Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hunyo 14
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano ihaharap ang Hunyo 15 ng Bantayan at ang Hunyo 22 ng Gumising! Sa isang presentasyon, ipakita ang mamamahayag na nagpapatotoo sa lugar ng negosyo. Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang presentasyon.
20 min: “Tinutulungan ni Jehova ang mga Nagtitiwala sa Kaniya.”a Kapag tinatalakay ang parapo 4, ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 67, parapo 2.
15 min: Bakit Dapat Umiwas sa Pag-abuso sa Droga? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 133-6 (pahina 106-9 sa Ingles). Karaniwan na ang paggamit ng mga drogang “panlibangan.” Iginigiit ng marami na hindi naman nakapipinsala ang paggamit ng droga sa gayong paraan; iminumungkahi pa nga ng ilan na gawin itong legal. Talakayin kung paano tayo maaaring makipagkatuwiranan sa gayong mga tao. Ilakip ang mga komento sa kahon sa pahina 10 ng Nobyembre 8, 1999, Gumising!
Awit 179 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 21
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Tinutulungan Tayo ng mga Anghel.”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga kasulatan.
20 min: Ang Karunungan Mula sa Itaas ay Makatuwiran. (Sant. 3:17) Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 251-2. Ano ang ibig sabihin ng maging makatuwiran? Bakit ito mahalaga sa ating ministeryo? Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni apostol Pablo? Paano maisasaalang-alang ng mga mamamahayag ang pinagmulan ng mga tao sa lokal na teritoryo? Paano natin matutulungan ang mga estudyante sa Bibliya na magpamalas ng pagkamakatuwiran? Isaayos nang patiuna na maglahad ng mga karanasan ang isa o dalawang indibiduwal na nagpapakita ng mga kapakinabangan ng makatuwirang paglapit.
Awit 53 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 28
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hunyo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 1 ng Bantayan at ang Hulyo 8 ng Gumising! Sa pasimula ng bawat pagtatanghal, magbibigay ang mamamahayag ng maikli at palakaibigang komento. Banggitin na ang paggawa nito ay tutulong na mapalagay ang loob ng may-bahay.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
18 min: “Ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat—Kung Bakit Kailangan Natin Ito.”c Gamitin ang mga tanong na inilaan. Ilakip ang mga komento sa artikulong “Tulungan ang Iyong Tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat,” na lumitaw sa pahina 1 ng Nobyembre 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 20 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ano ang Sasabihin Mo? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Sa Hulyo at Agosto, mga brosyur ang iaalok natin. Aling mga brosyur ang nasumpungan ng mga mamamahayag na mabisa sa lokal na teritoryo? Repasuhin ang iminungkahing mga presentasyon mula sa Hulyo 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8, o mula sa iba pang nakalipas na mga isyu. Idiin na ang bawat presentasyon ay may kalakip na (1) isang tanong, (2) isang kasulatan, at (3) isang puntong itatampok mula sa publikasyon. Itanghal ang isa o dalawa sa mga presentasyon. Himukin ang lahat na gamitin ang Bibliya kapag inihaharap ang mabuting balita.
20 min: Ang Kailangan ng mga Anak sa mga Magulang. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, pahina 6-7. Mahalagang malaman ng mga bata ang mga simulain ng Bibliya na umuugit sa tunay na pagsamba at maunawaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga magulang sa paraan ng pagsasanay. Talakayin ang ibinigay na mga mungkahi sa pag-aaral sa aklat. Anyayahan ang mga magulang na magkomento kung paano nila ginagamit ang pantulong na ito sa pag-aaral. Pagkomentuhin ang isa o dalawang bata kung bakit nasisiyahan sila sa publikasyong ito.
Awit 65 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.