggawa ng mga plano upang suportahan ang pantanging gawain sa Araw ng Magasin.

Awit 7 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share