Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Mayo 8
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Manatiling Gising.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ipaliwanag kung bakit apurahan ang ating pananatiling gising sa espirituwal kahit na hindi natin alam ang araw at oras. (Tingnan ang Nobyembre 1, 1995, Bantayan, pahina 20.) Idiin na ang pagkakaroon ng lubusang pakikibahagi sa ministeryo ay isa sa pinakamabuting paraan upang makapanatiling alisto kung nasaan na tayo naroroon sa panahon ng kawakasan.
15 min: “Paano Mo Minamalas ang Iyong Sarili?” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo sa Enero 15, 2000, Bantayan, pahina 20-2. Idiin lalo na ang mga puntong nasa huling apat na parapo ng artikulo na nagpapakita ng mga kapakinabangan sa pagkakaroon ng timbang na pangmalas sa sarili at sa hindi pagkakaroon ng masyadong mataas na pagtingin sa ating sarili.
Awit 201 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Ang Pagbabasa ng Bibliya na Kapaki-pakinabang. Pahayag at pagtatanghal salig sa Giya sa Paaralan, pahina 34-5, parapo 6-7. Ang isang huwarang programa ng pagbabasa sa Bibliya, na doon isinalig ang mga tampok na bahagi ng Bibliya, ay bahagi ng kurso ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. (Disyembre 1999 Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 7) Ipatanghal sa isang grupo ng pamilya kung paano maaaring isinaalang-alang ng isang pamilya ang isang bahagi ng pagbabasa ng Bibliya sa linggong ito para sa paaralan. Pumili sila ng isa o dalawang kapana-panabik na punto at gumawa ng ilang karagdagang pagsasaliksik sa Watch Tower Publications Index o Insight on the Scriptures. Ipakita kung paanong ang pagbabasa ng Bibliya ay maaaring maging higit na makabuluhan, mas nagsasangkap sa atin na ‘gamitin nang wasto ang salita ng katotohanan.’—2 Tim. 2:15.
Awit 203 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 22
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang mga puntong mapag-uusapan sa pinakabagong mga isyu ng Ang Bantayan at Gumising! na maaaring gamitin kapag iniaalok ang mga ito sa Araw ng Magasin sa dulong sanlinggong ito.
20 min: “Anong Kinabukasan ang Nais Mo Para sa Iyong mga Anak?” Pahayag ng isang matanda na isang huwarang ulo ng pamilya sa artikulong nasa Bantayan ng Hulyo 15, 1998, pahina 4-6. Ipamalas kung paanong kailangang ipakita ng mga magulang ang tunay na interes sa ginagawa ng kanilang mga anak sa paaralan, sa halip na basta hayaan na lamang mangyari ang mga bagay-bagay. Idiin kung paanong ang mga magulang ay maaaring (1) tumulong sa kanilang mga anak na pumili ng angkop na sekular na trabaho, (2) ihanda sila upang harapin ang mga kaigtingan sa paaralan at sa trabaho, at (3) ipakita sa kanila kung paano masasapatan ang kanilang espirituwal na mga pangangailangan.
15 min: Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig sa mga punto sa “Tanong.” Ipakita kung paanong kapuwa ang mga attendant at mga magulang ay may pananagutan sa paggawi ng mumunting mga anak sa loob at sa palibot ng Kingdom Hall.
Awit 83 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 29
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Mayo. Itanghal ang isang maikling presentasyon ng alok na literatura para sa Hunyo. Ipakita kung paano mag-aalok ng isang pag-aaral sa Bibliya, na ginagamit ang aralin 13 sa brosyur na Hinihiling.
15 min: “Pagkasumpong ng Kagalakan sa Inyong Sagradong Paglilingkod.” Isang pahayag. Talakayin ang mga dahilan kung bakit may dahilan tayo para magalak sa ating ministeryo.— Tingnan ang Insight, Tomo 2, pahina 120.
18 min: Kristiyanong Paggawi sa Paaralan. Ang ama ay nakipag-usap sa kaniyang anak na lalaki o babae upang ipakita ang malulubhang patibong sa kapaligiran ng paaralan, lalo na’t malapit nang magsimula ang bagong taon ng pasukan. Kaniyang idiniin ang pangangailangang magbantay sa pakikipagsamahan at iwasan ang nakapag-aalinlangang mga aktibidades. Kaniyang nirepaso ang kahon sa pahina 24 ng brosyur na Edukasyon at ipinaliwanag ang pangangailangang magbigay ng isang mabuting halimbawa bilang isang Saksi. Binanggit ng ama ang ilang tukso na bumabangon hinggil sa paggamit ng droga, pakikipag-date, pagdalo sa sosyal na mga pagtitipon, o paglahok sa palakasan; tinalakay nila kung paano iiwasan ang mga problema. Pinatibay ng ama ang kabataan na huwag ipagpaliban ang pagtatapat sa kaniya kapag nagkakaroon ng suliranin—nais niyang malaman at tumulong. Para sa karagdagang ideya, tingnan ang Bantayan, Pebrero 15, 1998, pahina 8-11.
Awit 95 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Isang Pribilehiyo na Bukás Para sa mga Kabataan.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Ilahad ang mga karanasang masusumpungan sa Disyembre 1, 1996, Bantayan, pahina 13, parapo 15. Anyayahan ang mga kabataan na alalahanin kung paano sila nasiyahan sa pamamahagi ng mga magasin. Ipatanghal sa isa o dalawang kabataan ang isang simpleng presentasyon sa magasin sa mga pintuan. Pasiglahin ang mga magulang na isama ang kanilang mga anak sa gawain sa magasin linggu-linggo.
15 min: “‘Subukin May Kinalaman sa Pagiging Nararapat’—Paano?” Pahayag ng isang matanda. Repasuhin ang maka-Kasulatang kaayusan sa pagkakaroon ng mga ministeryal na lingkod sa kongregasyon. (Tingnan ang Insight, Tomo 2, pahina 409.) Ipakita kung anong mga kuwalipikasyon ang kailangan nilang matugunan para sa pag-aatas. (Tingnan ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 55-7.) Ipakita ang ilang paraan kung paano makapaglilingkod ang mga ministeryal na lingkod, at pasiglahin ang mas marami pang mga kapatid na lalaki na abutin ang pribilehiyong ito.
Awit 82 at pansarang panalangin.