Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
PANSININ: Pasimula sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ang Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod ay maglalakip ng balangkas para sa unang Pulong sa Paglilingkod ng susunod na buwan. Isinagawa ang pagbabagong ito upang mapagtakpan ang posibleng pagkaantala ng pagdating ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa mga kongregasyon. Gayundin, nagsaayos kami ng pulong sa paglilingkod para sa bawat linggo sa panahon ng kombensiyon, kaya ang mga kongregasyon ay kailangang gumawa ng lokal na pagbabago upang makadalo sa “Makahulang Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon at pagkatapos para sa 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi ng programa sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ang bawat araw na pagrerepaso ng programa sa kombensiyon ay dapat na iatas nang patiuna sa tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki, na magtutuon ng pansin sa litaw na mga punto na natutuhan sa kombensiyon.
Linggo ng Disyembre 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Tularan ang Di-pagtatangi ni Jehova.” Tanong at sagot. Ipaliwanag ang kahulugan ng di-pagtatangi, kung paano ito ipinamamalas ni Jehova, at kung paano natin ito ipakikita sa ating ministeryo.—Tingnan ang Insight, Tomo 1, pahina 1192, parapo 4-7.
20 min: “Hindi ba’t Narinig na Natin Iyan Noon?” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paanong ang pag-uulit ay nakatulong sa kanila na higit pang maunawaan at mapahalagahang lubos ang katotohanan.—Tingnan Ang Bantayan, Hulyo 15, 1995, pahina 21-2, at Agosto 15, 1993, pahina 13-14, parapo 10-12.
Awit 218 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 13
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Magbigay ng mungkahi kung paano mataktikang tutugunin ang mga pagbati ng kapistahan. Kung ang kongregasyon ay may mga aklat na Pinakadakilang Tao o Dakilang Guro sa kanilang istak, ipakita kung paano sasamantalahin ang paggamit sa mga ito sa ministeryo sa panahon ng kapistahan ng Pasko.
15 min: “Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 2000.” Pahayag ng tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Repasuhin ang sumusunod na pagbabago sa iskedyul para sa bagong taon. Ang Atas Blg. 3 ay ibabatay sa “Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan” gaya ng masusumpungan sa New World Translation o sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre. Ang Atas Blg. 4 ay patuloy na sasaklaw sa mga tauhan sa Bibliya mula sa Insight on the Scriptures at sa huling tatlong buwan ng taon ay ibabatay sa “Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan.” Kung saan lumilitaw ang marka para sa numero (#) kasunod ng atas na ito, mas pipiliin ang isang kapatid na lalaki upang humawak nito.
20 min: “Ano ang Sasabihin Ninyo sa Isang Ateista?” Tanong at sagot. Magkaroon ng isa o dalawang maikling pagtatanghal. Para sa higit na impormasyon, tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 126-33 (p. 145-51 sa Ingles), at Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, kabanata 14.
Awit 220 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 20
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Pagtugon sa Posibleng mga Pagtutol. Pagtalakay sa mga tagapakinig at mga pagtatanghal. Basahin ang “Mga Komento” sa pahina 15 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 15-16 sa Ingles). Pumili ng dalawa o tatlong “pagtutol” sa pahina 16-20, o gumamit ng iba pa na madalas na nararanasan sa inyong teritoryo. Itanghal sa maikli ang ilan sa mga ito. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang kanilang ginamit na mga pagtugon na may mabubuting resulta.
20 min: Dapat ba Akong Tumanggap ng Trabaho na Nagsasangkot sa Isang Relihiyosong Organisasyon? Pahayag ng isang matanda, salig sa Abril 15, 1999, ng Bantayan, pahina 28-30. Ang ilang indibiduwal ay tumanggap ng gayong trabaho at nabatid nang dakong huli na ang kanilang ginagawa ay hindi kaayon ng mga simulain ng Bibliya. Repasuhin ang mga tanong na dapat nating isaalang-alang kapag nagpapasiya tungkol sa sekular na trabaho na may ilang relihiyosong kaugnayan. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang landasin na titiyak ng mabuting katayuan sa harapan ni Jehova.—2 Cor. 6:3, 4, 14-18.
Awit 109 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 27
10 min: Lokal na mga patalastas at “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Disyembre.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Pag-aalok ng Mas Matatandang Aklat sa Enero. Pahayag at mga pagtatanghal. Ipakita ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba o dalawa o tatlong 192-pahina ng mas matatandang aklat, na inilathala bago pa ang 1986, na nasa istak ng kongregasyon, at pasiglahin ang mga mamamahayag na kumuha ng ilan para sa ministeryo sa larangan. (Kung walang makukuha, talakayin ang kapalit na alok sa Enero gaya ng ibinigay sa Mga Patalastas sa pahina 7.) Ipaliwanag kung bakit ang mas matatandang publikasyong ito ay epektibo pa rin sa paglinang ng interes sa Bibliya. Itampok sa bawat aklat ang mga mapag-uusapang punto at mga ilustrasyon na maaaring gamitin upang pasimulan ang mga pakikipag-usap. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
Awit 224 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 3
8 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.”
12 min: Alamin Kung Paano Sasagot. (Col. 4:6) Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Ang aklat na Nangangatuwiran ay isang kahanga-hangang pantulong sa pagbubukas ng pagkakataon upang ibahagi ang katotohanan ng Bibliya sa iba. Kapag nagbangon ang isang maybahay ng pagtutol sa isa sa ating mga paniniwala, marahil ay maaari nating gamitin ang bahaging “Kung May Magsasabi—” sa dulo ng bawat seksiyon na tumatalakay sa paniniwalang iyon. Talakayin ang mga sinasabi tungkol sa Bibliya na binabanggit sa pahina 66-70 (64-8 sa Ingles), at isaalang-alang kung bakit ang iminungkahing mga kasagutan ay talagang epektibo.
25 min: “Gamitin ang Ating Literatura Nang May Katalinuhan.” Pangangasiwaan ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang tanong at sagot na pagsaklaw sa artikulo na nasa insert. Kapag tinatalakay ang parapo 3 hanggang 5, magkaroon ng isa o dalawang pagtatanghal kung paano ipaliliwanag ang kaayusan sa donasyon sa mga maybahay. Idiin na bagaman ang literatura ay ipamamahagi nang walang takdang halaga, ito’y gumugol ng malaking halaga ng salapi upang magawa at maipamahagi. Ang gayong paggawa ng literatura ay bahagi ng pambuong daigdig na gawain kung kaya kailangan nating lahat na tanggapin ang ating indibiduwal na pananagutan upang suportahan ito nang buong puso sa pamamagitan ng ating mga kontribusyon.
Awit 56 at pansarang panalangin.